LM's P.O.V
"Class dismissed. Be back after the lunch break." sabi ni Prof. Rivas.
Natapos na ang kalahating araw namin sa school at nakailang palit na rin kami ng damit. How nice?
4 hrs to go nalang. 4 hours nalang ang hihintayin at naka survive nanaman kami sa isang bangungot namin dito sa WHU.
Lunch break na kaya problema naman namin kung saan kakain. Tsk.
"Hey sis. 10 minutes na tayong naghahanap ng perfect spot wala pa rin huhu I'm hungry" sabi ni Reign habang naglalalad kami.
"Oo nga. May lunch na sana tayo. Wala naman tayong lugar hay tanginang buhay to oh gutom na gutom na kooooo!"
"Teka nga sis. I need to pee. CR muna ako" sabi ni Reign. At dahil mahal namin ang isa't isa (charot), sinamahan na namin sya ni Angela. Mahirap na baka mabully ang isa saamin, dapat magkakasama kami!
"Ang tagal mo Reign! Gutom na ko ts" sabi ni Angela kay Reign nasa loob ng cubicle.
"Wait! Edi kumain kana dyan" sabi ni Reign.
Tiningnan naman ako ni Angela sabay ngiti.
Ayoko ng ibig sabihin ng ngiting yan!
Pagkatapos ng ilang hilahan at pilitan ay nakuha na saakin ni Angela yung lunch. At tsaka nilantakan dito mismo sa washroom yung lunch.
Gutom talaga sya. Patay gutom!
Nagkatinginan kaming tatlo nang may narinig na yapak ng mga sandals. Kaya agad agad naming kinuha yung Tupperwares.
Kanya kanyang bitbit ng takip at lalagyan. Ako may bitbit sa pang ulam, si Angela sa kanin habang ang kutsara ay nasa bibig at si Reign naman sa mga takip ng tupperware.
Hindi namin maiwasan matawa sa itsura namin habang nagmamadaling pumasok sa iisang cubicle.
Isinara namin ang takip ng bowl at doon ipinatong ang tupperware na naglalaman ng lunch namin at tsaka pinagpatuloy ang naudlot na pagkain namin. Hahaha! Kadiri na kung kadiri. E sa gutom kami e!
Tahimik lang ang bawat pagsubo at pag nguya namin ng biglang may magsalita sa labas ng cubicle.
"Hindi pa daw nila nahahanap yung mga losers. Ang galing nila magtago pag break ah" sabi ng isa.
"Don't worry. Nakakabawi naman tayo pag class hours e hahaha"
"Uh-huh!"
Parang nag igting ang pandinig ko at nagwala ang buong sistema ko sa narinig. Nagkatinginan pa kaming tatlo at masasabi kong pare parehas kami ng nararadaman ngayon.
So all this time.. Sila pala ang pasimuno!?
"Kinonchaba ko na yung mga guys sa GAS department. And mamaya, mangyayare ang pinaka grand na prank natin. Tingnan lang natin kung hindi pa sila umalis dito."
"Uh-huh! But wait, ano ba yung inutos mo sakanila, Scar?"
"Hmm. Nothing, siniguro ko lang na mag eenjoy ang boys ng GAS department. Hihi."
We're not stupid shits para hindi ma-gets na kami yung pinag uusapan nila.
Walanghiya.
Uh-huh girls. You're really getting into my nerves.
Nagulat ako ng biglang binuksan ni Angela ang pinto ng cubicle na pinagtataguan namin. Knowing Angela, sa oras na malaman nya kung sino ang kalaban, susugod at susugod na to.
BINABASA MO ANG
Expectations vs. Reality (On-Going)
Teen FictionWould our expectations turn into reality? Or will Destiny play and change the whole story? "Malinaw pa sa pinakamataas na megapixel ng latest na camera, na tahimik at mysterious type of guys ang tipo ko. Simula't sapul, iyon na ang nakatatak sa isip...