Can I Have this Dance Part 1

90 3 0
                                    

CL’s POV

Mas naging solid ang barkadahan naming anim sa paglipas ng mga araw. Madalas na pagkakatapos ng mga klase namin ay magkakasama lang kami sa secret place, kumakain at nagkukuwentuhan. Masaya na kami sa ganitong set up. Sina Chelsy at Calvin medyo ilang parin sa isa’t isa pero they still manage to talk. Sina Nathan naman at Sam ay walang pagbabago. Aso’t pusa parin ang dalawa.

“Guys, next Friday na yung JS Prom natin ah! May mga date na ba kayo?” tanong ni Sam habang sinusuklay niya yung napakaganda at napakakintab niyang buhok.

Unang nagtaas ng kamay si Sky. “Ako meron na!” sabay tingin sa akin ni Sky. Namula naman ako sa sinabi niya. “Uuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyyyy!” asar ng lahat sa aming dalawa. Medyo nasasanay na ako na palagi nila kaming niloloko kaya lang namumula padin ako.

“May date na din ako” napalingon kaming lahat kay Calvin. “Sino?” tanong ko sa kanya. “Secret” sabay ngisi niya. Tumingin ako kay Chelsy at nakita ko na nalungkot siya sa narinig niya. Kakausapin ko nga tong si Chelsy.

“I’m going alone” singit naman ni Nathan.

Nagtaas ng kilay si Sam. “Not surprised Nathan” sabay smirk ni Sam.

“Baka pag ako nakita mo sa prom eh magsisi ka jan Sam” pang aasar ni Nathan. Humalukipkip si Sam. “Never in your wildest dreams Nathan at kahit ikaw pa ang pinaka huling lalaki sa mundo, I will NEVER EVER as in never kitang magugustuhan!”

“Baka lunukin mo lahat ng sinabi mo Sam, ikaw din! Huwag magsalita ng tapos” sabi ni Nathan.

Nagkatawanan na lang kaming lahat. There they go again. :)

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon