Happy Birthday

137 4 3
                                    

A/N

Dahil sa Typhoon Glenda, hindi ako nakapag-update kaagad. I hope okay lang kayong lahat jan.

Enjoy reading!

CL's POV

This is it! It's my day! It's my Birthday!

Maaga akong nagising dahil sa kakaisip sa lakad namin ngayon ni Sky. What I mean is hindi talaga ako nakatulog. Hahaha. ^___________^ Excited kasi ako eh! Tapos ang dami pang tanong na tumatakbo sa utak ko. Tulad ng saan kaya kami pupunta? Ano kaya yung surprise na sinasabi niya sa akin? May regalo kaya siya bukod sa lakad namin?

Nakatayo ako sa may harap ng salamin at tinitignan ko ang sarili ko. Halos ilabas ko na lahat ng damit ko sa cabinet ko para lang mamili ng damit na isusuot ko. Nakapili naman ako. Awa ng Diyos. Hahaha! Naka simpleng straight pink dress ako na may print na flowers tapos naka flat shoes lang ako. Pinusod ko na lang ang buhok ko tapos naglagay ng konting konting make-up lang. Hindi kasi ako sanay dun saka naniniwala ako na mas maganda ang mga babaeng walang masyadong kolorete sa mukha.

Sinulyapan ko ang wall clock na nasa kwarto ko. 8:30 am na pala. Kelangan ko na umalis. Sumulyap muna ulit ako sa salamin, saka huminga ng malalim at ngumiti. "You're pretty" puri ko sa sarili ko.

*********************

Since walking distance lang yung park sa bahay namin, 8:45 am nandun na ako. Wala pa si Sky. Mukang naunahan ko siya. Naupo muna ako sa isang bench.

8:50 am

Wala parin si Sky.

9:00 am

Baka na-traffic siguro kaya wala pa siya.

9:15 am

Baka may inaayos pa siya dun sa surprise niya kaya wala pa din siya.

9:30 am

Naiinip na ako. Bakit wala padin siya.

10:00 am

Grabe! Super Late na siya! Patay siya sa akin pagdating niya!

11:00 am

Naiiyak na ako! Asan na ba siya? Mukha na akong tanga dito. Hays!!Biglang nag vibrate ang cellphone ko. Sa wakas nagparamdam din si Sky. Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Buti naman nagparamdam ka na! Sobrang late ka na ha! Ano bang nangyari sayo bak-"

"CL sorry ha. I can't make it today. Sorry talaga. Biglaan kasing uuwi ng Pilipinas si Natalie. I need to pick her up sa airport". Biglang bumaba yung excitement na nararamdaman ko mula kaninang pag gising ko.

"Hey CL, are you still there?" Pinipigilan kong umiyak. "Si-sinong Natalie? Is it really important? Bakit ngayon pa? Bakit ikaw ang susundo sa kanya? Wala bang i-"

"CL please understand. Natalie is someone important to me too. Hays. I Know I made a promise pero biglaan lang talaga. Bawi na lang ako sayo. I have to go now. Umuwi ka na ha. Baka abutan ka pa ng ulan. Medyo madagim na ang langit." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Eh ano ba ako sayo? Am I not important to you? Hindi ako uuwi. I'll wait for you here. Hindi ako aalis dito" pagmamatigas ko sa kanya. Natalie huh? Who the hell is she anyway?

"CL don't be stubborn. Go home now. Sige na, I really have to go. Bye"

Pumikit ako at saka huminga ng malalim. Pinahid ko din ang mga luha ko. I made up my mind. Hindi ako aalis dito hanggat hindi siya dumadating. I'll wait for him. Abutin man ako ng ulan. Abutin man ako ng gabi.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon