Third Person's P.O.V
"Nagsisimula na." sabi ni Gideon sa mga kabanda nya. Kasalukuyan sila ngayon nasa backstage. Narinig nila na may nagsalita na sa mic, iyong masters of ceremony. Parang sasabog sa kaba si LM pati na rin si Reign at Angela. Ito ang pinaka unang pagkakataon na gagawin nila 'to. Na tutugtog sa harap ng maraming tao. Pressure pa kasi kasama nila ang kinatitilian, kinahahangaan, kinababaliwan at kung ano ano pang papuri ang masasabi mo kayna LA, Gideon at Tyler.
"Guys, iyong mga solo nyo ha."
"Angela iyong pasok mo, wag mo kalimutan."
"Yeah yeah, ako pa."
"Tapos yung pag instrumental, kayo nina Reign Tyler at ikaw GD. Wag kayo mawala."
"Ready na ba lahat? yung instruments? In good condition yun ah? Yung mic later i-check muna natin because mamaya nyan may mag sabotage satin!"
"Anoba Reign. Kalma. Ayos naman na lahat, diba GD? Wala na tayong po-problemahin mamaya?"
"Oo naman! Ako pa. Kagabi pa all set yung instruments. Wala nang dapat alalahanin pa."
"Anoba guys. Chill nga kayo. Masyado ata kayong kinakabahan." chill na sab ni LA. Hindi naman kinakabahan si GD at Tyler, wala naman kaso sakanila kung magpeperform sila ngayon. Kaso, apektado at naba-bother lang naman sila sa di imposibleng pagkikita nila ng mga dating kabanda nila. Yung dalawang matalik nilang kaibigan, DATI.
"LA! Umayos ka! Chill ka ngayon pero mamaya, makita mo! Pag ikaw pumalpak!" sabi ni Gideon.
"Ako? Pumalpak? Ha! Hindi mangyayare 'yon. At kahit naman pumalpak ako e madami pa rin akong fan girls. Sa gwapo kong 'to?" mayabang na sabi ni LA sabay cross legs at upo sa couch.
"Tss. Womanizer."
"Haha. Palibhasa kasi sa'yo walang nagkakagusto! Hahaha!"
"Ulol! Ewan ko sa'yo!"
"Pwede ko ba munang mahiram yung leader nyo? Kailangan na kasing magbunutan para sa sequence ng pagpeperform nyo mamaya sa battle of the bands." naputol ang pag uusap at pag aasaran ng anim nang may biglang dumating na isang officer ng student council. Sila sila rin lang naman kasi ang nag organize nitong event pero syempre with the help of their team adviser.
"Leader?" kunot noo nilang tanong.
"Yes po. Yung leader ng banda nyo. At saka, ano nga pala pong name ng banda nyo? Kayo nalang po ang walang band name na nakalagay sa form."
Napa face palm si GD at Tyler habang umiiling iling si LM. Si Angela at Reign naman ay napakakagat sa ibabang parte ng labi nila habang si LA ay nagpipigil ng tawa. Napataas ang kaliwang kilay nung officer, akala ata sya ang pinagtatawanan nila.
"Tae kayo! Sabi nyo ready na!" hiyaw ni Angela.
"Sa lahat ba naman, yun talaga ang makakalimutan natin?!" natatawang sabi ni LA.
"Miss, give us 30 minutes. Ang eengot kasi ng mga 'to." sabi ni Tyler at tumango naman yung officer saka naglakad palabas ng backstage.
"Engot ka dyan! Eh nakalimutan mo rin naman!" sigaw ni Angela.
"Pwede ba 'wag nga muna kayo magbangayan dyan! Kailangan natin makaisip ng band name as in ngayon na."
"The three hotties boys with the red tied ladies, na lang kaya?" natatawang suggest ni LA. Napairap nalang si LM sa kawirduhan ng suggestion ni LA.
Red tied ladies?! HAHAHA ano 'yun palaging dinadatnan sina LM Reign at Angela?!
"Ano ba pre, seryoso nga."
BINABASA MO ANG
Expectations vs. Reality (On-Going)
Teen FictionWould our expectations turn into reality? Or will Destiny play and change the whole story? "Malinaw pa sa pinakamataas na megapixel ng latest na camera, na tahimik at mysterious type of guys ang tipo ko. Simula't sapul, iyon na ang nakatatak sa isip...