Can I have this dance Part 2

76 2 0
                                    

Sam's POV

Pagbaba ko ng sasakyan, as usual nakatingin na naman sila sa aking lahat. Sino ba naman ang hindi mapapalingon kay Samantha Gale Lopez. Bulag na nga lang siguro ang hindi makaka appreciate sa ganda ko.

"Ang ganda talaga ni Sam no!"

"Ang sexy din niya dude!"

"Wala siyang date?"

Nilingon ko kaagad ang babaeng nagsabi non. Mukhang nakuha naman siya sa tingin at tumiklop ang bibig niya. And so? Eh ano kung wala akong date? Eh ano kung ako lang? For sure naman merong lalaki na lalapit sa akin. Isinuot ko na yung maskara ko at sara dire-diretsong naglakad papasok sa hall.

****

Agad kong narecognize sina CL at Chelsy dahil sa mga gown na suot na sila. Syempre todo picturan kaming tatlo. Nasa isang round table kami kasama si Sky. Wala pa sila Nathan at Calvin. Sabi ni Sky susunod daw si Nathan. May aasikasuhin lang daw. Sa totoo lang namimiss ko din ang kakulitan niya. Parang di buo ang araw ko ng hindi kami nag-aaway dalawa.

Ah? Teka! Ano ba tong iniisip ko? Erase. Erase.

Napatingin kami sa may pintuhan ng hall ng biglang maghiyawan ang mga estudyante sa loob.

"Si Calvin ba yun girls?" tanong ko.

"Mukha ngang si Calvin yun, pero sino yung kasama niya?" sagot ni CL. Si Chelsy naman nakatingin lang at walang imik. Mukhang bumagsak na naman ang good vibes ng babaeng to.

"Si Angel yung kasama ni Calvin" sabat ni Sky habang umiinom ng juice. Tumingin kaming lahat kay Sky.

"Si Angelica Guzman?" tanong ni Chelsy. Tumango si Sky.

Kaklase ni Calvin si Angel at siya ang katunggali ni Calvin sa pagiging valedictorian. Maganda si Angel pero syempre di papantay sa level ko. Kumaway sa amin si Calvin at saka inalalayan si Angel papunta sa table namin.

"Hi guys!" bati ni Calvin ng makarating siya sa tapat namin. "I want you to meet Angel". Ngumiti naman sa amin si Angel. Isa isang sinabi ni Calvin ang mga pangalan namin. Tipong parang nag roll calll lang.  "Nice to meet all of you", sabi ni Angel.

"Si Nathan nasaan?" usisa ni Calvin. "Wala pa bro, ang tagal nga nung mokong na yun. Mukang nagpapa pogi talaga!" sagot ni Sky.

"Ay nako Sky! Kahit ano pang gawin ng pinsan mo, wala namang mababago sa itsura niya. Mukha pa din siyang butiki" sabi ko sabay ismid.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon