Chapter 32 [He's back]

10 0 0
                                    

LM's P.O.V

Lumilipad lipad ang utak ko kung saan habang may kung anong ewan na sinasabi iyong teacher namin sa unahan. Last subject na naman to ngayong araw kaya naman humahataw na ang puso ko.

Kabadong kabado na ako, leche!

Sa totoo lang, the whole afternoon subjects ay hindi na ako nakinig. Wala na kong naintindihan sa mga tinuturo ng subject teachers namin dahil sa kaba.

Kaba dahil mamaya na magsisimula ang delubyo ko.

Monday kasi ngayon kaya may gig ako sa bar nina manyak.

Sana lang hindi siya talkshit. Baka kasi mamaya, pinangakuan ako ng raket na marangal, tapos mamaya nyan ay kekembot kembot pala ako sa stage habang panty lang ang suot. Iniisip ko palang nasusuka nako e.

Kadiri! Mapapatay ko ata yung Luke Andrew na yun kapag nangyare yon! Nako, ang bait ng pangalan anyare sa ugali?

Pero infairness, I owe him a lot. Walangyang mga pinag aplayan ko kasi yun ng trabaho. Ayaw tumanggap ng mga hindi pa nakakapagtapos. Ayaw ng part time. Tsk yun tuloy naubos ang pamasahe ko. Nakita tuloy ako ni LA na naglalakad. Pero buti nalang din at nakita ko siya. Natapos na ang paghihirap ko sa kakahanap ng trabaho.

Kakanta ako mamaya sa bar nila. Kaso kalaban ko naman itong kaba ko. Aish! Kung hindi lang dahil kay mama hindi ko tatanggapin itong offer ni LA. Kailangan lang kasi talaga. At tsaka ang laki ng napagkasunduan naming sahod. Sayang naman.

Iispin ko nalang na para to kay Mama lahat.

Sana lang talaga magawa ko ng maayos itong trabaho ko. Sana wag akong pumiyok. Sa totoo lang kasi, kinakabahan pa rin ako tuwing iisipin na magpeperform sa harap ng maraming tao.

Pero tuwing iisipin ko yung nangyare nung battle of the bands, nawawala naman na ang kaba ko.

Bahala na nga mamaya.

Nang medyo kumalma na ako at napagdesisyunang makinig na sa teacher ay tsaka naman nag ring ang bell.

Pusanggala.

"Class dismissed. See you tomorrow." paalam ng professor namin.

Walangyaaa! Argh! Halos magwala ang puso ko. Tangina. Tapos na. Ngayon ko lang hiniling na sana mag over time ang teacher namin pero ngayon naman hindi natupad.

Kapag inaantok ako sa klase, in demand ang overtime ng mga teachers. Ngayong pinagdadasal kong mag over time sana sila tyaka naman nagmamadaling lumabas ng classroom.

Nakakagago din minsan.

"Oy tara na LM ano pang hinihintay mo dyan?" sigaw ni Angela. Hindi ko na binanggit pa sakanila iyong deal namin ni LA na may part time ako sa bar nila. Iwas pangaasar na din.

"Ay una na kayo. Maghahanap pa ako ng trabaho." palusot ko.

"Wala ka pa rin nakukuha? LM kasi, you should've accepted our help." sabi naman ni Reign.

"Hindi na nga ano ba kayo." sabi ko naman.

"Sigurado ka ba? Kaya mo pa ba?"

"Syempre. Ako pa." sabi ko at tinaas baba ang kilay. Mukhang nakumbinsi naman na sila.

"Mag ingat ka ha! Uwi agad!" parang nanay na bilin ni Angela.

"Oo na! Umuwi na kayo linisin nyo ang kwarto nyo ang gugulo!" sigaw ko sakanila. Para kasing binagyo ang kwarto nila lalo na kay Angela.

"Tse! HAHA goodluck!" at saka sila lumabas na ng classroom.

Naiwan akong nakaupo sa arm chair ko. Tae talaga. Kinakabahan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Expectations vs. Reality (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon