Halaga

157 4 0
                                    

CL's POV

Pinatahimik ni Mirsha yung mga kaklase ko at saka ulit nagsalita. "Yung confession night ay isang dance party pero may twist. Sa gabing yun hindi lang sayawan ang magaganap, pwede kayong mag confess ng feelings niyo sa taong espesyal sa inyo. Exciting diba? So ngayon pa lang guys mag praktis na kayo ng mga sasabihin niyo. Malay niyo diba? Sa gabing yun niyo mahanap ang prince charming at princess ninyo!"

Umugong ang malakas na bulungan ng mga kaklase ko. May mga nagtutuksuhan na at nagkakantiyawan. Mukang excited na talaga silang lahat.

"And may gusto pa akong idagdag" singit ni Mirsha. "Nagbuo na ako ng committee na mag aasikaso para sa booth." Utang na loob! Huwag mo ako isama jan Mirsha. Wala ako sa mood. Hindi gagana ang brain cells ko.

"Ang bibili ng decorations ay sina Chloe, Minzy at Yuna. Sina Clyde, Kevin at Albert naman ang mag sesetup ng gazebo. Kukunin kay manong janitor yung mga bakal para dun. Ang mag aayos ng mga damit, belo at props ay ang grupo nina Niykhole. Si Xander ang magiging pari. Sina CL at Sky ang sa registration tapos yung iba kayo ang huhuli dun sa mga ikakasal". Badtrip! Sa dami ng ibibigay bakit yun pa? Kainis naman tong si Mirsha. Bakit kasama ko pa si Sky?

Nagtaas ako ng kamay. Napansin naman yun ni Mirsha at pinatayo niya ako. "Pwede bang iba na lang ang kasama ko?" Hindi ko na napigil ang sarili ko. Naiinis na kasi ako talaga. Kung ayaw niya akong kausapin o kibuin. Bahala siya. Sandaling nag isip si Mirsha. Mukang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"A-Ah sige, Tristan ikaw na lang ang sumama kay CL. Sky kina Kevin ka na lang sumama" good! umupo na ako sa upuan ko at saka sumubsob ulit. Ayoko na kasama si Sky lalo na sa ganitong sitwasyon namin ngayon. Isipin na niya kung ano ang gusto niya. Basta ayoko siya kasama!

**********

Naging busy na kami nung mga sumunod na araw. Meeting dito. Set up dun. Plano dito. Decor dun. Halos araw araw ata ang palaging pinaguusapan ay yung foundation days at yung confession night pero ako ang problema ko ay yung math subject ko. Hays!

Nasa may cafeteria ako ngayon. Sariling sikap na naman ako kasi nga hindi na ako kinikibo ni Sky. Wala ng nagtuturo sa akin. Pinatong ko ang ulo ko sa lamesa at saka ako pumikit. Ano ba kasing problema Sky? Bakit ka ganyan?

"Mind if I join you?" tumingala ako at nakita si Calvin. Nakangiti siya sa akin. Lalong naningkit ang mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya palang talaga. Palaging sinasabi sakin yun ni Chelsy kaya lang ngayon ko lang talaga napatunayan. Matangos ang ilong. Chinito ang mata. May dimples sa magkabilang pisngi. Matangkad at maputi.

Sa sobrang misteryoso niya nag back ground check ako sa kanya. OA man pero interesado ako na malaman ang buhay niya. May kapatid siyang babae na nasa US ngayon para mag aral. Yung parents naman niya ay mga business tycoons din kaya sobrang yaman nila. Bukod sa good looks napakabait din niya. Wala siyang bad record sa campus. Consistent Honor student din siya. Ayaw niyang maging center of attraction kaya palagi siyang naka hoodie.

Sa loob loob ko, Swerte ng babaeng magugustuhan niya. Ngumiti ako at sumenyas na okay lang. Umupo siya sa harap ko. "Hulaan ko, math subject yan ano?" marahang tumango ako sa kanya. "Tungkol ba saan yan?" Iniharap ko sa kanya yung libro ko. Nakita ko siyang ngumiti. "Yan lang pala" inagaw niya sa akin yung ballpen at notebook ko at nagsimula siyang sagutan yung problem na kanina ko pa sinusubukan na gawin.

Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya. "Oh eto na" sabay abot niya sa akin nung notebook at ballpen. Seriously? Parang 10 minutes lang niya sinagutan yung 5 problem na hindi ko maintindihan. Boplaks ko talaga sa math. Hanep din pala talaga sa talino tong si Calvin. "Sa-salamat" sabi ko habang tinitignan ko yung ginawa niya. Naalala ko tuloy si Sky. Ganito din ang ginagawa niya pag hindi ko na talaga kayang sagutan yung math problem.

"Oh bakit nalungkot ka bigla jan?"

"Ah wa-wala" at niligpit ko na yung gamit ko. "May pupuntahan ka ba?" Umiling ako sa kanya. "Good! Tara!" napakunot ang noo ko. "Saan tayo pupunta?" Hindi siya sumagot at hinawakan niya ako sa kamay ko at hinila palabas ng cafeteria. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Samantha's POV

Ano bang meron tong CL na to at lahat na lang ng good looking guys ay naho-hook sa kanya. Nakakairita na siya ha! Nakakapang galit siya! "Girl ang wrinkles" singit ni Steph habang umiinom siya ng starbucks coffee. "Nakakairita na yang CL na yan ha! Nakita mo ba yun girl?"

"Kaya nga ih! Lahat na lang ba ng hot boys dito ay siya ang papansinin?"

Ano bang meron yung babae na yun? Hindi naman siya kagandahan tapos balita ko boplaks pa siya sa math. What's so special about her?

CL's POV

Wala kaming imikan ni Calvin habang nasa loob kami ng kotse niya. Gusto ko siyang kausapin kaya lang wala akong maisip na mapagusapan namin. Ayoko naman na si Sky ang pag usapan namin. Buti na lang naisipan niyang buksan ang sounds kaya medyo hindi nakakailang. Nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga nalalagpasan namin. Ang ganda ng playlist ni Calvin. Ok din pala ang taste niya sa music.

Medyo malayo din yung byahe namin ni Calvin. Nagulat ako ng makita na sa dagat pala kami pupunta. Na excite naman ako ng makita ko yun. Tumingin ako kay Calvin at saka ngumiti. "Tara!" yaya ni Calvin. Bumaba na kami sa kotse at patakbo ako pumunta sa may tabing dagat. "Dahan dahan CL baka madapa ka!" paalala sa akin ni Calvin pero dire diretso pa din ako.

Tinanggal ko ang sapatos ko at saka nagtampisaw. Ang lamig ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakawala panandali ng problema.

Calvin's POV

Nasiyahan ako ng makita na sobrang saya ni CL habang nagtatampisaw sa dagat. Para siyang bata na unang beses lang na nakarating sa ganitong lugar. Nakatayo lang ako at pinapanood siya. Kahit papaano nakita ko din siya na ngumiti at tumawa ng hindi pilit.

"Huy Calvin! Halika dito dali!" sigaw ni CL sa akin. Lumapit ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla niya akong basahin. Tawa siya ng tawa sa akin ng makita na nabasa ako. "Ah ganun pala ha!" Gumanti ako sa kanya. Binasa ko din siya. Ako naman ang tumawa ng makita na tinamaan siya. Nagbasaan lang kaming dalawa dun at ng mapagod kami ay naupo kami sa may buhanginan at pinanood ang papalubog na araw.

Sinulyapan ko si CL na nakatitig dun. Napalitan na ng saya ang kaninang malungkot na aura niya. Buti naman at napasaya ko siya. Mission accomplished. Nagulat ako ng biglang tumingin siya sa akin. Agad na nagbawi ako ng tingin sa kanya. Tumingin ulit siya sa papalubog na araw. "Calvin salamat ha. Gumaan yung pakiramdam ko" sabi ni CL.

"Welcome CL"

Ginagawa ko to kasi ayoko na makita kang malungkot. Ginagawa ko to kasi ayoko na makita na umiiyak ka. Ginagawa ko to kasi ayoko na nagmumukmok ka. Ginagawa ko to kasi. . . .

GUSTO KITA.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon