Chapter 24 [Enchanted To Meet You]

17 0 0
                                    

Angela's P.O.V

"Hindi nga kasi yan! Ang pangit ng taste mo e! Kadiri!"

"Kapal ng mukha mo mag salita ng ganyan! Eh pambakla naman mga mga isina-suggest mong mga kanta! Ikaw ang kadiri, gago ka!"

Seryoso. Si LM pa ba 'tong nasa unahan ko? 

Sumisigaw.

Nanduduro.

Sumasagot sagot.

Walang pasensya.

Hindi kalmado.

Anong nakain netong gagang to? I mean, oo talagang maingay yan si LM pero sa amin lang yan nag iingay ni konyo. At sa ibang tao, ibang LM ang pinapakita nya. Yung cold, snob, walang pake sa mundo at may pagka nerdy.

Pero ngayon? 

Wow.

Laglag ang panga naming apat habang pinapanuod magtalo si LA at LM sa kakantahin namin sa battle of the bands.

Yeah, hindi na itinuloy ni LM ang drama nya na magki-quit agad sa banda. Kemeprut pa kasi nito ni LM eh pangarap kaya namin 'to! And yeah ulet, inaasar nanaman ulit ni LA si LM dahil wala naman daw pala itong plano mag suicide. HAHA!

Pero hindi namin ine-expect na sa ganitong paraan namin matutupad 'yon.. At kung seswertehin ay kabanda ko pa si target slash playmate. Hehe, si Tyler.

Speaking of Tyler, asan ba 'yon? Missing in action si Mr. Mysterious!

"Woooow! Eh kesa naman sa mga kantang gusto mo! Ang sakit sa tainga!"

"Oh anong gusto mo? yung sa'yo yung piliin?! Eh makakatulog yung mga audience at judges nyan e!"

Tingnan nyo na! Wala atang balak tumigil sa pag ta-trashtalk-an itong dalawang 'to!

Pinu-push kasi ni LM na rock song ang ipeperform namin, habang si LA acoustic naman ang gusto.

Hindi pa rin kami umimik nina Reign at pinagpatuloy lang ang panonood sa dalawang walang sawang nagtatalo. 

Kanina pa 'yan! Nako, gutom pa naman din ako! Pag di ako nakapagpigil sa dalawang 'to.. Nako talaga!

"Ewan ko sa'yong nerd ka! Basta, yung Sad Song ng We The Kings ang kakantahin natin!" sigaw ni LA.

"Ulol! Neknek mo! Mas maganda ang Somewhere in Neverland ng All Time Low! 'Yun ang kakantahin natin! Tapos! Period! Sealed!" sigaw na parang bata ni LM.

"Hindi--!"

"ANG LAKI NG PROBLEMA NYO! TAE YAN! TUMAHIMIK NGA KAYO! KANINA PA TAYO NANDITO SA CLASSROOM! ANO WALANG BALAK UMUWI? PARA SAAN PA ANG HALF DAY MGA BES?! NAKOOO TALAGA! AKO GUTOM NA HA!" sigaw ko nang mawalan ng pasensya. 

Kanina pa kasi kami dismissed pero hindi kami makaalis dahil nagmi-meeting pa para doon sa banda. Malapit na kasi 'yung battle of the bands pero 'di pa man lang kami nakaka pag practice kahit isa! Tapos ngayon mag aaway pa 'tong dalawang 'to!

"Tumahimik ka nga Angela!" sabay pa nilang sigaw.

Abaaa't---!

"Gaya gaya ka!" sabay ulit nilang baling sa isa't isa.

Hay, gago at gaga. 

"Ikaw ang gaya gaya!" sabay nanaman nilang sabi sabay turo pa sa isa't isa.

Wow. Edi kayo na destined! Lul!

Humalakhak naman sina Gideon at Reign. Asan kaya si Tyler?

Expectations vs. Reality (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon