Chapter 28 [Unexpected Friendship]

10 0 0
                                    

Angela's P.O.V

"This calls for a celebration!" agad na sigaw ni Reign nang matapos ang event. Yay! Panalo kami! Akalain mo nga naman, kinaya namin nina LM at Reign yung kanina! Nakaka proud lang. Nako, isa na talaga to sa mga biggest achievements ko. At tsaka nakakatawa yung mga tingin nung lalakeng audience. Kung hindi kay Reign ang tingin, kay LM o kaya naman ay saakin. Oha! I think kusang lalapit ngayon saakin ang mga play toy ko. Tss. Assholes.

Sinisigurado ko naman na sa bawat laro ko sa mga lalakeng 'yon e natututo sila. Dapat lang. They have to learn their lessons. Na 'wag na magpakagago at wag gaguhin ang mga babae. Ang sarap kasing sipain ng mga ganun palabas ng Earth.

"Hoy 12 AM na. Saan nyo pa balak mag celebrate? Aber?" pagtutol ni Sir Trevor. KJ psh.

"Come on. Wag KJ. Unang sabak palang namin as a band, pero champion agad. Oh diba? So we have to celebrate! First win, huh? So let's gooo party partyyy!" hyper na sigaw naman ni LA na may palundag lundag pa. Jusme, saan ba pinaka malapit na mental hospital dito? Maidala nga 'tong isang to.

"Hindi pwede. Hindi ako papayag." mariing sabi ni Sir Trevor. Napasimangot naman si LA at parang domino effect ang nangyare at napasimangot na rin kami maliban kay Tyler na napa smirk pa. Tss bakulaw!

"And who the hell said that we're asking for your permission? We're going, anyway hindi ka naman invited." natatawang sabi nito.

"Yah right. So let's go guys and we'll have some fuuuun!" sigaw ulit ni LA.

"Kapal talaga ng mukha nyo! Pagkatapos ko kayong tulungan sa band name nyo at lahat lahat! Oy!"

Umakting naman ang boys na parang walang narinig kaya nakisakay na rin kaming girls sa trip nila kahit na natatawa na kami sa itsura ni Sir Trevor.

"Oo pre, madaming chics dun, ako bahala." malakas na sabi ni LA na halatang pinaparinig kay Sir Trevor.

"Oy oy oy! S-saan kayo pupunta?! Sama ako!" tss parang bata 'tong Music Teacher namen.

"Sa Bar namin, bakit? Diba 12AM na? Bye Sir Trevor, uwi kana!" natatawang sabi ni Gideon.

"Bar?! Minors pa lang kayo baka nakakalimutan nyo!" 

Oo nga, 17 palang kaming lahat. Anong trip netong boys at pupunta kami sa bar? Tss. Ni hindi ko nga alam kung anong itsura 'don. Yah, kahit  ganito ako, play girl o kung ano pang tawag nyo, matino pa rin ako noh. Wala akong bisyo. Wala kaming bisyo.

"Lutang ka nga ngayon! HAHA! Nakalimutan mo? Bar ang business ng mga Palma kaya pwede kami maglabas pasok sa kahit na anong bar dito. Anyway, we own it." sa sobrang taas ng confidence level ni LA nahiya ang taas ni Yao Ming!

Laglag panga namin syang tiningnan nina LM at Reign. Obviously, kami lang ang magugulat kasi kami lang naman yung walang kaalam alam dito.

Kung nagmamay ari sila ng mga bar at winery ang business nila, they must be hella' rich! Oh god.

"Bawal kayo mag bar! Ang babata nyo pa para dyan!" seryosong sabi ni Sir Trevor. Infairness, ngayon nakita ko na pakinabang nya. He's like the father-figure in our band.

"Oo nga. At kung magba-bar lang naman pala ang plano nyo sa pag ce-celebrate, never mind pero hindi na kami sasama." sabi ni LM.

"Tsk. Kill joys. Edi wag ka sumama. Kami nalang lima. Hindi ka naman bagay dun." bored na sabi ni LA. Seriously?! Akala ko ayos na sila? Grabe yung feels kanina nung kumakanta sila. As in! Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin ko may something between their stares! Ang tindi! Alam mong sincere yung tinginan nila.

 Pero ano tong ngayon? Ts. 

"He's acting like a jerk.." bulong saakin ni Reign na halatang inis na inis at nagtitimpi lang.

Expectations vs. Reality (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon