It's the way you make me feel

182 3 0
                                    

A/N

Yung pong video sa side yung music ng prod number nila. :)

CL's POV

"Buti naman walang nangyari na masama sayo. Magpapatawag na sana kami ng pulis para hanapin ka" bakas sa mukha ni Chelsy yung pag-aalala niya para sa akin. "Hayaan mo na yun, baka ako din naman yung pagkakamali. Baka hindi ko napansin na may problema lang yung door knob" pero naiisip ko padin yung posibilidad na baka sinadya yun kaya lang wala naman akong maisip kung sino ang gagawa nun.

"Tingin mo bhui pwede na sinadya yun na ni-lock ka talaga sa loob ng ladies room?" tanong ni Chelsy sa akin.

"Hindi naman siguro bhui, saka wala naman akong kagalit diba? Wala naman sigurong mananadya nun" tumango na lang siya sa akin.

"Bhui simula ngayon hindi na kita iiwan mag-isa dito sa school baka mamaya hindi lang yan ang gawin sayo" swerte ko talaga sa bestfriend ko. "Salamat ha bhui" ngumiti siya sa akin.

***********

May math session kami ni Sky ngayon. May bagong topic kasi si Mr. Cruz. Nakikinig lang ako habang si Sky naman ay abala sa pagpapaliwanag sa akin ng bagong topic. "Gets mo na ba?" napakamot lang ako sa ulo. Hindi ko kasi makuha. Tsk! "May kuto ka ba? Kanina ka pa kamot ng kamot ng ulo mo ih". OA naman. Kuto agad. "Wala akong kuto! hindi ko kasi makuha yung pinapaliwanag mo" sabay ismid ko sa kanya.

"Niloloko ka lang talaga to, sige pahinga muna tayo" salamat naman at naisip din niya yun noh. Sasabog na yung utak ko dito ih. "Maiba tayo Sky, saulo mo na ba yung steps para sa prod number nyo?" Umiling lang siya at saka sumandal sa upuan niya.

"Ang hirap kasing kapartner ni Samantha. Nakakailang siyang kasayaw palaging gusto nakadikit siya sa akin" hindi lang pala ako ang nakakahalata nun pati pala siya. "At saka ang arte niya". Natatawa ako sa ekspresyon ng mukha ni Sky habang nagsasalita. Kinuha ko sa bag ko yung cp ko at hinanap yung kanta ng prod number nina Sky. Tumayo ako at inilahad ang kamay ko. "Lika practice tayo ng prod nyo".

Kumunot ang noo ni Sky. "Ikaw? Bakit sumasayaw ka ba?" ngingisi ngisi pa siya. "FYI Sky Revilla, dancer ata ako no!" at pinameywangan ko siya. "Ok, tignan natin".

Tumayo siya at medyo inayos ang suot niyang uniform. Pinindot ko na yung play sa cp ko at nagsimula ng tumugtog yung kanta. Ang theme ng prod nila ay parang fairytale. Yung time ng prince and princesses. Nag bow muna kaming dalawa tapos pinagdikit namin yung mga palad namin. Nakatingin lang kami sa mata ng bawat isa habang nagsisimula na kaming sumayaw.

Step forward tapos step backward tapos side by side. Ikot tapos sa kabilang side naman.

Nararamdaman ko na naman yung kuryente habang magkadikit yung palad naming dalawa. Bakit ko ba naisipan pa na ayain siya na sumayaw? Hindi ko na tuloy halos marinig yung kanta kasi eto na naman yung puso ko. Sobrang bilis at sobrang lakas ng tibok.

Magaling naman palang sumayaw si Sky. Hindi lang mahalata dahil kay Samantha. Pasikat kasi yung babae na yun ih. Ngumiti si Sky sa akin. Pakiramdam ko nag blush ako. Inalis ko na lang ang awkwardness na nararamdaman ko at ngumiti din sa kanya.

Malapit na yung chorus. Nagulat ako nung bigla akong hawakan ni Sky sa bewang at saka itinaas. Alam ko na yun ang susunod na step kaya lang nagulat pa din ako kasi akala ko di niya gagawin. Napatawa siya sa ekspresyon ng mukha ko. Natawa na lang din ako sa sarili ko. Sa mga sumunod na step naging mas magaan na yung pagsasayaw naming dalawa. May mga ikot. May iba pang lifting. Matatapos na yung sayaw at ginawa na namin yung pose para sa last part. Magkatitigan pa din kaming dalawa.

Habang nakatingin ako sa kanya pakiramdam ko bumagal ang lahat at sumabay na naman ang tibok ng puso ko. Na-mesmerize ako sa kanya. Hanggang sa. . . .

"Pakiramdam ko gusto na kita".

Sky's POV

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni CL. "What? Pakiulit nga CL?". Pagkasabi ko noon parang bigla siyang natauhan. Tinulak niya ako palayo sa kanya at tinalikuran niya ako. Hindi ako pwede magkamali sa narinig ko. She just confesed that she likes me.

"CL pakiulit nga yung sinabi mo" nakatalikod pa din siya sa akin. "CL!"

"A-ah wa-wala yun! Halika na, balik na tayo sa classroom" dinampot na niya lahat ng gamit niya. Inayos ko na din ang gamit ko at nagmamadaling sumunod sa kanya.

CL's POV

Halos kulang nalang lumipad ako para lang makarating na sa classroom. Hinahampas hampas ko pa yung mukha ko. Ano ba kasi CL yung sinabi mo? Bakit mo ba ginawa yun? Ano bang pumasok sa isip mo at sinabi mo yon? Nakakahiya yung ginawa mo!

"Hey CL! Hey! Wait up!" hindi ko siya pinapansin pero naabutan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at nahila niya ako paharap sa kanya. Hingal na hingal siya habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"I wont insist you to repeat what you said, kalimutan na lang natin yun. Nabigla ka lang siguro at saka baka mali lang ang narinig ko. ok?" at ngumiti siya sa akin.

Yeah! Nabigla nga lang siguro ako. Mali lang yung sinabi ko. Tama yun nga yun! Naiilang man ako pero tumingin ako sa kanya at saka patay malisyang ngumiti na parang wala akong nasabi kanina.

"Tara na!" at nagsimula na siyang maglakad. Sumunod na lang ako sa kanya. Tama siya kalimutan na lang yun.

************

Last practice na nila Sky ngayon. Huling araw na ng pag-uwi ko ng late at huling araw na din ng pagiging P.A. ko. Naka set na lahat. Naayos ko na yung lahat ng gamit na gagamitin ni Sky syempre sa tulong ni Chelsy. Nag hire pa siya ng dalawang stylists para sa pagpili ng damit at para sa hair and make up niya para sa pageant. Yaman lang ng best friend ko ih noh. Natapos na din ng mga kaklase namin yung mga banner na gagamitin.

"Ok guys, that is a rap! The pageant will be on friday so get enough sleep today and tomorrow. Kelangan fresh kayong lahat. Goodluck to all of you!" nagpalakpakan na lahat pagkasabi nun ni Ms. Menchie.

Nakaupo kami ni Chelsy sa may bleachers at iniintay na lapitan kami ni Sky para makauwi na kami pero hinarang siya ni Samantha.

Sky's POV

"Hey Sky!" nilingon ko si Samantha na nakatayo sa may likuran ko. "Yes?" Tinaasan niya ako ng kilay at saka namewang. "Bakit mo ako iniwan sa club nung isang araw?" Tinalikuran ko siya at inayos na ang gamit ko. "None of your business".

"Nagmuka akong ewan dun. Basta mo ako iniwan sa kalagitnaan ng party!" sinisigawan na niya ako. Humarap ako sa kanya at tinignan siya. "As far as I know wala akong obligasyon sayo and you are not even my girlfriend to nag me about that".

"Yes for now I'm not your girlfriend but I will be" natawa ako sa sinabi niya. "Why are you laughing?" halata sa mukha niya yung inis. "Its not funny!"

"We are maybe somewhat alike Samantha. Party, yosi, alak. But that was before and even if I met you before I will not even court you nor even look at you".

Lalong nagalit si Samantha dahil sa sinabi ko. Umuusok na yung ilong niya sa galit. "How dare you!" Nagtatatarang na siya sa harap ko at saka padabog na nag walk out.

Well, she deserves that. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo lalo na kung ayaw sayo. Dinampot ko na ang bag ko saka patakbong nilapitan sina CL.

"Sky anung nangyari sa inyo ni Samantha? Umuusok ang ilong sa galit ah!" pag uusisa ni Chelsy habang naglalakad na kami palabas ng gym. "Ah that was nothing" walang ganang sagot ko. Tumango na lang si Chelsy sa akin. Wala namang imik si CL. "Are you okay!"

"Ah-yes" sagot ni CL sa akin sabay ngiti. Pagod na siguro kaya hindi siya masyadong nag iiimik.

CL's POV

Hindi ko padin makalimutan yung katangahan na ginawa ko kanina. Haist!! In the first place bakit ko ba siya inaya pa na magpraktis ng prod nila ayan tuloy. Wrong move. Nahihiya tuloy ako na kausapin siya.

CL act like nothing happened. Si Sky nga oh parang wala lang diba? Deadma na siya diba. Tinignan ko si Sky habang masayang nakikipagkwentuhan kay Chelsy. Mukha nga na wala na sa kanya yung sinabi ko. Ako lang yung masyadong affected.

Huminga ako ng malalim. Ok! erase mo na lang CL yung nangyari kanina. Pahinga mo na lang at itulog yan. Bukas ok ka na. Bukas hindi kana aloof sa kanya. Bukas balik na kayo ulit sa dati.

How I wish. +_+

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon