Shadow

134 3 0
                                    

Chelsy's POV

Wit! Ang sweet naman nung dalawa. Grabe. Kinikilig ako sa kanila! Para akong nanonood ng isang teleserye na happily ever after ang ending habang nakatingin sa kanila. At last, nagkaaminan din sa waks. Parehas pa kasing pakipot eh. Tss. Sa wakas nakita ko na din na masayang talaga ang best friend ko. Ilang buwan na din kasi siyang malungkot at palaging malalim ang iniisip.

Kinausap ako ni Sky para tulungan siya dito sa plano niyang pag co-confess kay CL. Syempre nag yes ako agad. Ako lahat ang nag-isip ng set up. Mula sa decor. Sa bulaklak. Sa lugar. Pakana ko lahat to. Syempre gusto ko romantic talaga ang arrive.

Natawa pa nga ako kay Sky kanina kasi nagmamakaawa siya na tulungan ko siya. Nabatukan ko nga ng isa. Paano! Pakipot pa kasi ih. May pag susuplado pa. May pag iinarte pang nalalaman ih di rin naman pala makakatiis. Tsk. Ang pag-ibig nga naman!

Makalabas na nga muna dito. Naiinggit lang ako sa dalawang to. Naglakad na ako palabas ng secret place. Saktong nasa malapit na ako sa may peryahan ng nagsimula na yung mga fireworks. Grabe ang gaganda. Iba't iba ang kulay. May malalaki, may maliliit.

Napalingon ako bigla sa gawing kaliwa ko. Pinagmasdan kong maigi kung sino yung nakaupo sa may bench. Tama ako. Si Calvin nga. Muy hawak siya na isang maliit na box at malungkot na nakatingin dun. Nag decide ako na lumapit sa kanya.

Tumigil ako sa may harap niya at nag angat siya ng mukha ng maramdaman niyang may tao sa harap niya. Pilit siyang ngumiti at saka sumenyas na umupo ako sa tabi niya. Pagkaupo ko tumingala ako sa langit. Hindi pa din kasi tapos yung fireworks display.

"San ka galing?" napatingin ako kay Calvin. Nakatitig pa din siya dun sa box na hawak niya. "Ah-- Sa secret place. May tinulungan lang ako na dalawang tao na in denial. Sina CL at Sky". Umayos siya ng upo pero nakatingin pa din sa box na hawak niya. "So naayos mo ba?"

"Oo. Ayun okay na sila at mukang tuloy tuloy na magkakaayos na sila. Sobrang sweet nga nila eh. Kinikilig ako habang pinapanood ko sila kanina". Hanggang ngayon nga pag naiisip ko yung scenario kanina eh kinikilig pa din talaga ako.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon