LM' s P.O.V
Habang talak nang talak si Ma'am sa unahan, nagtuturo ng Calculus, busy si Reign gumamit ng cellphone nyang nangingintab sa glass na may glitters nyang phone case. Arte talaga neto sa gamit, kikay masyado. Si Angelita naman, ayun as usual tulog, hindi naman ata to nagpupuyat sa gabi hmm ewan ko ba dito kung bakit LAGING tulog sa discussion tsk. At ako? Ang bait kaya ng posisyon ko. Nakaupo lang naman ako, nakatingin sa white board sa harapan. Akala mo nakikinig pero hell no way. Ang boring kasi magsalita at magturo ng teacher namin. I prefer observing people around me nang biglang pumasok yung student council president ng school.
"Good morning STEM A Students! I'm here to announce that this Saturday will be our Acquaintance Party exclusive to all SHS students! This event aims to develop the social interaction of each one of you. Remember, the event will start at 6PM onwards and it will be held at the school grounds sa may field extended sa activity hall. Wear your best! So, hope to see you all there! Thank you! If you have clarifications, just visit us at the student council office. Thank you."
Acquaintance party? Nah,too lazy to attend that shit.
"Waaaaaaaaaaah! I can't wait na omygolygosh!!!" shet, hulaan nyo kung sino sumigaw.
"Ay pusang gala.. Hoy anoba Ulan! Natutulog yung tao eh tangina!" ay hala nagising na si Angela. Huli tuloy syang natutulog ni Ma'am!
"Ms. Montreal get out! Kung matutulog ka sa subject ko, better get out!" sigaw ni Ma'am na kulang na lang umusok ang tenga at ilong.
Dali dali namang lumabas ang gaga. Gusto nya din. Mas makakabwelo daw sya ng tulog sa labas. At ayun si Reign, kwento ng kwento sa mga plano nya sa acquaintance party sa Sabado. Oh no! Sana ako nalang pala yung pinalabas ni Ma'am. Kulit neto, walang lusutan to! Sigurado pipilitin ako nitong sumama. Hayst! Panigurado bawal jeans dun.
@ Boutique
Reign's P.O.V
Omygolygosh!!! I'm starting to love the system here in West High University ah! Yah, because of that Acquaintance Party hihi!
We're here nga pala sa boutique ni mommy na soon ipapamana sakin hihi. After kasi ng matinding pamimilit ko kayna LM at Angela na sumama saakin pag sha-shopping at sa pag attend sa Acquaintance Party, pumayag na sila yeyy!! Kaya dumiretso na kami dito right after our class. Yes ganon ako ka excited!
Hay! Antagal nina Angela and LM! Nagpaalam kasi sila saakin kanina na mag c-cr daw muna them. But I'm here like waiting for about 20 mins na! Masyado naman ata napahaba ang wiwi nila.Hindi naman ata nila ako tatakbuhan sa pag shshopping, right? Shopping is the most fabulous thing kaya na nadiscover ko here sa world! Hihi.
30 minutes..
40 minutes....
Okey, I'll stop waiting na. Bibili na ko ng damit naming tatlo! Goodluck sakanila, I'll make sure na susuotin nila to! Mwehehehe *insert Reign's evil-but-still-fabulous laugh*
While I'm picking a beige off shoulders na fitted dress na babagay kay Angela, I saw a monster-looking gangster namely Gideon Dale Fortalejo. But wait.. Is he gay?! Nandito kasi sya sa loob ng boutique namin pumipili ng...... MANANG DRESS?? 'Di naman sa iniinsulto ko ang mga works ni mom pero para kasi yun sa mga ka age ni mommy hmp. I went there kung asan sya para asarin . Time for my revenge, monster!
"The famous handsome looking bad boy, Gideon Dale Fortalejo turns out a GAY???"
He widened his eyes with shock drawn all over his face. Halatang nagulat sya. And napikon? Hehe. Omygolygoshh. Tama ba yung sinabi ko? Ano ba yung sinabi ko? Arghhh ba't ba ko kinabahan and natakot? Duh, I'm here to make fun of him and to make asar him but.. hell! Nakakatakot mukha nya huhu MONSTER NGA! O_O
BINABASA MO ANG
Expectations vs. Reality (On-Going)
Teen FictionWould our expectations turn into reality? Or will Destiny play and change the whole story? "Malinaw pa sa pinakamataas na megapixel ng latest na camera, na tahimik at mysterious type of guys ang tipo ko. Simula't sapul, iyon na ang nakatatak sa isip...