Popular Song

149 4 2
  • Dedicated kay Ruth Bundalian
                                    

CL's POV

"Congrats CL!"

"Ang galing mo CL!"

"Hi CL, ang ganda mo padin kahit wala kang make up!"

Sobrang nakakaflatter naman ang mga sinasabi ng mga schoolmate ko sa akin. Napapayuko na lang ako at ngumingiti sa kanila. ^///////////////^ Lahat ng makasalubong ko sa hallway binabati ako. Eto na ang effect ng pagkapanalo ko. Instant celebrity ako. Ganito pala pakiramdam ng sikat sa school, ng pinapansin at binibigyan ng atensyon. Over whelming.

"Oh! look what we have here" dami namang masasalubong bakit sina Samantha at Steph pa? Akmang lalakad ako palayo ng harangin ako ni Samantha. Nakataas ang kilay nilang dalawa sa akin. "Nanalo lang feeling sikat na. So pathetic!" sabi ni Samantha habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa. "Tama ka sis. Akala mo naman maganda. Feelingera lang" sabay tawa nilang dalawa. Nag apir pa.

"Akalain mo nga naman ang P.A. ni Sky naging Ms. Acquaintance. Parang Cinderella lang. Pang fairytale kaya lang di padin happily ever after kasi andito pa yung step sister. Kaya kung ako sayo layuan mo na si Sky."

Magsasalita na sana ako ng biglang may lalaking pumunta sa harap ko. Hindi ko makita ang itsura niya. Ang tangkad niya kasi tapos naka hoodie pa. "And who the hell are you?" sabay pamewang ni Samantha sa lalaking nasa harap ko. "It doesnt matter who I am, hindi naman mahalaga. Hindi lang kasi maganda sa mga babae ang nagtatarayan. Ang ganda pa naman ng araw tapos Lunes pa ngayon. Good vibes dapat".

"Adik ka ba? pwede ba huwag mo akong pangaralan kasi hindi naman kita magulang at ano bang pakialam mo in the first place?" nilapit nung lalaki yung mukha niya sa mukha ni Samantha. Namula siya at bahagyang napaurong. "Tantanan nyo siya kung ayaw nyong may mangyari sa inyo".

"Hindi pa tayo tapos CL!" Padabog na umalis yung dalawa at naiwan kami nung lalaki. Sino kaya to? "Ah-"

"Next time huwag ka ng papayag na inaapi ka, hindi habang panahon na may magtatanggol sayo" nakatalikod padin siya sa akin. Itinaas niya ang kamay niya at winave niya. Tapos inilusot niya sa bulsa niya yung kamay niya at saka naglakad palayo sa akin. Naiwan akong stuck up sa may hallway. Sino kaya siya?

*********

"Huy!" sabay pitik ng kamay ni Chelsy sa mukha ko. Saka pa lang ako nabalik sa ulirat ko. Occupied padin nung lalaking naka hoodie ang utak ko. Sino ba kasi siya? Bakit niya ako tinulungan? Saka matagal na ba siya dito? Parang hindi ko siya napapansin dito nuon.

"May problema ka ba? Kanina ka pa tulala jan ih" umayos ako ng pagkakaupo at kinuha yung libro para sa susunod naming subject. "May lalaking naka hoodie kasi na tumulong sa akin kanina"

"Paanong tulong?" kumunot ang noo ni Chelsy. "Nakasalubong ko kasi sina Samantha at Steph at ayun tinarayan na naman ako. Biglang sumulpot yung lalaki na naka hoodie tapos ipinagtanggol niya ako". Hinila ni Chelsy papalapit sa akin yung silya niya at nangalumbaba sa harap ko. "Oh tapos?"

"Hindi ko nakita itsura niya. Hindi ko din nakuha yung pangalan niya. Sabi lang niya lumaban ako kasi hindi habang panahon may magtatanggol sa akin. Tapos umalis na siya".

"May knight in shining armor na ang best friend ko ah! Sino nga kaya yun?" Sumandal ako sa upuan ko at huminga ng malalim. "Sino nga kaya siya? Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya".

**********

Sky's POV

Ang tagal naman nina CL. Kanina pa ko dito ah! Tss. Ang mga babae talaga. Makabili na lang nga ng ice cream. Tumawid ako sa kabilang kalsada at pumunta sa ice cream parlor. Malapit na ako sa cashier ng biglang may sumingit sa akin na lalaking naka hoodie. Aba! Teka! Nakakalalaki to ah!

"Pre di mo ba alam na may pila. Singit ka ng singit jan!" Kinuha niya yung ice cream na dapat ay sa akin. Badtrip naman oh! "Bakit ikaw ba may ari ng ice cream parlor na to?"

Gago tong lalaki na to ah! Hinawakan ko ang balikat niya at pilit siyang iniharap sa akin. Hindi ko padin maaninag yung mukha niya dahil sa hoodie niya. "Bakit ikaw ba may ari nito?" Umiling siya. "Hindi din naman pala sayo to ih! Ang asbag mo ah!"

Tinanggal niya yung kamay ko sa balikat niya at tumawa. "Baliw ka ba? Anung tinatawa tawa mo jan?"

"Hindi ka padin nagbabago Sebastian Ky Revilla. Ang tapang mo padin" Bakit kilala ko ng gagong to? "Sino ka ba ha? Bakit alam mo pangalan ko".

"Bilis mo naman makalimot" pagkasabi niya nun tinanggal niya yung hood niya. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino yung nasa harap ko.

"Calvin?"

"Sino pa ba Bro? Long time no see!"

"Adik ka talaga! Hindi ka padin nagbabago. Hilig mo padin akong gulatin sa mga pangaasar mo" nagkatawanan na lang kaming dalawa.

Bestfriend ko si Calvin since kinder. Sabay kaming lumaki. May kapatid siya na mas matanda sa kanya. Si Ate Alyssa. Magkasosyo ang mga magulang namin sa mga business since best friend ang mga tatay namin.

"Kelan ka pa umuwi Bro? Hindi ka man lang nagsabi ah" tanong ni Calvin habang kumakain kami ng ice cream. "Nung May pa ako umuwi dito. Hindi ko naman alam na dun ka sin napasok. Sayang nga lang lasi dapat sabay tayo ga-graduate".

"Wag na natin pagusapan yung mga nakaraan. Ang mahalaga okay ka na. Hindi ka na pasaway". sabay tawa ni Calvin sa akin.

"Sky sorry natagalan kami ni Chelsy" biglang sumulpot sa harap ko sina CL. "Okay lang. Ah nga pala I want you two to meet Calvin, he's my best bud since kinder. Calvin meet CL and Chelsy".

CL's POV

Kilala ko tong jacket na may hoodie na to ah. Nakita ko na to. Oh my! Siya kaya yung lalaki kanina?

Humarap sa amin yung lalaki at ngumiti. "Hi! Im Calvin. Nice to meet you two!" nakipag shake hands siya sa aming dalawa ni Chelsy.

Siya nga kaya yung lalaki kanina?

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon