All I Need

142 4 2
                                    

Sky's POV

Nang maihatid na namin sina CL at Chelsy, nag decide kami ni Calvin na pumunta sa bar ng pinsan niya. Madami ng tao nung dumating kami. Sumenyas si Calvin sa mga bouncer na nasa may entrance at pinapasok naman kami agad sa loob. Nagdiretso kami sa VIP area at nakita namin si Drake na nakaupo at nakataas ang paa sa mesa. Mukang malalim ang iniisip niya.

"Hey! What's with that face?" bati ni Calvin kay Drake. Tila nabalik sa ulirat si Drake. Tumayo siya at nakipag hand shake kay Calvin tapos yumakap at tinapik niya sa likod. (Yung yakap na panglalaki ang ginawa niya ha!) "Nothing pinsan" sagot ni Drake. Pinsan sa mother side ni Calvin si Drake. 21 years old na siya at graduating ng AB Psychology. Sa kanya na pinahawakan ng Daddy niya yung bar nila dito.

"Pinsan look who's with me" nagulat si Drake ng makita ako. "Sky? Hi dude, long time no see! Good to see you. Kamusta na?" nakipaghand shake siya sa akin. "So far, so good" maikling sagot ko. Pinaupo niya kami at sumenyas sa waiter na dalhan kami ng alak at ng pulutan.

"Tagal mong nawala Sky. Ano bang nangyari sayo? Ni hindi mo man lang kami nasabihan na nakauwi ka na pala dito" sabi ni Drake habang umiinom ng beer. "Long story pero to cut it short, I was punished by my lolo sa Amerika".

"Ang tigas kasi ng ulo mo bro, sinabi ko naman sayo na wag ka ng sumali sa mga frat na yan. Tignan mo kung ano tuloy nangyari sayo, di sana sabay tayong ga-graduate ngayon" tama si Calvin. Dapat nga nakinig ako sa kanya dati. Kaya lang wala na ih, di ko na mababalik pa yun. Kasalanan ko din naman lahat. Nilagok ko na lang yung baso ng beer na hawak ko.

"Nga pala pinsan, bakit ka nakasimangot nung dating namin? Babae?"

Tumango si Drake saka huminga ng malalim. "Pinsan, akala ko ba kilabot ka ng mga kolehiyala, bakita namomoblema ka ngayon sa babae?" nagkatawanan na lang kami sa sinabi ni Calvin. "Baliw ka talaga!"

"Huwag mo ng kaisipin yun. Kasi kung kayo, kayo talaga" sabi ko sabay lagok. "Tama si Sky pinsan. Kaya cheer up. Dami pa namang chicka babes oh!" sabay kindat ni Calvin dun sa isang babae na naka mini skirt. Langya to! Hindi pa din nagbabago. Playboy parin.

"Maiba tayo Sky" saglit ako natigil sa paglagok ko sa beer na hawak ko. "Ano yun?" takang tanong ko sa kanya. "Dun sa dalawang kasama natin na babae kanina, wala ka bang nililigawan dun?" Umiling ako sa kanya at saka tinuloy na inumin yung beer. Ngumiti ng nakakaloko sa akin si Calvin. "Kilala kita, hindi ka bumubuntot sa babae pag hindi mo type"

"Wala talaga. Katabi ko kasi sa upuan si CL at saka tinutulungan ko siya sa math subject. Yun lang yun. Si Chelsy naman bestfriend ni CL" depensa ko kay Calvin na naka evil smile pa din. "Ok. Bahala ka. Sige ka. Baka maunahan ka. Ikaw din"

Tumatak sa utak ko yung sinabi ni Calvin. 'Baka maunahan ka'. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay CL. Masaya ko pag kausap ko siya. Masaya ko pag kasama ko siya. Masaya ko pag nakikita ko siyang nakangiti. Masaya ako pag tinititigan ko siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko pag nakatingin siya sa mga mata ko. Para akong nakukuryente pag napapadikit ako sa kanya. Parang tumitigil yung mundo ko pag katabi ko siya. OA man pero totoo. Oo. I like her pero hindi pa yun love diba? Napabuntong hininga ako at saka sumandal sa couch na inuupan ko.

Ayoko magpadalos dalos. Ayoko din biglain siya. Baka mamaya gusto ko lang pala talaga siya pero hindi mahal. Baka masira pa yung pagkakaibigan namin. Kelangan ko lang ng konting oras para masiguro na mahal ko na talaga siya bago ko sabihin yun sa kanya. Bago ko ipagtapat ang lahat sa kanya. Konting oras lang.

**********

CL's POV

Tapos na ang first quarter ng school year. Hindi ako masyadong na stress dahil exempted kami sa lahat ng subject. Hindi na nga kami pinapasok nung exam week. Sarap buhay ko nun ih. Kaya lang pagkatapos ng saya, hirap na naman. Start na kasi ng second quarter kaya eto kami ngayon. Nasa secret place at subsob na naman ako sa libro.

Hindi lang kami ni Sky ang andito. Kasama namin sina Chelsy at Calvin. Simula kasi nung nagkita ulit yung dalawa, palagi na siyang nasama sa amin. OP naman si Calvin kung kung kami lang tatlo kaya minabuti ko nalang na kasama palagi si Chelsy.

Nagkukuwentuhan sila samantalang ako nagsasagot ng math problem na binigay ni Sky. Tuwing mapapadaldal ako, sinisita ako ni Sky. Ang daya! Ako hirap na hirap dito samantalang sila nagkukuwentuhan lang. Buti pa sila. Bakit ba hindi ako biniyayaan ng galing sa math?

"Ah CL may boyfriend ka na ba?" napatingin ako kay Calvin dahil sa tanong niya. Bakit niya kaya tinatanong? Nakangiti siya habang inaantay ang sagot ko. "Wala, NBSB ako" biglang kumunot ang noo ni Calvin. "Really? Sa ganda mong yan wala kang boyfriend. For sure madami ka ng admirers ngayon" parang hindi naman.

"Di ko alam" sabi ko at tinuloy ko na yung sinasagutan ko. "Baka naman pihikan ka. Teka, ano bang gusto mo sa isang lalaki?" Yung totoo, reporter ba siya? Dami niyang tanong. "Hindi ako choosy. Hinihintay ko lang yung prince charming ko".

"Ah kaen na tayo!" biglang singit ni Chelsy. Buti naman si-nave ako ng bestfriend ko. Para akong naka hot seat ih. Trip ba niya ako?

Kakain na din sa wakas. Tomguts na ako ih!

Inilapag na namin sa mesa yung mga baon namin. Sarap ng ulam ko ngayon. Balatong (munggo) na may baboy. "Ano yan CL?" tanong ni Sky habang nakatingin sa ulam ko. "Balatong. Tikman mo" alok ko sa kanya. Inamoy muna niya ulit tapos saka niya tinikman. "Masarap ah! Penge ako. Sa baon mo lang ako nakakatikim ng ibang pagkain". Nakihingi na din sina Chelsy at Calvin. Masaya din naman kaming nagkwentuhan habang kumakain.

Calvin's POV

Just by looking at them (Sky & CL), mukhang gusto nila ang isa't isa. Kita naman sa gestures nila ih. Parehas lang in denial ang dalawa. Hindi ko alam dito kay Sky kung bakit hindi pa niya ligawan si CL. Kung ako sa kanya popormahan ko na siya. Minsan ka lang makakatagpo ng ganitong babae. Maganda, mabait, hindi maarte, hindi plastik at alam mong magmamahal ng totoo.

Sayang lang. Sana ako ang una mong nakilala CL. Sana ako yung unang lumapit sayo. Sana ako nalang yung gusto mo. Sana ako na lang si Sky.

A/N

Sorry po kung short lang yung UD. May pinagdadaanan po kasi ako ngayon. Hindi ako makapag isip ng ayos. T_T

Anyways, enjoy reading. ❤️❤️❤️❤️❤️

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon