Just Let It Go

96 5 2
                                    

CL’s POV

Mabilis na natapos ang mga araw, linggo, at buwan. Madami ng parol, christmas lights, at puto bung-bong. Malamig na din ang simoy ng hangin. Malapit na talagang mag pasko. Malapit na din matapos ang klase namin. Bukas christmas party na namin. Abala na silang lahat sa pag-dedecorate ng room namin pero ako nakaupo lang at nakatingin sa labas.

Ilang araw ko na din kasing pinag-iisipan kung kakausapin ko na ba si Sky. Hindi dahil sa namimiss ko na siya pero naisip ko ayoko na matapos ang taon na to ng hindi kami nagiging okay. Kahit friends na lang. Okay na sa akin yun. Alam ko naman kasi na may Natalie na siya ngayon. Ang gusto ko lang closure at maging okay kami ulit.

Sinabi ko yun kay Chelsy pero sinabihan niya ako na huwag ko na daw gawin yun. Tama na daw yung ganito. Sobra daw akong sinaktan ni Sky kaya tama na. Si Sam naman iba ang opinyon. Sabi niya kung yun daw talaga ang gusto, gawin ko kesa dumating yung point na magsisi daw ako sa huli.

Nagtatalo pa nga yung dalawa kung sino ang susundin ko ng biglang dumating si Calvin at katulad ng sinabi ni Sam, ganun din ang opinyon niya. Sa bandang huli, umayon na din si Chelsy.

Pero ano ba talaga dapat ang dapat kong gawin?

Natalie’s POV

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon