Chapter 31 [Is this LOVE?]

14 0 0
                                    

LA's P.O.V

"Sir, hinahanap po kayo ni Sir Gideon gusto daw po kayong makausap."

"Ano ba manang! Sabi nang ayaw ko magpa istorbo ngayon eh."

"Eh mapilit po sir eh."

"Sabihin mo wala ako. Umalis kamo." utos ko kay manang. Bad trip naman kasi. Sabing ayaw kong magpa istorbo nang kahit na sino! Gusto ko lang magkulong sa kwarto ko. Wala rin namang pasok ngayon. 

Kahit pa sexyng artista ang itapat sa akin ngayon wala pa rin akong gana. Ayoko pa ring lumabas ng kwarto ko.

'Yon ang problema ko.

Nawawalan na ako ng ganang makipag fling sa mga babae. Kahit anong landi ang gawin ko sa iba't ibang babae, imbes na masatisfied ay naiirita pa ako.

Hindi naman pwedeng bakla ako. Hindi talaga! Sa gwapo kong 'to? Magiging bakla lang?

Basta, iba kasi nararamdaman ko ngayon.

Weird.

Ilang linggo na ako papalit palit ng mga babae. Umiiwas na rin ako kay LM dahil sa hindi malamang rason. Bwisit talagang nerd 'yon. Iba ang nararamdaman ko kapag nandyan sya eh. Ano kayang ginawa nun sakin?!

Kung dati, playboy ako, ngayon mas lumala pa. Dati nagtatagal naman ang isang babae sa akin ng isa o dalawang araw. Pero ngayon? Sa isang araw ay nakaka apat na palit ako ng babae. Parang t-shirt lang, ganon.

Dapat ay natutuwa ako. Pero fuck. Wala. Walang tuwa. Wala akong nagagawang ka-playboy-an moves sa mga babae ko ngayon. Naiirita kasi ako kapag naiisip kong gagawin ko yon. Kaya imbes na pakiligin ko sila at makipag landian sakanila ay nasisigawan at nasusungitan ko pa tuloy sila.

Buwisit na iyan talaga.

Ang gulo gulo ng gwapong utak ko ngayon! Leche!

Tapos alam nyo yon? Iyong parang may kung ano sa tyan ko kapag nakikita ko si LM? Iyong parang may anay sa loob tapos unti unting kinakain ang loob ng tyan ko? Iyong parang umiinit ang pakiramdam ko sa may dibdib? Parang binabaliktad ang tyan ko? Tapos sa bawat galaw nya, yung paligid ko parang naghahang bigla. Tumitigil. Ano ba 'tong bwisit na nararamdaman ko?

Tapos ibang saya ang nararamdaman ko kapag naaasar na sya sa mga pang aasar ko. Makita ko lang iyong pikon niyang mukha, ayos na ako.

Kapag ngumingiti siya, bumibilis ang tibok ng puso ko.

Noong nilayuan ko siya at nakitang may mga nag iiwan ng chocolates at mga teddy bears sa locker niya, nainis ako. May nabugbog pa nga akong isang inosenteng estudyanteng lalake dahil sa inis. Walang ka-alam alam yung lalake kung bakit ko siya binugbog. Ako rin naman, hindi ko din alam.

May kung anong sumasakit din sa dibdib ko kapag nakikita kong may kumakausap sakanyang ibang lalake.

Ano ba 'to, may sakit ba ako sa puso?

O breast cancer?

Mamamatay na ba ko?

Nakakamatay ba 'to?

Nilason ba ko ni LM? Sakanya ko lang kasi nararamdaman ito.

As in, sakanya lang.

Walang hiyang LM talaga yan. Baka may nilagay na lason sa pagkain ko noong hindi pa ako umiiwas sakanila sa sobrang pikon na sa mga pang aasar ko?

Tangina talaga. Ang gulo na ng utak ko! Pakiramdam ko mababaliw na ako.

Natigil ako sa pag iisip nang biglang marahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Expectations vs. Reality (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon