Trip 2

73 5 0
                                    

A/N

Dahil sa sobrang natuwa ako sa appreciation ng isang reader ng story ko natapos ko na itong chap na to. Thanks sa kanya!  I dedicated this chap to her. Sana magustuhan niya. ^_____^

Calvin’s POV

Nung kinagabihan, naisipan namin ni Sky na gumawa ng bonfire. Nagpakuha kami ng mga kahoy na pwedeng sigaan at kami na ni Sky ang nag-ayos at nagpaapoy. Inayos din namin yung mga malalaking kahoy na pwedeng upuan sa palibot ng bonfire. Inilabas na din namin yung mga cooler na pinaglagyan namin ng mga inumin, mga chips at pati na din marsh mallow at bbq stick. Naisip kasi ni Sky na gusto yun ng mga babae.

Ganun kasi kaming tatlo nuon nina Natalie. Pag summer andito kami sa beach resort nina Sky. Nakakamiss din pala yung ganito. Ang dami kong naalala.

“Bakit napapangiti ka jan?” tanong ni Sky na kanina pa pala ako tinitignan. “Ah- naalala ko lang yung huling punta natin dito nina Natalie-“

“Ah, yung na-busted ka ni Nat-nat?”

Natigilan ako sa sinabi ni Sky. Oo nga, naalala ko na. Yun yung gabi na nagtapat din ako kay Natalie. Yun din yung unang beses na na-busted ako. Tama. Nagkagusto din ako kay Natalie kasi super bait niya sa akin pero nagkamali pala ako ng pagbibigay ng meaning sa pagiging mabait niya sa akin.

Platonic lang yung sa akin. Kapatid lang ang tingin niya sa akin. Isang nakakatandang kapatid. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit lahat ng babaeng nagugustuhan ko ang gusto ay si Sky. Aaminin ko, nagseselos ako. Kahit best friend ko siya, kompetisyon ang tingin ko sa kanya.

Lalo na ngayon, naulit na naman kasi. Mahal niya ssi Sky si CL at ganun din si CL sa kanya. Ano pang laban ko diba? Kumbaga epal na lang ako sa love story nila. Pero this time, iba talaga yung tama ko kay CL. May kung anong magnet siya na kahit sabihin ko sa sarili ko na hindi dapat eh nahihila padin niya ako.

Pinaglalaruan ata kami ng tadhana.

AFTER ALL (ALDUB Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon