Angela's P.O.V
"Kailangan ba talaga to Ulan?!" tanong ni LM na may halong pagdadabog.
"Of course! Like duh LM? You have to make ayos ayos yourself din naman, also you Angela"
"Tangina, bakit aayusin? May sira ba saamin ni LM?!" reklamo ko din.
"Yes. Your taste and sense in fashion is in very veryyy bad condition. Syempre, I care about you, you're my sisters kaya!"
"Pero--"
"No buts sizzums. Let's go, we've wasted so much time, both of you areso papilit pa kasi hmp. Go go goooo!" sabay hila samin ni LM papuntang ewan.
What the.Sana maka survive kami ni LM. Super hyperactive kasi neto ni Reign pag fashion, shopping at mga kaekekan sa katawan ang pinag uusapan. Hay!
Nagtinginan nalang kami ni LM. Syempre na gets ko agad yung meaning ng tingin na yun. HAHA!
"Ako una aalis ha" bulong nya sakin. HAHAHA. Sabi na eh, mag uunahan kami neto na layasan ULIT si Reign katulad nalang nung kahapon hehehe.
******FLASHBACK******
"We're going to our boutique ha. We're gonna pick dresses para sa acquaintance party. Hihi so excited!!!" sabi ni Reign habang nag da-drive papunta sa boutique nila.
Damn. 'Di pa kami nakakarating sa boutique nya pero pagod na pagod na ako. Iniisip ko palang kasi ang mga gagawin ni Reign jusme! Panigurado andami nanaman ipapa fit saamin ng konyong yun!
*****Mall*****
"Ay Reign, restroom lang ako ah" pasimple kong paalam.
"Sama ako Angela. Baka matagos na ko e" palusot naman ni LM.
"Okay. Be back ha! We have so much to--" di pa tapos si Reign magsalita eh umalis na kami ni LM.
"Oo na oo na. Byyye!"
"Tagos pala ah hahahaha" pang aasar ko kay LM nung makalayo na kami kay Angela. Haha! Galing gumawa ng palusot ng gaga!
Sa totoo lang, 'di naman talaga kami mag c-cr. Dumiretso kami ni LM sa Mcdo, umerdor syempre ng pagkain, ano pa ba? Lol. Bahala na si Reign sa pag sha-shopping kuno nya.
Pagkatapos namin kumain at magpaka busog ni LM ay nag commute na kami pauwi ng condo. Hahaha. Bye Reign!
****END OF FLASHBACK****
"Ako una aalis ha"
"Anong unang aalis?!" ooops. Bwisit, narinig ni Reign hays!
"Ah.. Eh ano kasi.." magpapalusot pa sama si LM pero nagsalita na si Reign.
"Sis, please lang. 'Wag nyo ulit gawin yung ginawa nyo yesterday. Tsk. Very bad. Pambawe nyo na to sakin" pakiusap ni konyo sabay puppy eyes.
"Fine" sabay naming sabi ni LM since medyo nakonsensya din kami sa ginawa namin kahapon.
Tumigil kami maglakad sa tapat ng isang salon.
Shit. Magsisimula na si Reign. Taena naman oh. Wala na talaga tong lusutan!
Pagpasok namin, agad syang lumapit dun sa counter at dun pinaliwanag sa mga staff kung anong gagawin sa amin. Wala kaming naintindihan ni LM. Halatang suki talaga dito si Reign.
Pinaupo na kami nung mga babae sa harap ng malaking salamin. May isang babae na nakaupo sa may paahan ko, isa ulit na nakaupo sa may kamay ko at isa pang babaeng nakatayo sa may likod ko. Sya ata naka assign para mag ayos ng buhok ko. Ganon din kay na LM at Reign. Bale, tigtatatlo kaming mag aayos saamin.
Potek. Kelangan pa ba talaga to, manicure at pedicure? Hindi naman na ata iisa isahin ang mga kuko namin pag pasok ng venue!
Nagkatinginan kami ni LM. Magkatabi lang kasi ang upuan namin. She gave me a 'what-the-fuck-look' HAHA. Halatang naiirita na sya eh.
"Lets start this shit" bulong ni LM.
"A fabulous shit." response ni Reign na may halong excitement sabay smirk.
****After 6 hours****
Whoa. Tangina. Speechless. Totoo ba 'to? Si LM pa ba tong katabi ko? Ako pa ba to?! Si Reign naman mas lalong gumanda. Kung dati, pag normal na araw lang, maganda sya. Oo maganda yung konyong yun pero mas lalo syang gumanda ngayon! Si LM, grabe ang make over ng gaga! 'Di pa rin ako makapaniwala na may igaganda pa pala ang katulad namin ni LM. Na gaganda pa pala ako.
Si Reign pala naka red long sleeve lace dress. Gorg af amps! Hahaha! At naka messy bun sya. Kahit messy maganda at bagay sakanya. Bumagay pa lalo yung red sa maputi nyang kutis. Naks naman! Chix talaga wag mo lang pagsalitain! HAHAHAHA!
Si LM, eto parang diring diri sa suot nya. Nakadress na style tube kasi eh color light blue na may white. Hahaha. Pero inpeyrnes! Gumanda ang gaga! Nawala ang pagka old school nya ngayon ah. Straight ang buhok nya. Plinantsa ata, ewan. Haha. Congrats sa buhok nya nakatikim ng ayos! Pers taym!
And opcors myself! The most fabulous and glamorous among all of us! *insert Reign's tone accent w/ matching gestures* Pinaka magandang nilalang na tinubuan ng mukha! Ganda ko ngayon! Myghad, dyosa to be exact. Pwe jusme, di bagay mag konyo konyo.
By the way, I'm wearing off shoulders na baby pink dress. Shemay kahit gandang ganda ako sa sarili ko ngayon (oh ano aangal ka?) Naiilang ako kasi kapit na kapit yung dress sa katawan ko. Tangina buti nalang at sexy ako. Na mention ko na ba na kulot kulot na ang dating magulo kong buhok? Pcha ang dyosa ko talaga! HAHA nahawa na ata ako kay Reign.
5:30 PM na nga pala. Saktong oras para umalis. Kailangan na namin umalis. Medyo malapit lang naman yung school namin dito sa may boutique nina Reign. Dito na din kasi kami nagbihis sa boutique nila. May sariling closet kasi si Reign sa loob. Oh diba sosyal ang konyo! RK!
Dumating na yung driver nina Reign at yung sasakyan nilang halatang mamahalin at sosyal. Pinag drive na kami ni manong at dumiretso na sa school.
Habang nasa sasakyan ay sinuot na namin yung maskara namin.
"Wow! Sino sila? Ang chichix oh!"
"Witwiw!"
"Chix oh!"
"Diba bawal outisiders? Sino silaaa? Gaganda shet!"
Yan nalang narinig namin habang papasok ng venue.
BINABASA MO ANG
Expectations vs. Reality (On-Going)
Teen FictionWould our expectations turn into reality? Or will Destiny play and change the whole story? "Malinaw pa sa pinakamataas na megapixel ng latest na camera, na tahimik at mysterious type of guys ang tipo ko. Simula't sapul, iyon na ang nakatatak sa isip...