Ash's P.O.V
Potek yan.
Inaamag na lang ako dito, hindi pa rin nagsisimula yung battle of the bands. Bwiset ang tagal!
Dumayo pa nga ako dito sa school ng torpe kong kapatid para lang mapanuod sila tapos ang tagal pa, kaimbyerna ah! Wala pa naman akong pasensya sa pag aantay. Lalo na sa lugar na 'to. Kainis kasi ng mga estudyante dito.
Yung mga babae, ang aarte. Yung mga lalake naman wagas makatingin parang hinuhubaran na nila ko sa utak nila.
Kadiri. Tsk. Sarap dukutin ng mga mata.
Naka tattered black pants ako at dirty white hoodie, tsaka converse. Ano ba masama dun? Revealing ba 'yun para tingnan nila ako ng ganito? Tsk.
Tapos badtrip pa dahil wala akong makausap dito. Naghahanda na kasi sa backstage sina GD. Tapos yung kasama ko--- Speaking of him.. naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa ng hoodie ko kaya kinuha ko na ito.
1 message received
From: Eros
Yow Flare! Sorry I'll be late pero makakapunta ako dyan promise! Give me 30 minutes.
Aish! As usual, kailan ba ko naunahan nito pag magkikita kami? Tss daig pa ang babae.
'Bagong gising ka? Ulol ka talaga kahit kelan! Asan ka na?'
Message sent.
1 message received
From: Eros
OTW na po haha!
'On the water? Gagoooo! Alam ko na yan tsk ewan ko sayo. Bilisan mo na dyan! Kalansay na ko dito kahihintay!'
Message sent.
1 message received
From: Eros
Kalansay ka naman talaga ever since! HAHAHA!
Tsk! Lakas talaga mang asar netong gagong to! Hay ewan! Makalabas na nga muna nang campus na 'to. Balik nalang ako mamaya kapag dumating na yung kasama ko.
Ah tungkol nga pala dun sa ka-text ko? Hmmm, sya si Tristan dela Vega. Ang best friend ko at kasali rin sya sa Dark Renegade, yung gang namin. Matagal ko na syang kilala at nagkakilala kami sa underground. Parehas kami underlings palang ng Dark Renegade. Mababang posisyon. Mas kilala sya sa underground bilang Eros, dahil ang weapons nya ay long range, yung mga sniper at pana. Habang ako naman mga short range tulad ng kunai, katana, dagger at iba pa.
At bakit sya papunta dito? Wala lang, nagpasama ako sakanya manuod para naman hindi ako magsolo solo dito. Kaso nga, dahil sa ang bagal bagal nya kumilos nauna pa ako, aish!
Lumabas na ako ng gate ng West High University.
May nakita akong tindahan sa may harap kaya napagpasyahan ko namang bumili ng ngatngatin ko. Hehe, paborito ko kasi ang bubblegum kaya ayun bumili ako.
Isusubo ko na sana yung bubblegum ko nang biglang may bumangga sa likod ko kaya nabitawan ko yung pinakamamahal kong bubblegum.
Anak nang putakte! Halos close na nga ng kaluluwa ko yung kaluluwa ng tindahan na to sa sobrang pagkagilid ko, ibig sabihin hindi ako nakaharang sa daraanan tapos may makakabangga pa sakin?!
Hinarap ko gamit ang mahinahon este bored kong mukha iyong gagong nambangga saakin. Tiningnan nya naman ako ng may ngisi sa mga labi nya.
Pamilyar ang mukha nya ah..
BINABASA MO ANG
Expectations vs. Reality (On-Going)
Teen FictionWould our expectations turn into reality? Or will Destiny play and change the whole story? "Malinaw pa sa pinakamataas na megapixel ng latest na camera, na tahimik at mysterious type of guys ang tipo ko. Simula't sapul, iyon na ang nakatatak sa isip...