Getting to know each other 2

277 8 2
                                    

CL’s POV

“That’s all for today, see you all tomorrow”.

Sa wakas tapos na din ang klase namin sa araw na to kaya lang maglilinis pa kami ng stock room ni Sky kasama si manong janitor. Saklap naman. Akala ko makakauwi na ako agad. Ano ba yan? Ang hard naman kasi ni Mr. Cruz. Parang 10 minutes lang naman kami late.

“Bhui” sabay kulbit sa akin ni Chelsy. Nilingon ko siya. “I’ll go ahead na, nasa labas na yung sundo ko” Tumango ako sa kanya at ngumiti. Yes. May sundo si Chelsy. Ganun talaga pag anak mayaman. “May utang ka sa akin na kwento ha” Napatawa na lang ako sa kanya. “Oo na po, promise tomorrow” Kinuha na niya lahat ng gamit niya at lumabas na ng room.

Inayos ko lang yung ibang mga gamit na iuuwi ko at inilagay ko na lang sa ilalim ng lamesa yung mga iiwan kong libro. Naglakad na ako palabas ng room. Pagbukas ko ng pintuan, bumungad sa akin si Sky na nakasandal sa pader at nakangiti.

Eto na naman ang puso ko. Daig pa ang nakikipag unahan sa karera sa sobrang bilis ng tibok.  Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Unti unti siyang lumapit sa akin. Palapit ng palapit. Sobrang lapit. Naamoy ko na yung pabango niya sa sobrang lapit niya sa akin. Nakakaduling na kasi sobrang lapit na niya sa akin. Hahalikan ba niya ako? Pumikit na lang ako pero biglang-

“Aray!” pinitik niya ako sa noo. Napahawak ako sa noo ko habang siya tawa ng tawa sa harap ko. Napahiya na naman ako. >//////////////< Ano ba naman kasi CL? Assuming na naman. Nakakadalawa ka na. Quota na! Tama na!

“Akala mo hahalikan kita no?” Sige mang-asar ka pa. Upakan ko kaya to? “Oy hindi to! Yabang mo naman. Naduduling na kasi ko kaya pumikit na lang ako” sabay ismid ko sa kanya. “Ok, sabi mo ih” tawa padin siya ng tawa sa akin.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon