Chapter 19 [Lunch]

8 0 0
                                    

Angela's P.O.V

"Ilan pa extra shirts nyo?" walang gana kong tanong kayna LM at Reign. "Isa nalang akin."

"Last ko na to. How 'bout you LM?"

"Dalawa pa" walang buhay ding sagot ni LM.

Muntangang sistema to dito sa WHU! Nakaka tangina e! Hindi ko akalaing tumagal pa kami dito ng dalawang linggo.

Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong unang prank at hanggang ngayon, ganon pa rin ang lagay namin.

Hindi kami makapag reklamo dahil hindi naman namin alam kung sino ang walanghiyang hinayupak na pasimuno at masasabi kong, ANG LINIS NILA MAG TRABAHO! TCH!

Araw araw kaming may dalang extrang damit. Nasasanay na nga kami na may bigla biglang matatapon na pintura saamin. O kaya may mahuhulog na ipis sa ulo namin. At minsan rin habang nag shshower kami pagkatapos ng PE ay nawala yung mga damit na pambihis namin.

Ang saya sa West High University noh?

Minsan pa nga ay may biglang mantatapon saamin ng itlog from nowhere. Diba nakakagago? Ts. Ewan ko ba dito kay LM kung bakit pinipigilan pa akong manapak. Sabagay, hindi ko naman alam kung sino ang sasapakin ko pero kahit mag reklamo sa dean ay ayaw nya.

Masisira lang daw ang record namin. Minsan nga ramdam ko rin na pati ang faculty ay pinagkakaisahan kami.

Nako pag nakita ko lang talaga yung pasimuno nito masasapak ko talaga! Isipin nyo nga! Halos 2 weeks na kaming binabangungot dito!

"LM. Ayaw mo ba talaga magsumbong tayo? O kaya mag transfer na ng ibang school?"

"Tsk. Hindi mo ba napapansin na walang kainte-interes ang faculty at kahit guidance counselor sa reklamo natin? Kung magtatransfer naman tayo, parang pinasaya na natin yung masipag nating taga prank?" sabi nito habang inaalis yung earphones sa tenga nya.

"So you're saying we will wait here until we die and rot?" sagot ni Reign in a sarcastic tone.

"Hindi rin. Wag nyo nalang i-stress ang sarili nyo sa bagay na yan" kalmadong sagot ni LM.

Paano sya nakakakalma ng ganito?! Eh posibleng anytime may bumato naman saamin ng kung ano dito!

"Ano?! Tatanggapin nalang natin lahat ng to?!" Sagot ko.

"Sino ba kasing nag aaksaya ng itlog, pintura, harina, yelo, toyo, sili, suka, tubig at napapagod sa paghuli ng butiki, gagamba, ipis, bubuyog, daga, palaka, uod at pagpulot ng tae ng kung anong hayop dyan para mainis lang tayo? Ginagawa nila lahat para lang mainis tayo dahil gusto nilang mawala na tayo dito sa WHU. Habang tayo, sa simpleng presensya natin naiinis na kagad natin sila. Diba effortless?" -LM.

Hmm oo tama. Lahat ng binanggit nya, nagamit na sa mga prank saamin these past 2 weeks. Kulang pa nga yung nabanggit nya e.

"Kaya nga. Umalis nalang tayo para matapos na to! Hindi to yung ginusto natin para sa senior high life natin! Hindi ganito yung pinagpapantasyahan nating buhay nung Grade 10! Wala dito yung 'mala-wattpad na scene na hinahanap natin'!" sigaw ko.

"Asan na ba yung Angela na matapang at pala away? Yung Reign na bungangera? Sumusuko na ba kayo? Tch."

"LM. We don't even know kung sino ang kaaway natin dito."

"Exactly. Hindi natin alam kung sino ang kaaway pero obvious naman na pinagtutulungan tayo ng buong campus. Ginagawa nila to para mapaalis tayo. Binibwisit nila tayo sa kung ano anong paraan. Pero sila, sa simpleng presensya natin, bwist na bwisit na. Hindi naman pwedeng tayo lang ang nahihirapan at nabbwisit dito kaya para kwits, hindi tayo aalis. Nabbwisit nila tayo nang sila ang napapagod, at nabbwisit natin sila nang wala naman tayong ginagawa."

Expectations vs. Reality (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon