Kath's POV
Pagkarating namin sa bahay namin dito sa Korea pinaupo ako agad ni mama sa sofa.pati si papa nakiupo narin at hinihintay ang sasabihin ko.natatakot ako.bakit?kase Hindi naman nila alam na may boyfriend ako eh!si Kuya lang ang nakakaalam at sinabi ko sakanya na secret lang namin yunTT_TT
natatakot ako baka kase pag sinabi ko pilitin nila akong hiwalayan si dj,bata pa daw kase ako at pag college lang ako pwedeng mag boyfriend.tinignan ko sila ni mama.
"Ma,pa.Wag kayong magagalit ha?" Paninigurado ko sakanila
"Yes sweety basta sabihin mo samin kung ano lahat ng nangyare." Ngumiti ako saka tumango
"Niloko po kase ako ng boyfriend ko" Pag uumpisa ko at tinignan ko si papa at halata mong nagpipigil siya ng galit ,nung nalaman niyang nakatingin ako sakanya,kumalma siya at nagsalita
"Continue"
"Tas ayon po ,nalaman ko po na nung mga panahon na kami,sila din po pala ni Julia,yung ex best friend ko po" bago ko pa matuloy yung sasabihin ko,nagsalita si daddy
"So?you mean pinagsabay niya kayo ni Julia?" tumango ako
"tapos si Julia inahas niya sayo si DJ?" Tumango ako
"Ganun na nga po "
"Okay continue "
"Tapos po isang araw..................." Pagkatapos kung sabihin yun,nagpipigil ng galit si papa at si mama naman pilit pinapakalma ang sarili
"Give me the full name of that asshole!" Galit na Sigaw ni dad
"Daniel john ford Estrada Padilla po "
"What?Padilla?" Nagkatinginan sila ni daddy tapos napangiti
" oh!kompanya pala nila yung pinag iinvest -an namin ng papa mo ..so?we can pull out at tuluyan ng malulugi ang kompanya nila at ng sa ganun nakabawi kanarin sweety" sabi ni mama at napangiti
"No ma !" Napakunot naman ang noo nila
"Let the karma hit them ma!and their karma is me " sabi ko at ngumiti
"Pa ,pwedeng patingin nung mga pinag iinvest-an natin ?" Tanong ko
Kay papa"Sure sweety" sabi ni papa at may kinuha siya sa briefcase niya at binigay sakin
LIST
1. PADILLA GROUP OF COMPANY
2.MONTES GROUP OF COMPANY
3.GOTCHICO GROUP OF COMPANY
4.GIRI GROUP OF COMPANY
5.KABE GROUP OF COMPANY
6.FORTEZA GROUP OF COMPANY
7.BINENE GROUP OF COMPANY
8.CASADO GROUP OF COMPANYoh!perfect!tamang tama ,wala na akong pakielam dun sa iba .
Binigay ko Kay papa yung listahan"Tamang tama pa!" Sabi ko
"You mean..."
"Yes dad! Group hug!" Sabi ko at nakipag group hug .
-
Naisipan kung maglibot dito sa Korea para narin masanay na ako kase baka 2 years ako dito.dito ko na rin ipagpapatuloy ang pag aaral ko eh.naisipan kung sa mall nalang .
Pagkarating ko sa mall ,pinagtitinginan ako ng mga tao.tss.ngayon lang ba sila nakakita ng pangit?hahaha inaamin ko at Hindi ko ikinakahiya yun.habang naglalakad ako may babae na may kinukuha sa bag niya,umiwas ako pero umiwas din siya kaya ayun nagkabungguan kami.aish!"Aray!" Sabi ko at napaupo,tinulungan naman ako nung babae
"Sorry miss " sabi niya
"Hindi,ayos lang " sabi ko at aalis na Sana ng nagsalita siya
"Pilipino ka!?" Sigaw niya kaya pinagtitinginan kami ng mga tao dito,tumingin ako sa kanya at tumango ,aalis na sana ako ng hilahin niya ako
"Halika!samahan mo nalang ako ,tutal bago Ka lang naman dito ,ipapasyal na lang kita!" Hyper niyang sabi at kumapit siya sa braso ko
"Sandali lang miss! Nakakahiya naman sayo ,ang ganda ganda mo tapos ako pa ang sinamahan mo " sabi ko ng nahihiya
"Ano kaba!Hindi ako maarte noh!tsaka Hindi naman problema yang mukha mo eh ,kaya kitang pagandahin noh " sabi niya
"Hmm sige na nga ! Tara saan ba tayo pupunta?" Tanong ko
"Sa mga kaibigan ko" bago pa ako makapagsalita hinila na niya ako papasok ng isang restaurant .kinawayan niya yung dalawang babae tapos pumunta kami doon..
"Who is she?" Maarteng tanong nung babaeng may bangs na napatayo pa
"Janella bawasan mo nga yang pagkaarte mo!" Inis naman na sabi nung babaeng simple at walang kolorete ang mukha
"TSS.whatever!"sabi nung janella 'daw' saka nagtawag ng waiter
"What can I do for you ma'am ?" Tanong nung waiter.tinignan naman siya ni janella at nagsalita
"Can you pull the chair for me?" What?nagtawag lang siya ng waiter para lang ipag guyod siya ng upuan?whatta brat ! Sinunod naman siya yung waiter saka umalis ,Hindi man lang siya nag thank you.kapal -.-
"Girl !umupo kana ,kanina Ka pa nakatayo diyan " sabi nung babae na nagdala saken dito,Hindi ko pa alam ang pangalan eh .
"We introduce ourself first ! I'm Liza soberano " sabi nung babaeng humila saken
"Janella 'the pretty' Salvador here!"yung maarte -.-
"Miles Ocampo the kind here!" Sabi niya at tumingin Kay janella.
"Ikaw?" Tanong ni Liza
"Hmm Kathryn chandria Manuel bernardo is the name " sabi ko at nanlaki naman ang mata nila
"So ikaw ang anak nung no.1 elite sa buong Asia?" Tanong ni janella kaya tumango ako
"Ano naman ang reason mo bakit Ka napadpad dito?" -miles ,napasimangot naman ako.
"Kase ...." Kinuwento ko lahat sakanila ang nangyare
"Tutal mag best friends na naman tayo tutulungan Ka namin na magbago"
"Talaga?"
"Yes!" Sabay sabay nilang sabi
"Sabi nga ni duterte ,CHANGE IS COMING ,at sa pagbabago mo,magbabago din ang lahat " sabi ni miles
"So Tara na't umpisahan ang make over". Sabi ni janella
BINABASA MO ANG
BERNARDO SERIES I :Shes Back With Her Revenge(completed)(unedited)
RomanceDefine nerd.,isang katawa tawa at palaging pinagti-tripan sa school.yung feeling na papasok Ka e palagi silang nakaabang sayo.yung feeling na palagi kang center of attraction sa campus niyo?yung feeling na kakatapak mo palang sa gate ng university a...