CHAPTER11:

100 1 0
                                    

CHAPTER 11:

Dinala ako ni Kyle sa likod ng field house. Inaalalayan niya ako kasi naka-blindfold pa ako.

Andito na kami sa garden.. iniwan niya ako na mag-isa. Pero binilin niya naman ako na wag ko daw alisin yung blindfold sa mata ko. So hindi ko naman inalis. Since I trust him naman eh.

“Najima, you can now take that blindfold off” sabi niya.. pero bakit ganun? Wala naman  akong Makita.. ang dilim kasi eh :( I’m scared..

Nagulat nalang ako ng isa-isang nag-bukas ang ilaw. Ang ganda pala ng garden sa school namin kahit na gabi.. ang daming colorful lights. Ang ganda. Pati na rin yung fountain. Tapos mayroon mini stage sa gitna at may nag-iisang upuan doon malapit sa mini-stage. Pinaupo ako nung isang guy na hindi ko naman kilala pero cute din siya ^___^ anong kalokohan nanaman ito??

Si kyle nasa stage. Mag-isa lang niya. May hawak siyang guitar at nakaupo. He smiled at me and stared at me intently. Kumanta siya.

There are three words that I’ve been dying to say to you

Burns in my heart like a fire that ain’t goin’ out

There are three words and I want you to know they are true.

I need to let you know.

At nagulat ako dahil may mga batang may dala-dala ng roses. Isa-isa silang lumapit saakin at isa-isa rin nilang ibinigay saakin yungred roses .. aww ang cucute nila >.<

I wanna say I Love You

I wanna hold you tight,

I want your arms aroud me

And I want your lips on mine…

Lumapit siya saakin.. omygash. He is so cute. Lumapit siya saakin at ibinigay saakin yung nag-iisang white rose. Tapos hinawakan niya yung dalawang kamay ko..

I wanna say I Love you, but

Babe I’m terrified.

My hands are shaking, my heart is raising,

But it’s something I can’t hide, something I can’t deny, so here  go..

Baby I Love You

Natapos na yung kanta niya.. huhuhu.. na touch ako. eh kasi naman daw.. ngayon ko lang na feel na special ako.. si Alden nga never yata pinaramdam saakin na special ako e..

“why are you crying? Di mo ba nagustuhan?

“ofcourse nagustuhan ko. Infact , I Love it. I’ve never felt so special in my entire lfe” I said between my tears.

“that’s because your’e special to me Najima”

“kyle, salamat sa lahat-lahat ha? Ang dami ko nang utang sayo.. ni hindi pa nga ako nakakabawi doon sa isa, tapos magkakautang ng loob ulit ako sayo. Ilang beses mo na akong niligtas, inalagaan, tapos lagi pa kitang naabala.. nadadamay ka saakin..tapos, ah basta, salamat..” I hugged him.. he hugged me back.

“pero kyle, wala naman na yung mga tao oh? Nai-dedicate nyo naman na yung song niyo for Miss Tourism.. no need to do this, you’ve already done your part.tapos wala na din yung mga umaaway saakin, kaya tama na. hehe. Infairness..napaniwala mo ako na gusto mo ako. ang galing mo umarte”

“Naji, making ka, I planned this night. I knew that this was your school tapos plinano ko na ito simula nung napaki-usapan kami na mag perform sainyo.. as I have said earlier nga diba Naji, na kahit na hindi ikaw ang Miss Tourism, I would still sing to you.. at ito yun. I sang for you. Tapos hindi ako nag-kukunwari kanina na na gusto kita.. you really are special to me Najima.. if only you knew”

*kyle’s Pov*

“Naji, makinig ka, I planned this night. I knew that this was your school tapos plinano ko na ito simula nung napaki-usapan kami na mag perform sainyo.. as I have said earlier nga diba Naji, na kahit na hindi ikaw ang Miss Tourism, I would still sing to you.. at ito yun. I sang for you. Tapos hindi ako nag-kukunwari kanina na na gusto kita.. you really are special to me Najima.. if only you knew”

 I said to her. Totoo naman kasi eh.. nung nalaman ko na sa school ni Najima kami tutugtog, napaki-usapan ko sila Mike na gawin ito.. sa totoo lang nung una nanibago sila.. di naman kasi ako ganito eh.. sakanya lang..

“teka kyle, how did you know that I study here? I didn’t remember telling you my school”

“well, actually, bago tayo mag-kakilala, nag punta ako once sa school niyo.. since dito ko gusto mag study ng 2nd sem. And that very moment, I saw you.  Nag lalakad ka, papunta yata sa blg. Niyo halatang hirap na hirap ka pa nga sa heels mo eh. Pero I find it cute. And then, I caught myself smiling”

Haha guys, may aaminin ako sainyo. Pero wag niyo sabihin kay Najima ha? Actually, nung nakita ko siya totoo yung sinabi ko.. pero after na na caught ko yung sarili ko na nakangiti, madalas ko na siyang tinitignan.. madalas nga ako pumunta sa school para Makita siya eh..

Tapos tadhana nga naman oh, nung bigla niya akongnabunggo noong gabing yun.. sa totoo lang never ko naman inaasahan na makikilala ko siya eh.. kaya sobrang thankful ako.

Ilang beses ko talaga pinigilang yung nararamdaman ko pero tang ina! Di ko mapigilan.. alam ko naman na di pa pwede si Naji kahit gusto ko eh.. gustong gusto ko siyang ligawan, para maiparamdam ko sakanya na gusto at seryoso ako sakanya

“kyle, nga pala.. I think I like you.. I know na it’s all of a sudden, pero. I don’t expect you to like me back. I know that I am special naman pero I will never be the one.” Kiniss niya ako sa cheecks at tumakbo..

Hinabol ko siya pero wala eh..

Hindi ko na talaga maintindihan..

Let Me Mend Your Broken Heart (editing process)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon