LM's P.O.V
6:30 AM ay nandito na agad kami sa school. Tsk di pa ba kayo nasanay sa maagang pambubulabog ni Reign? 7:20 AM pa naman ang klase namin e! Gustuhin ko mang makamit ang hustisya dito, huli na dahil nasa classroom na kami.
Aaminin kong may hang over pa ako sa team building kahapon.
"Walanghiya ka konyo. Ang aga natin! Tayo nanaman lang ang nandito sa classroom!" pagdadabog ni Angela habang nilalapag ang gamit sa desk nya na katabi ng kay Reign at ng akin.
"Edi go home ka ulit! Tingnan natin kung makakapunta ka here nang hindi nale-late! Be thankful nalang mga sis dahil may napaka pretty and sexy kayong alarm clock every morning psh" sagot ni Reign habang kinukulot kulot pa sa daliri ang buhok.
Magsisimula nanaman tong dalawang to e. Kaaga aga ang ingay!
Aawatin ko na sana sila nang bigla kaming may narinig na kalampag sa labas ng room.
"Ano yon? Akala ko tayo palang ang nandito? Aga pa e" bulong ni Angela.
"Ano ka ba sis. Baka estudyante lang tsk. Heller school kaya to!"
"You two! Shut up" saway ko.
Naglakad na ako papunta sa pinto para buksan ito para malaman kung anong kalampag iyon.
"What the fuck?! Who did that sis?!"
"Puchang gala! Ipapa-salvage ko may gawa nyan!"
Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil sa pagtitimpi.
SINONG NASA KATINUAN BA KASI ANG MAGLALAGAY NG ISANG BALDE LANG NAMAN. NAHIYA PA ATA GAWING ISANG DRUM! ISANG BALDE NG PUTIK NA MAY YELO NA NAKASABIT SA MAY PINTO, KAYA PAGBUKAS KO NG PINTO SUMAKTONG NATABIG KAYA NABUHOS LAHAT SAAKIN.
SINONG NAGPAUSO NITO NANG MATADYAKAN KO NA? ARGHH!
Okay, chill. Kalma. *breathe in, breathe out*
"H-ey.. LM.. Are you okay? A-uhm no. Scratch that stupid question, sino bang magiging okay sa gantong sitwasyon tsk halika na sa washroom" napamulat ang mata ko nung nilapitan ako ni Reign. Bakas sa mata nila ang pag aalala.
"Tangina! Sinong muntanga ang gagawa nun?!" Galit na usal ni Angela. Hindi pa rin ako nagsalita.
Pakiramdam ko susuka na ako anytime na buksan ko ang bibig ko. Ang baho ko na! Seriously!
Mabuti nalang at wala pang masyadong estudyante kaya wala namang echosera na pagtatawanan ako ngayon. Sino bang may galit sakin o samin ang gagawa nun?!
Saktong mag ring ang bell, natapos ko nang ayusin ang sarili ko. Kung itatanong nyo, naligo ulit ako dito sa washroom. Salamat sa tulong ng dalawa.
Bumalik ako sa classroom namin na suot ulit ang maskara ko na snob, cold at supladang tahimik na nerd na aura. Diretso lang ako ng lakad.
"Oy anong nangyare dyan kay nerd?" rinig kong tanong ni LA. Damn wag ka ngayon mambwisit pakiusap.
Wala akong narinig na sumagot. Buti nalang at wala namang nangulit saakin hanggang sa mag break.
Walang pumasok sa utak ko kanina kahit isang lecture. Lumilipad pa kasi ang utak ko. Di bale, kaya ko naman yun pag aralan ng ako lang.
"Oy sis nakikinig ka ba?!" naibalik ako sa wisyo ko nung napataas ang boses ni Reign.
Nagpalinga linga pa ako sa paligid tsaka ko nagets na nasa cafeteria na pala kami. Pano ako nakapunta dito?! Lutang na talaga ako!
"Hay. Sabi ko nga hindi ka nakikinig. Tsk.. Anong gusto mong kainin?"
BINABASA MO ANG
Expectations vs. Reality (On-Going)
Teen FictionWould our expectations turn into reality? Or will Destiny play and change the whole story? "Malinaw pa sa pinakamataas na megapixel ng latest na camera, na tahimik at mysterious type of guys ang tipo ko. Simula't sapul, iyon na ang nakatatak sa isip...