As Beautiful As You

191 4 2
                                    

CL's POV

This is it pansit. Today is the day. Acquaintance Party na namin mamaya. Wala kaming klase ngayong umaga kaya naayos pa namin yung mga banner na gagamitin namin. Umuwi muna kaming magkakaklase sandali para maghanda sa event mamaya. Si Chelsy ang kasama ni Sky ngayon kasi siya ang nag aasikaso ng mga gagamitin niya. Mas maalam kasi siya sa mga ganung bagay so ipinasa ko na sa kanya yun.

5:00 pm ang usapan naming magkakaklase na babalik ng school. Hahanap pa kasi kami ng magandang mapupuwestuhan para sa pageant mamaya. Sobrang ingay ng sound system tapos sumasabay pa yung ingay ng mga estudyante. Kaloka ih.

Nakakatuwang pagmasdan yung mga school mate ko habang naglalakad ako sa hallway papunta sa classroom namin. Nagpapraktis pa ng cheer yung iba. Yung iba nag-aayos din ng mga banners nila. Malapit na ako sa classroom ng makita ko si Mirsha na nasa may pintuan at may kausap sa cellphone. Siya yung class pesident namin. Mukang problemado siya.

"Uy Mirsha. May problema ba?" tanong ko sa kanya pagkababa niya ng cellphone niya. "Si Sky kasi" kinabahan ako bigla. "Anong nangyari kay Sky?" Huminga muna siya ng malalm. Tapos biglang bumaba yung balikat niya. "Hindi na siya makakasali sa pageant mamaya" sabay sad face niya. "Ha? Bakit? Anong nangyari?"

"Last minute ng biglang umayaw si Samantha ih" adik lang talaga yung babae na yun. Ano bang pumasok sa utak nun? "Alam na ba ng mga kaklase natin?" Umiling siya. "Tayo pa lang nina Chelsy. Paano na yan?" sa totoo lang hindi ko din alam kung anong gagawin namin. "Ikaw ng bahalang mag explain sa kanila ha, hanapin ko lang si Chelsy at Sky". Tumango na lang si Mirsha at pumasok sa loob ng classroom.

Naglakad na ulit ako sa hallway. Sinisilip ang bawat classroom baka naligaw dun yung dalawa hanggang sa mapatapat ako sa faculty room. Ayun! Andun pala yung dalawa.

Sky's POV

"Ano po? hindi na kasali si Sky sa pageant? Bakit naman Miss?" sabay bagsak ng kamay ni Chelsy sa lamesa ni Ms. Menchie. "Tumawag si Samantha, she told me na magba-back out na siya". Mas lalong nainis si Chelsy sa sinabi ni Ms. Menchie. "At bakit daw po?"

"Hindi na niya sinabi kung bakit, pagkasabi niya na magba-back out na siya, she ended the call". Wala naman talaga sa akin kung hindi na ako kasali. Ayos nga yun ih kaya lang naisip ko lahat ng kaklase ko na nagbigay ng oras nila para tulungan ako at suportahan ako. Lalo na kay CL. Pero anong gagawin namin? Hindi naman ako pwede rumampa na ako lang at nasa rule na dapat pair.

"Ganun lang Miss? Magba-backout siya ng walang dahilan? I can't believe her!" Nanggagalaiti na sa inis si Chelsy. Hindi niya alintana na teacher ang kaharap niya. "Sinubukan ko siyang tawagan after her call kaya lang unattended na yung number niya" sabi ni Ms. Menchie na hindi na matapos sa ginagawa niyang pagkukulot sa buhok niya.

"Is there anything we can do Miss?" Binaba na ni Ms. Menchie ang hawak niyang plantsa sa buhok. "The only thing we can do is to look for someone who can replace Samantha" tama si Ms. Menchie kaya lang sino naman ang pwede. Masyado ng maigsi ang oras para magpractice pa. It's already 5:00. Magsisimula ng 6:30pm ang pageant.

Tumingin sa akin si Chelsy. "May naisip ka ba kung sino ang pwede?" Umiling ako. Sino nga bang pwede? Wala akong maisip nung una, nang biglang bumukas ang pinto ng faculty room at niluwa nun si CL.

"Si CL. Siya ang pwedeng pumalit kay Samantha".

CL's POV

Ha? Ano daw? Anong papalit? At kanino? Anong sinasabi nito ni Sky. Dali dali akong lumapit sa kanila. Kung kanina hindi maipinta ang mukha ni Chelsy ngayon abot tenga na ang ngiti niya. "Tama!" sabay hawak sa balikat ko ni Chelsy. Tumingin ako kay Sky. Nakangiti lang siya tapos si Ms. Menchie marahang tumatango. Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari?

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon