Especially for you

243 8 0
                                    

Sky's POV













"Iba po ang ngiti nyo ngayon señorito ah. Ngayon ko lang ho kayo nakita na masaya simula nung dumating kayo sa mansion ng lolo niyo" napatingin ako sa personal driver ng lolo. Si Mang Simon. "Dahil po yan sa kasama nyong babae kanina ano? Nililigawan nyo po ba yun?"














Ito talagang si Mang Simon napakadaming tanong. Pero tama siya. Masaya nga ako ngayon at dahil yun kay CL. Pero hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko para sa kanya. Ayoko muna na mag-conclude at baka masaktan na naman ako katulad noon.













"Uy! Si señorito, nagbibinata na" napatawa ako sa sinabing yun ni Mang Simon. "Binata na naman ho talaga ako ih, saka Mang Simon pag tayong dalawa lang, Sky na lang ho ang itawag ninyo sa akin"














Nakangiting tumango si Mang Simon sa akin. Ibinaling ko na ang tingin ko sa bintana ng sasakyan at nakinig sa ipod ko.











****************












CL's POV












"Ma alis na po ako!" Kinuha ko na ang gamit ko at nagsimulang mag martsa papunta sa school. Ang ganda ng araw ngayon. Walang senyales na uulan. Ilang hakbang na lang malapit na ako sa school. Makikita ko na ulit si Sky. Hindi ko alam kung bakit excited ako na makita siya.

















"Siya ba yung kasama ni Sky nung isang araw na tumatakbo sa hallway?"














"Wala namang kakaiba sa kanya ah!"















"Oo nga! Ih mas maganda pa nga ako sa kanya ih"















"Siguro ginayuma niya si Sky"
















Ano ba yan? Agang aga tong mga babae na to! Binalingan ko sila ng tingin. Nakataas pa yung kilay nung isang babae sa akin. Maganda ang tawag niya sa sarili niya. Pasalamat siya naimbento ang make up kasi kung hindi muka siyang bangkay. Ay nako! Sayang ang araw. Good vibes dapat. Sayang lang ang laway ko sa mga babaeng clown na to.

















Nag diretso na lang ako sa paglalakad sa hallway papunta sa classroom ko. Rinig ko pa din yung pagpaparinig nila kasi kulang nalang isigaw nila. Well the hell I care. Inggit lang yung mga yun sa akin. Huwag na lang pansinin.














Pagbukas ko ng pinto andun na si Chelsy. Kumaway siya sa akin at sinenyasan ako na umupo muna sa tabi niya.













Inilapag ko ang bag ko sa desk at umupo sa tabi niya. "Ang tagal mo ha! Kanina pa kita inaantay dito. Aga ko pa naman pumasok. So? start na ang kwento bilis".












Atat lang talaga tong si Chelsy. So ayun, kinuwento ko na sa kanya lahat ng nangyari mula sa simula. Lahat ng detalye. Ultimo yung mga eksaktong sinabi ko kay Sky. Mukang na-satisfied naman ang loka sa kwento ko kaya medyo bumaba na yung pagka hyper niya. Nang bigla siyang napatili at pinagtinginan kami ng mga kaklse namin.













"Huy! bakit ka napatili jan?"















"Ang sweet nyo kasing dalawa. Ikaw ha! Akala ko ba ayaw mo jan sa Sky na yan, ih mukang you'll end up eating the words that you told me last time". Mukhang tama si Chelsy. Ngayon unti unti ko ng nalalaman kung ano yung mga bagay na nagugustuhan nila kay Sky.














AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon