Chapter 6 [Panty]

26 3 0
                                    

LM's P.O.V


"As in?! Tangina! Pano nangyare? Wait naaalala mo pa ba mukha nung lalake?! Pogi ba? Jusko baka isa yan sa mga panget na manyak ng-- teka, lugi ka pag nagkataon----"

"Shut up Angelita! Patapusin mo muna si LM. Pero wait, what's the feeling ba? Hihi masarap ba-- wait ouch anoba huhu!" sabi ni Reign habang umaarteng nasaktan, binatukan kasi ni Angela.

"Inamo Ulan! Eh isa ka rin e. Sige na LM continue.." jusme halos mabingi na ko sa dalawang to! Di pa rin sila makapaniwala sa nangyare. Yung nangyare nung Acquaintance Party. Kahit ako ay 'di pa rin makapaniwala.

Feel ko tuloy ako si Lola Basyang na mag sstory telling sakanila. Nakadapa kasi sila sa kama ko na parang batang excited makinig sa walang kwentang kwento. Ano naman balak kong i-title dito?

OA kasi ng mga to. Parang sila pa yung nawalan ng first kiss. Huhu tangina pag naaalala ko yun naiinis ako! Pesteng first kiss yan!

"Una sa lahat, I don't fucking know who the hell he is. Nakamaskara nga diba? At anong feeling? Tangina. Wala."

"Wala? Weh? As in? Sus, di ka kinilig? Peksman?" parang bata talaga tong si Angelitaaa, ang kulit ng gaga!

"Oo nga! Wala? Di ka man lang naka feel ng butterflies in your stomach o kaya sensation of love? O di naman yung mabilis na pagtibok ng iyong puso? O kaya pinakamabenta yung slow motion lahat! Yung parang sa wattpad stories na nababasa natin... hay omygolygoshhh" shet oh isa rin tong parang bata si Reign na salat sa pag ibig eh! Kumikislap kislap pa mata nyan habang sinasabi yun, muntanga talaga ng mga 'to!

"Wow ang babaduy nyo!" sabi ko sabay tulak sa kanila palabas ng kwarto. Nakakainis na eh. Ayaw paawat!

So.. I lied. Yes. Hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan. How it felt. My lips on his. Shete. I can't help it but questions kept running on my mind. Why did he fvcking kissed me? Kilala nya ba ko? And who's that guy?! The one who stole a kiss from me. My first kiss. Haaaaayst! Di ako makakatulog neto.


-----------------------------------------


Angela's P.O.V


"Class, the admin decided that we will have our team building! And since wala pa tayong performance task, eh isasabay ko na rin dun. You should submit to me photographs of different places there." announcement ni Sir Denis. Nag sigh naman halos lahat ng classmates ko. "Isn't it exciting?" dagdag pa ni Sir sabay bigay ng smile nyang nakakabuhay.

"Exciting mo mukha mo Sir" narinig kong bulong ng ilan kong classmates. Haha problema ba nila?

"Don't worry class. It will be by group. Hindi kayo mahihirapan and for sure, this will be exciting since this is your first performance task sa subject ko." tiningnan ko agad si Reign at LM and gave them my excited kind of look at ngumiti naman ng malapad si Reign na agad ko namang naintindihan. Syempre ito pa bang konyong to di ma excite? Pero si LM ayun lutang ang isip. Anyare ba sa gagang to?

"So this Friday we are going to Bicol. Specifically, a nayon. Manguiring daw ang name eh. Everyone's required to join. Bring with you the things you need to bring. I know everyone here is responsible enough so no need for me to mention the things you need to bring."

What?! Bicol? Manguiring?! Eh probinsya namin yan ni LM eh! Waaah! Matagal tagal na rin kaming di nakaka uwi dyan. Actually ako lang talaga yung taga Manguiring. Nasa bayan kasi yung bahay nina LM eh samantalang yung saamin ay sa bukid. Pero parehas kaming taga Bicol. Si Reign lang ang hindi, taga La Union sya.

"Boooooring"

"Ano nanamang kaekekan to ng school tsk"

"Yak low class sana out of the country nalang!" wow ikaw na rich kid teh.

"Ay alam ko na mangyayare dyan"

"Huhu not again!"

Ano bang pinagsasasabi ng classmates ko? Nakaka curious naman yang not again not again chuchu nila. Pero duh, di ba nila nararamdaman yung excitement? *O*

"Omygolygosh! This is really exciting! Omooo makikita na ulit natin si Lola Pinky! Can't wait!!" bungad sakin ni Reign nung dinismiss na kami ni Sir Denis. Si Lola Pinky, sya yung lola ko. 

"Jusko makikita ko na ulit si Lola! Haha kahit parang bata pa rin ako kung ituring nun, namimiss ko pa rin yun hehe" sagot ko.

"Oo nga noh! Hahaha. Natatandaan mo pa ba nung hinabol ka ni Lola Pinky habang may dalang walis sa may kalsada kasi hindi mo nalabhan panty mo? WAHAHAHAHAHA laptrip yun!" sa wakas nagsalita na si LM. Pero pucha magsasalita na nga lang sya eh mang aasar pa talaga. Waah that embarrassing moment! Syempre di ko yun makakalimutan. Nakakahiya kaya yun!

"Tangina naman oh wag mo na ipaalala bes"

"Wahahahaha wait halos I cried na dahil sa kakatawa hahahaha"

"Diba 4th year highschool na tayo nun! Hahahahaha kelan ka nagsimulang maglaba ng panty mo Angelita? Hahahahaha!" putspang LM talaga to!

"Che! Tigil na kasi!" waah eh nakakahiya na e nasa room pa kami. Buti nalang wala pang teacher.

"Panty! Panty! HAHAHAHA" sabay na pang aasar pa nung dalawa. Takte talaga!

Tumakbo sila palabas ng room. Tangina syempre di ako papatalo hinabol ko rin sila.

Hinabol ko sila palabas. Nagmadali ako para maabutan ko pa yung dalawang gaga.

Pero biglang sumulpot sa harapan ko si-- Tyler?! Shet. Kinorner nya ko.. Almost. De joke lang! 

Sumandal lang naman sya sa pader. Ako lang tong OA hahaha. Pero halos dumikit na yung hinaharap ko sa may lower chest nya. Mas matangkad kasi sya sakin. Buti nalang malakas pa preno ko kung hindi.. Hala. Hahaha. Nubayan puro kalokohan nasa isip ko tsk!

"Ano bang problema mo?!" sa inis ko, naisigaw ko yun habang nakatingala ako sakanya. Tangkad kasi ng gagong to. Bwisit.

"Para kang bata." sabi nya habang naka tingin sakin na bored look. Shemaay! Ang husky ng boses! Kainlab mats! Landi mo nanaman Angela. Diba naiinis ka lol

"Pakialam mo ba?" yan tama yan Angela. Galit epek.

"LM bakit ba inaasar nyo sya?" tanong nya kay LM sabay lingon sa direksyon nya. Waah? Kinausap nya si LM? Ipagtatanggol nya ko? Haha ganda ko talaga!

Halata namang nabigla si LM. Nako kulang nalang maging puso na mata ng gaga. Nako, crush talaga neto si Tyler eh.

"Eh..Ahm.. Ano kasi.. Di nya nalabhan panty nya. Hahahahaha" nauutal na sabi ni LM sabay tawa ng malakas at takbo paalis. Ay taena talaga! Huhu! Baby Tyler pagtanggol mo na ko dali! Haha charot lang.

Nakita ko sa mukha ni Tyler na nagpigil sya ng tawa sabay talikod saakin.

"Panty ka pala e HAHAHA!" sabi nya habang nakatalikod at tumawa ng malakas. Naglakad na sya papalayo sakin habang hawak ang tyan nya sa kakatawa. Langya, akala ko ipagtatanggol ako isa rin palang mang aasar. Bwisit yan. Abnormal ata to!




"May araw ka rin saking Tyler ka!"

Expectations vs. Reality (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon