CHAPTER 8:

111 1 0
                                    

CHAPTER 8:

Today is Thursday in the afternoon and I’m getting ready for our Tourism Night. At inaayos ko na yung isusuot ko mamaya. Ni-ready ko na yung 6 inches kong heels na binili namin ni Trish kanina. Pati na rin yung dress. Royale Blue yung dress ko. Hindi siya too formal, sakto lang, at higit sa lahat simple lang siya. Pero di naman pangit tignan. Ako kasi yung taong mahilig sa simplebut elegant na shoes, clothes, and accessories..

So nag prepare na ako. 5 pm na, and our Party starts at 7. Madyo matagal pa naman, pero I have to prepare early para cillax lang ako mamaya.

I’m currently fixing my hair. Naka-bun ako. para neat tignan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ayan. Ang ganda ganda ko. Nyahaha :p pagbigyan nalang po.. last na to promise :D

Time check: 7:16 pm.. I’m late na. I’m on my way to school. Hinatid ako ng pinsan ko sa school at magkikita na kami ni Trish sa Field House andun na siya.

Pababa na ako ng kotse, *KRIINGG! KRIING!*  yung phone ko may tumatawag saakin.

“hello, best? Where are you? You are missing out all the fun.”

“I’m on my way na…..OUCH!”

Kung sinuswerte ka naman oh -_______-

Umiiyak na ako sa gilid. Nakaupo lang ako sa gilid ng gate. Nasa labas ako umiiyak. Wala na.

I texted Trish na baka hindi na ako makapunta, she’s been calling me, but I’m too frustrated para sagutin pa yung tawag niya.

Kung ikaw ba naman maputulan ng heels, masabit yung damit mo, at nasira yung buhok mo? Tsss. Buti nalang at di nadumihan or nasira yung damit ko…

“miss? Is there a problem?” may nagsalita at inabutan ako ng panyo. Tinignan ko siya ang ganda niya..  tulala nanaman ako. haaay..

“here let me” pinunasan niya yung luha ko. “I’m coleen by the way” she’s so pretty and so nice.  Muka siyang Barbie Doll ^____^

“uh, thanks. I’m Najima” kinuha ko yung panyo at ako na yung nag-punas ng luha ko.

“so why are you crying?” she asked. I just smiled.

“oh, so you’re suppose to be inside huh?, now I see. Here.” Inopen niya yung bag niya at may binigay saakin na Converse Shoes.

I gave her a questioning look.. eh kung sa di ko ma-gets kung bakit niya inaabot saakin yung converse niya eh..

“your dress is not that formal, so bagay naman kung partner-an mo siya ng shoes.” Sabi niya ng nakangiti.

“um.. Coleen hindi ko yata matatanggap yan.” Nakakahiya na kasi eh..

“I insist Najima. A pretty girl like you should be inside there” tinuro niya yung Field House. Kung saan nagaganap yung party. “and not here outside, masyado kang maganda para umiyak. Eto na oh. Isuot mo na, bagay naman sayo”

Dahan-dahan kong inalis yung heels ko at isinuot ko yung converse shoes niya. Hmmm. Come to think of it, mas mukang bagay pa yata to kesa sa heels eh ^_^ napangiti ako.

“you really are pretty.” Sabi niya saakin.

“Coleen, maraming salamat ha? Buti nalang nandiyan ka. Babawi ako sayo.. naku, sorry kung naabala ka pa ha? Pero hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya at na-inspire na pumasok ulit dun sa loob.”

“no problem girl. At hindi mo ako naabala. i just don’t want to see you crying na. but before you go, let’s fix your make-up. Irere-touch muna kita”

Ayun nga inayos niya yung make-up ko nilagyan niya ako ng light make-up. At inilugay niya yung hair ko. Medyo naging wavy yung hair ko dahil sa bun ko. Kumbaga parang kinulot pero konti lang? ahh basta yun. Tapos nilagyan niya ng spray net yug hair ko.

“there Najima, now go rock your night. And don’t forget to enjoy”

“wait, uhm. Would you like to come inside with me?”

“ah. That’s so kind of you Najima. Thanks but no thanks. May pupuntahan din kasi ako. napadaan lang ako dito sa school niyo. But we could hang-out some other time”

“ah sige.. salamat pala Coleen. I’ll make it up to you” at niyakap ko siya

We said our Goodbyes then nagpunta na ako sa field house.

Let Me Mend Your Broken Heart (editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon