Who Knew

96 3 0
                                    

CL's POV

Naghagisan na ng mga toga caps, hudyat na tapos na ang graduation ceremony nina Calvin. Puro hiyawan, yakapan, pagbati at iyakan ang makikita mo saan ka man tumingin. Meron ding magkukuhanan ng picture sabay sabi na "WALANG KALIMUTAN HA!".

Ang bilis talaga ng panahon. Akalain nyong tapos na naman ang isang school year at sa susunod na taon ay kami naman ang magsusuot ng puting toga at cap, mag mamartsa, aabot ng diploma at maghahagisan ng toga cap pagkatapos.

Sa isang banda, masaya ako sa isipin na yun pero sa ngayon, ang hudyat ng pagtatapos ng school year na ito ay ang hudyat ng pag alis ni Sky. Pinipigilan kong umiyak sa isipin na yun lalo na pag nasa harap ako ng buong barkada pero minsan hindi ako nakakalusot at nahuhuli nila ako na nagpapahid ng luha.

Kumakaway sa amin si Calvin mula sa stage. Hinawakan ni Sky ang kamay ko at saka tumingin sa akin. "Tara, tawag tayo ni Calvin!".

"Congrats bro!" bati ni Sky kay Calvin sabay apir. "San ang celebration natin?"

"Sa bar nina Drake tayo bro, pina reserve ko na yung buong place para sa atin!" sagot ni Calvin. Naghiyawan na lang lahat nung narinig yun. "Hindi naman siguro magagalit ang mga girls kung mag-iinom tayo diba?" tanong ni Nathan sabay tingin sa aming tatlo.

Umiling nalang kaming tatlo. Minsan lang naman kasi yung ganitong celebration kaya hinayaan na namin sila at saka kasama ni Calvin ang family driver nila.

"YES!!!" tuwang tuwa na sabi nung tatlo nung pumayag kami.

"Ano pang iniintay natin? Tara na!" yaya ni Calvin.

*****

Calvin's POV

Sobra akong na-surprise nung pag bukas ng ilaw sa bar ay may malaking banner na nakalagay ay "CONGRATULATIONS CALVIN!" at may grad pic ko pa na nakalagay. Kasunod nun may mga bumagsak na confetti mula sa taas. Grabe sila. Effort talaga ang ginawa.

"Thanks guys! Grabe, parang ngayon ako maiiyak ah" biro ko habang nakatingin sa banner na alam kong yung tres marias ang gumawa. "Maliit na bagay lang yan Calvin" sabi ni CL. Humarap ako sa kanila.

May inilabas na parang isang malaking sobre si Chelsy at saka iniabot sa akin. Binuksan ko yun at isang malaking card ang nasa loob nun. Pagbukas ko ay may isang wallet size na picture naming lahat nung isang beses na nag mall kami.

"Hindi mo na kasi kami palaging makikita kaya ayan. Ilagay mo sa wallet mo yan ah! Para maalala mo padin kami" sabi ni Sam saka sabay sabay nilang nilabas yung mga wallet nila at pinakita yung parehas na picture na nasa loob ng card.

Hindi na ako nakapagsalita at sumenyas na lang ako ng group hug. Sobra kong na-appreciate ang lahat ng effort na ginawa nila. Wala na akong mahihiling pa sa araw na ito.

"Tama na nga kayo jan! Ang drama niyo na ah!" napatingin kami sa taas at nakita namin si Drake na nakangisi habang kinukunan kami ng video. "Kahit kelan talaga basag trip ka!" pagkasabi ko nun ay nagkatawanan na lang kaming lahat.

*****

Sky's POV

Masayang nagsasayawan sina CL, Chelsy, Sam at Nathan sa dance floor. Pinanonood ko lang sila habang pinagtitripan nila si Nathan. Medyo groggy na kasi ang loko kaya ayun pinagkakatuwaan na nilang tatlo.

Tumabi sa akin si Calvin at inabutan pa ako ng isang basong beer na kinuha niya sa loob. "Ma-mimiss ko yung mga ganitong lakaran natin" sabi ko sabay lagok sa baso ng beer. "Hindi na ba talaga pwedeng iurong yang pagbalik mo sa New York?" tanong ni Calvin.

"Kung pwede lang bro, bakit ang hindi diba? Pero urgent ang isang ito at kelangan ko talagang umalis". sagot ko saka ko tinaas ang paa ko sa may lamesita sa harap namin. "Ano ba talagang dahilan ng pag-alis mo?" natigilan ako sa tanong ni Calvin.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon