Got to Believe

157 4 2
                                    

CL's POV


2nd day - Foundation Day

"CONFESSION NIGHT"

Naging successful ang first day ng foundation days namin. It was really a blast. Bawing bawi namin ang lahat ng nagastos namin. Sobrang pagod din kami pero ayos lang. Enjoy naman! At ngayon second day na. Half day na lang ang mga booth pero ang naka set up na peryahan ay tuloy padin hanggang mag confession night. Doon din kasi gagawin ang venue ng confession night para daw medyo may ibang arrive naman.


And speaking of that. Mula sa gate hanggang sa hallway hanggang sa mga room at hanggang sa mga comfort room. Yun ang topic ng lahat. Kumbaga sa tugtog. Plaka na. Paulit ulit. Basag na. Lahat sila excited as usual pero ako hindi na naman.

"Mag co-confess ka kay Sky?" napahinto ako sa isang classroom ng marinig ko yun. Sinilip ko yung kwarto at nakita na may 3 babae sa loob. Nakadungaw sa bintana yung isa tapos nakaupo naman yung dalawa.

"Oo naman! For sure madaming magco-confess kay Sky ngayong gabi. Ang dapat ko lang gawin ay unahan silang lahat!" Hanga ako sa fighting spirit ni ate. Napangiti ako ng pilit sa narinig ko. Nagsimula nalang ulit akong maglakad sa hallway at sa lahat ng room na nilagpasan ko, puro confession kay Sky ang naririnig ko.

Hay! Kung mag confess din kaya ako kay Sky? Oo. Aaminin ko na. Gusto ko siya simula nung unang beses na nakita ko siya. Gusto ko siya pero pinipigilan ko ang sarili ko na mas gustuhin siya kaya lang sa bawat araw na nakakasama ko siya at simula nung naging cold ang treatment niya sa akin mas lalong lumalalim ang pagkagusto ko sa kanya. Love na nga ata tong nararamdaman ko. Ano bang gagawin ko?

Sa sobrang pag iisip di ko na namalayan na nasa may gate na pala ako ng campus. Makauwi na nga lang muna.

****************

Humiga muna ako sa kama ko at saka tumingin sa kisame. Pinikit ko ang mga mata ko. Iniisip ko kung anong pwedeng mangyari kung sasabihin ko na gusto ko siya. Ang tanong lang kakausapin ba niya ako? Ih daig ko pa may ketong kung layuan niya ako ih. Haist.

"What to do? What to do?"

"Oh anak anjan ka na pala!" kulang nalang mapatalon ako sa kama ko nung narinig ko si Mama. "Ah-ah kararating ko lang po". Pumasok si mama sa loob ng kwarto ko at umupo sa gilid ng kama. Umupo din ako. "May problema ka ba anak?" Umiling ako.

"Alam ko may problema ka. You can tell me all your worries" tinignan ko si mama. Nakangiti siya sa akin. "Is it about the confession night?" Tumango ako kay mama. "Nag confess na po ba kayo dati sa isang lalaki?" Tinignan ako ni mama saka ngumiti ulit. "Oo naman anak". Lumapit ako kay mama. "Ano pong nangyari?" Hindi pa nakwento sa akin to ni mama ni minsan.


"It was December 14, umuulan nun, last day ng classes namin nun at christmas break na. Nasa may gate ako ng campus, may hawak akong sulat nun. Ibibigay ko yun sa lalaking gusto ko. Nag antay ako dun. Dalawang oras akong nakatayo dun hanggang sa dumating siya. Inabot ko yung sulat ko sa kanya. Tumingin siya akin pero hindi niya kinuha yung sulat ko"

"Ang harsh naman nung lalaki na yun mama!" Nakangiti padin si mama habang nagkukuwento sa akin. "Ok nadin yun anak at least naipaabot ko sa lalaking yun na gusto ko siya ayun nga lang busted". Nagtawanan kami ni mama.

"Anak hindi masama na sabihin mo sa isang tao na gusto mo siya at least nasabi mo at nalaman mo ang sagot. Mahirap kasi na maraming what ifs. Mahirap din na mabuhay sa regrets. Eto lang anak. Just follow what your heart desires, you'll never get wrong with it pero gagamitan din ng utak, ok?"

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon