Gideon's P.O.V
2 am na kami nakarating sa Manguiring. Tangina, di man lang ako nakatulog sa buong byahe. Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako binibisita ng antok. Shit kasi yung nangyare kahapon. Para akong baklang kinikilig!
***FLASHBACK***
"Mr. Fortalejo! Kasisimula palang ng school year eh napa trouble kana agad?! Ano nanama--"
"Just hand me that damn detention slip so I can go." pagpuputol ko ng sinasabi netong madaldal na guidance counselor na to. Nakakairita kasi to! Ratatat ng ratatat. Sesermon pa, papalinisin ka rin lang naman. Daming arte! Tanginang Reed kasi yon. Nanghamon pa ng away eh alam nya namang mas magaling ako sakanya. Napa trouble pa tuloy.
Papunta na ako ng library. Dun daw ako mag community service. Sa totoo lang, may choice naman talaga ako. Kung susundin ko yang walang kwentang rules and regulations ng school na to o susundin ang sarili kong rules. Pero dahil nabanggit saakin nung librarian na nandoon na raw yung makakatulong at makakasama ko sa paglilinis at nangyareng si Summer pa, matatawag kong blessing in disguise tong pagka detention ko.
Akalain mo, sa lahat ba naman ng makakasama ko, sya pa talaga! Natutuwa ako na after 9 years, nakita ko ulit sya. Tangina! Destiny talaga oh! Pero.. Hindi na nya ata ako natatandaan.
Nasa tapat na ako ng pinto ng library. Hayup yan! Kinakabahan ako. Bago ko tuluyang buksan ang pinto ay pinasadahan ko muna ng aking kamay ang aking buhok. Papogi lang haha! Ang bakla ko na tangina!
Pagpasok na pagpasok ko ay hinanap na agad sya ng paningin ko. Hindi naman ako nabigo dahil nahagilap ko agad sya. Potek. Ganda nya talaga kahit kelan.
Naglakad ako papunta sa likod ng isang malaking shelf. At in-on yung ceiling fan. Ang init naman. Hindi kasi talaga maganda ang pakiramdam ko. Oo alam ko, pogi at badboy ako pero may karapatan din naman ata akong magka lagnat, diba? At oo na aaminin ko nang kinakabahan ako at natotorpe ako kay Summer. Bakit ba?
BINABASA MO ANG
Expectations vs. Reality (On-Going)
Novela JuvenilWould our expectations turn into reality? Or will Destiny play and change the whole story? "Malinaw pa sa pinakamataas na megapixel ng latest na camera, na tahimik at mysterious type of guys ang tipo ko. Simula't sapul, iyon na ang nakatatak sa isip...