How To Deal

148 4 0
                                    

CL's POV

"Ang bilis ng araw no bhui. Malapit ng mag september". Nasa ice cream parlor kami ni Chelsy. Hindi namin kasama sina Sky. Ilang araw ko ng napapansin na parang iniiwasan niya ako. Madalang niya ako kibuin o kausapin pero hindi naman siya ganun kay Chelsy. Hindi na din niya ako araw araw kung turuan sa math. May araw na kami lang ni Chelsy ang nasa secret place. Hindi ko alam kung bakit ganun siya. Cold treatment siya sa akin ngayon. "Oo nga ih. Malapit na din ang foundation day" matamlay na sagot ko sa kanya.

"Ano kayang pakulo ng student council ngayong taon?" sabay subo ni Chelsy ng kinakain niyang double dutch flavored ice cream. Sana maiba naman. Ilang taon na puro concert at field trip ang ginagawa.

"Teka bhui maiba tayo" napatingin ako kay Chelsy. "Magkaaway ba kayo ni Sky? Ilang araw ko na napapansin na hindi kayo nagkikibuan. May nangyari ba?" huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam Chels kung bakit ganun siya ngayon sa akin. Kapag lalapitan ko siya magmamadali siyang umalis. Kapag kakausapin ko siya palagi niyang sasabihin mamaya na lang"

"Ano kayang drama ng lalaking yun? Huwag mo na ngang pansinin yun. Hayaan na lang muna natin siya. Baka may pinagdadaanan" sabi ni Chelsy. Kung may pinagdadaanan naman siya pwede naman siyang mag open sa amin. Kaya lang naisip ko sino ba kami sa buhay niya? Wala naman ih. Kaklase lang ata talaga ang tingin niya sa amin. No more no less.

*********

Dumaan pa ang ilang mga araw, ganun padin si Sky sa akin. Halos lahat na ng mga kaklase ko napansin yung unting pagbabago ng pakikitungo sa akin ni Sky. Kibit balikat na lang ang naisasagot ko sa lahat ng nagtanong. Nung last meeting namin sa adviser namin, nag propose siya na magpalit ng seating arrangement. Lahat siya pumayag maliban sa akin pero naisip ko na wala naman akong magagawa kung yun ang gusto ng karamihan.

Una kaming pinapili na mga babae. Minabuti ko na lang na huwag ng lumipat ng iba pang upuan. Nag stay ako sa upuan ko. Nang matapos na kami, yung mga lalaki naman ang pumili ng mauupuan nila. Medyo maingay sila sa loob ng room. Nakatayo lang ako sa may gilid katabi ni Chelsy. Makalipas ang ilang minuto bumukas na yung pinto at isa isa na kaming pumasok sa loob.

Si Sky agad ang hinanap ng mga mata ko. Lumipat siya ng upuan. Nakaupo na siya sa may dulo. Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at naglakad sa upuan ko. Hindi na si Sky ang katabi ko. Nalungkot ako pero wala naman akong magawa.

Sky bakit ka ganyan sa akin? Bakit apektado ako ng sobra sa ginagawa mo?

Nauna ng umuwi si Chelsy sa akin may family dinner kasi sila mamaya. Naglalakad akong mag isa sa hallway nang makita ko si Calvin sa may hagdan. Ngumiti ako sa kanya. "Hi CL, tara sabay na tayo umuwi" aya niya. Marahang tumango ako sa kanya. Naka hoodie jacket na naman siya tapos yung kamay niya nasa bulsa lang niya. Yung totoo! Napasok ba talaga siya? Wala man lang siyang dalang bag.

Tahimik lang kami nung una habang naglalakad pero hindi ko maiwasan na tanungin siya. "Calvin, bakit ganun si Sky ngayon?" tanong ko sa kanya habang nakatungong naglalakad. Narinig kong bumuntong hininga siya. "Hindi ko alam CL. Kahit ako nagulat sa inasal niya" tuloy padin kami sa paglalakad dalawa.

"May nagawa ba ako na ayaw niya? May kasalanan ba ako sa kanya? Mag mali ba sa akin?" alam ko hindi ko dapat sinasabi to kasi hindi ko naman boyfriend si Sky kaya lang hindi ko maiwasan na isipin yung mga nangyayari. "Para nalang akong hangin sa kanya ngayon. Para akong multo. Para akong hindi nag eexist" shemay naman. CL wag qang iiyak.

Tumigil si Calvin ng paglalakad ng makarating kami sa may gate. "Wala qang ginawa. Wala qang kasalanan. Walang mali sayo CL." hinawakan niya ako sa balikat tapos iniharap niya ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga mata ko "You are one hell of a girl that every guy would wish to have. Sky is a real jerk if he will just let you go like this" bakit parang nung sinabi niya yun may ibang meaning?

Tumungo ako kasi pakiramdam ko maiiyak ako. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang ok na ok kami tapos ngayon ganito na. "Pwede kang umiyak kung nasasaktan ka na. I dont mind" sabi ni Calvin sabay patong ng kamay niya sa ulo ko.

At sa ganung lagay namin ni Calvin ay hinayaan ko ng tumulo yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Calvin's POV

Sa mansion nina Sky ako dumiretso. Katulong ang sumalubong sa akin. Pinapasok naman nila ako at pinark ko sa maluwang na garahe nila ang kotse ko. Hindi pa din nag babago ang itsura ng mansion nina Sky. It's still like it was before nung mga bata pa kami. Two storey ang mansion nila. May 5 kwarto sa itaas. May malawak na garden at may swimming pool.

Nasa bandang gitna sa second floor ang kwarto ni Sky. Sinamahan ako ng katulong nila. "Sir andito na po tayo sa kwarto ni Senorito Sky" nagpasalamat ako sa kanya. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Narinig ko ang boses ni Sky at saka ko binuksan ang pinto ng kwarto niya.

Malaki ang kwarto ni Sky. Nasa kaliwa ang queen size bed niya. Sa harap nun ang isang malaking flat screen tv. May sofa din dun at sa dulo ay ang study table niya. Nakaupo siya sa swivel chair niya at halatang tutok sa laptop niya. "Manang ayan na ba yung miryenda ko" pumihit siya at halatang nagulat ng makita na ako ang nakatayo sa likod niya.

Tumapat ako sa may book shelf niya at kinuha yung isang libro. Binuklat ko yon bago nagsalita. "Ilang araw mo na daw hindi kinikibo si CL ah. Wala ka bang balak na kausapin siya"

Binalik niya ang tingin niya sa laptop niya. "Wala kang makukuha na sagot sa akin kung yan ang pinunta mo dito".

"Why a sudden change bro? Bakit pabigla bigla ka sa mga ginagawa mo?" hindi siya sumagot. Napabuntong hininga na lang ako. "Don't make the same mistake bro. Baka kung kelangan mo na realize na mali ang ginawa mo ay nakuha na siya ng iba"

Hindi pa din siya nasagot. "Hiramin ko tong libro ha" pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na ako ng kwarto niya. Nagdiretso ako sa labas. Sumakay na ako ng kotse at pinaandar yon.

Gago ka talaga Sky. Hindi ka talaga nag iisip.

CL's POV

Nakatayo si Mirsha sa harap ng klase ngayon para i-announce kung ano ang napag usapan sa student council meeting regarding sa theme ng foundation day. Halatang excited ang mga kaklase ko pero wala na sakin kung ano man ang mangyari dun. Wala din naman akong balak na umattend. Sumubsob na lang ako sa desk ko.

"Classmates, napagdesisyunan ng buong council na gawing two days ang celebration natin this year." tuwang tuwa yung mga kaklase ko sa narinig nila. "Gaganapin ang celebration ng thursday at friday. Sa first day may ininvite tayo na peryahan para may mga rides tayo sa loob ng campus tapos mga booth na lang ang gagawin natin. May mga naka assign na bawat section.Ang naka assign sa atin ay Marriage Booth. Hanggang 10:00 pm tayo dito sa school pero hanggang 6pm lang ang mga booth. Priority kasi nila na sa gabi yung peryahan naman ang puntahan ng mga estudyante. Sa second day tuloy padin yung mga booths at peryahan pero sa hapon may naisip na ibang pakulo yung council"

Ano naman kaya yung pakulo na yun?

"Magkakaroon tayo ng confession night!" Kahit nakasubsob ako sa desk ko rinig na rinig ko yung mga bulungan nung mga kaklase ko. Ano nga ba yung confession night na yun.?

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon