Start of Something New

330 8 0
                                    

CL's POV

"Swerte mo naman katabi mo si Sky" sabi sa akin ni Chelsy. Siya yung best friend ko. Medyo kinikilig pa ang loka nung sinasabi niya yun. "Ano namang swerte dun? Ang swerte yung tumama sa lotto" sagot ko sa kanya. Nag-pout siya dahil sa sinabi ko. "Napaka naman nito!"

"Wala naman kasing kakaiba sa kanya, bakit ba kayo kinikilig pag andyan siya?" oo. gwapo siya pero mayabang at mukang paasa sa mga babae. "Ay nako! One day you'll know" sabay irap sa akin ni Chelsy.

Ok Fine. Ako na slow. Ako na hindi nakakaalam. Tiningnan ko si Sky. Kasalukuyan siyang nakikipagkwentuhan sa iba pa naming mga kaklase. Ang bilis niya makapalagayang loob yung mga kaklase ko. Halos isang buwan pa lang mula nung lumipat siya dito pero center of attraction na talaga siya.

Napalingon siya sa akin. Nginitian niya ko. Agad akong nagbawi ng tingin. Ay! Engot ko naman nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Humarap na lang ako sa desk ko at nagbasa ng libro. Baka naman hindi ako yung nginitian nya. Assuming lang ako.

*************

Isa isang tinatawag kami ni Mr. Cruz para ibigay ang quiz namin last time sa Math. Panigurado bagsak ako. Buti pa sila pasado. Hays! Bakit ba naman kasi ang boplaks ko sa Math. "Zotomayor!" Ayan na tinawag na ako. Kabado ako habang papalapit sa unahan. Iniabot sa akin ni Sir ang papel at katulad ng inaasahan ko. Bagsak.

"CL" awtomatikong napatingin ako kay Sir. "First quiz pa lang naman yan. You should work double time or I'll be seeing you in my summer classes". Utang na loob, ayoko mag summer classes. "I will Sir" at bumalik na ako sa upuan ko. Tinupi ko kaagad yung papel at sinipit sa notebook.

Nakalapag sa desk ni Sky yung papel niya. Wow! Perfect siya. Matalino naman pala siyang talaga. Nakakainggit naman siya. Tumingin na lang ulit ako sa desk ko at nagsimulang intindihin ang lecture ni Sir kaya lang kahit anong gawin ko hindi ko talaga ma gets. This is so frustrating. Sinubsob ko ang ulo ko sa desk. Hayssssss..........

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon