Walang Hanggan

36 2 0
                                    


Chelsy's POV

"Oh ano pupunta daw ba siya?" tanong ni Sam sa akin pagkababa ko ng phone ko. "Yeah, sabi niya pupunta siya".

"Buti naman she said yes" sabi ni Calvin. "So Dude ano ng plano mo?"

"Hindi ko pa alam pero gusto ko siyang kausapin dude. I want to tell her everything. Ang hindi ko alam kung paano? She keeps on avoiding me. Wala siyang sinagot ni isang tawag or text ko." sagot ni Sky na halatang problemado.

"Hindi naman natin siya mapipilit agad agad na kausapin ka" singit ni Nathan na nakapalumbaba. "Kung gusto mo magpapa-late kami kunwari sa Sunday. Hindi naman siguro uuwi si CL pag nakita niya na ikaw pa lang ang andun?" suhestiyon ni Sam.

"Parang ise-setup nyo kaming dalawa, ganun ba?" tanong ni Sky. Sunod sunod ang tango ni Sam. "Tingin nyo ba uubra yun?" tanong ulit ni Sky.

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan?" sagot ni Calvin.

"Teka Sky, matanong ko lang. May nakwento kasi sa akin si CL. May lalaki daw na nagpapadala sa kanya ng kung ano ano sa umaga, nagpapadeliver ng lunch at may taxi pa daw na sumusundo sa kanya kada uwian niya. Ikaw ba may gawa nun?" tanong ko. Wala naman kasi akong ibang maisip na tao na pwede gumawa nun kundi siya lang.

"Yeah, ako lahat may pakana nun. I just want to give her things that I should have given her kung andito ako. I just want to do the things that I should have done for her. Dun man lang makabawi ako." sagot ni Sky.

"Siguro maganda din na sabihin mo sa kanya na ikaw yun. Alam mo naman na ayaw ng sinungaling ni CL". sabi ko.

"Hindi siguro muna pag nakikita ko kung gaano siya kasaya. Parang mas okay pa na hindi niya malaman na ako yun. Ayoko na mawala na naman yung mga ngiti na araw araw ko ng nakikita mula nun." sabi ni Sky.

"Ikaw ang bahala Sky pero mas maganda siguro kung malaman na din niya" sagot ko.

CL's POV

Naglalakad na ako papunta sa Star bucks nung nag text sina Chelsy at Sam na male-late sila dahil sa naiwan ni Sam yung regalo niya kay Nathan. Hindi na ako nag reply sa kanila at nagdiretso na lang dun. Pabukas pa lang ako ng entrance door ng makita ko na si Sky na nakaupo mag-isa, nakapalumbaba at nakatingin sa malayo.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako sa kanya, o sa ibang table na lang ako uupo. Hindi ko din maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. May pananabik akong nararamdaman na nakita ko ulit siya pero hindi padin mawala yung pait at sakit na dinulot niya sa puso ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang napansin ko na may tumulong luha sa kaliwang mata niya.

Mas lalo akong natigilan sa nakita ko. Umiiyak si Sky. Kitang kita sa mga mata niya na malungkot siya. Malayo sa Sky na nakita ko sa restaurant at sa KTV. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero mas nangingibabaw ang galit sa puso ko.

Nung mapansin niya na nakatayo ako sa may entrance door ay dali dali niyang pinunasan ang mga mata niya at saka tinanggal ang headset na nakakabit sa tenga niya. Hindi ko alam pero namalayan ko na lang na nakatayo na ako sa harap niya.

Tumayo siya para hilahin ang upuan sa harap niya at umupo ako. "Male-late daw sina Nathan at Calvin. Inaayos pa kasi nila yung surprise niya kay Sam". Tango lang ang naisagot ko. "Baka gusto mo ng umorder? Choco cream chip?" tanong ni Sky. Nagulat ako dahil alam pa din ni Sky ang paborito ko. Tumango ulit ako.

Tumayo siya at umorder. Tinext ko sina Chelsy at Sam pero hindi sila sumasagot. Sinubukan ko na din na tawagan sila pero wala din. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman nila siguro kami sinet-up ni Sky.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon