Sunday Morning

194 7 0
  • Dedicated kay Danna De Chavez Sumagui
                                    

Samantha's POV

Hindi ko parin makalimutan yung nangyari kanina. Akalain mong inisnab talaga ang beauty ko! Kainis talaga! How could he? Nilaklak ko na lang ang ladies drink na hawak ko.

As usual nasa club na naman ako at nagpaparty. Eto ang buhay ko. Ang mag party, uminom at makipag flirt sa mga lalaki. Pinakamatagal ko na ang 1 week. Mabilis kasi akong magsawa at saka isa lang naman ang gusto nila sa akin ih pero neknek nila. Hindi nila makukuha yun sa akin. Kung tuso sila pwes ibahin nila si Samantha Lopez.

"What's with that face?" tanong sa akin n Chloe. Nakaupo kami sa VIP area ng club. Uminom muna ulit ako bago sumagot sa kanya. "Let's just say na may tumanggi sa akin na lalaki". Muntik ng mabuga ni Chloe ang iniinom niyang tequila. "What? May lalaking tatanggi sa alindog mo?" nahampas ko sa balikat si Chloe. Ang OA. Alindog? Oldies ng term. please!

"Yes!" at sabay lagok ulit sa hawak kong baso. "And who's the guy?" tanong niya sa akin. Sumandal ako sa couch at saka sumagot. "Sky Revilla". "Oh? diba siya yung apo ng may ari ng school na pinapasukan mo?" tumango lang ako sa kanya.

"Ay na ko! Tama na yan Samantha. We're here to have fun so huwag mo munang isipin yung lalaki na yun. Look around. Ang daming hot boys dito" sabi ni Chloe na may knindatan na agad na isang guy. Kung flirt ako. Mas flirt siya sa akin.

"Let's party" sabay hila sa akin ni Chloe sa dance floor. Hindi muna kita iisipin Sky pero I swear you'll end up in my famous boys list but for now I'll just enjoy this night.

CL's POV

"Ang lamya mo naman magtulak. Laksan mo" nakaupo ako sa swing at tinutulak ni Sky. Nasa park kami sa may malapit sa school. "Lamya pala ha?" at bumwelo siya ng isang malakas na tulak. "Yan ganyan!" Nung una natutuwa pa ako hanggang sa lumakas ng lumakas ang pagtulak niya. Para na akong nakasakay sa anchors away ng EK. Medyo nasusuka na ko. "Huy! Sky! Tama na! Ang taas na!" sigaw ko sa kanya pero parang hindi niya ako naririnig.

"SSSSSSSSSSSSSSSKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!!"

*Booooogsssshhhhhh*

"Aray!" Putik! Nahulog ako sa kama. Ang sakit. Pupungas pungas ako na naupo sa sahig. Medyo kinusot ko pa ang mata ko at tinignan ang tuhod ko. Wala namang sugat. 6:00 am pa lang pala. Maaga pa. Makatulog muna ulit. Akamang tatayo na ako ng biglang nanlaki ang mata ko ng makita na may nakatayo pala sa pintuan ng kwarto ko.

Si Sky!

Kaya lang Imposible! Bakit naman nasa bahay namin si Sky at nasa pintuan pa siya ng kwarto ko? Hallucination lang to. Tinuloy ko na lang ang pagtayo at humiga ulit sa kama ko. Makatulog na nga. "CL bumangon ka na jan. Sisimba pa tayo" Ano ba naman tong panaginip na to? Ano ba to? Extended version. Ayaw akong lubayan. Nagtakip nalang ako ng unan sa mukha ko nang biglang may humila sa unan na nakatakip sa mukha ko. "Sabi ko bumangon ka na jan at sisimba pa tayo"

"Ano ba naman Sky? Hindi ka ba aalis sa panaginip ko? Hayaan mo na nga ako matulog. Ang aga pa!" sabay hablot ko ulit sa unan at itinakip ulit sa mukha ko. Hinila niya ulit yung unan. This time umupo na ako sa kama ko. "Ano ba?" sigaw ko sa kanya.

"Ano bang panaginip ang sinasabi mo? Totoo ako" totoo siya? Sinundot ko ng daliri ko ang pisngi niya. Mga limang beses.

DATA LOADING. . .

20%

50%

80%

100%

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon