Chapter 3

6.5K 140 28
                                    

FRANCE POV

"Still lonely?"

Taas ang kilay ko siyang tiningnan at nag cross arm sa harap niya. Seryoso niya naman akong tiningnan pabalik.


"What are you doing here again?" ngumisi naman siya at nilapitan ako. "I missed you" inis kong tinanggal ang braso niyang inilagay sa balikat ko.


"Ang suplado mo naman, Hindi na ikaw yung France na mabait at baliw na baliw sakin" sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. Dati yun daniella, hindi na ikaw ang kinakabaliwan ko ngayon.


"Sorry, galit ka kaagad e. Gusto lang kita kamustahin" sumandal siya sa desk ko habang pinapasadahan niya ng kamay yung pangalan ko nakalagay sa harap ng desk.


"Kamusta buhay CEO? Mukhang ang laki ng pinagbago mo ng magkaroon kayo ng anak ni kath" Ibinaba ko ang hawak kong files at napatingin sa relos ko. Hapon na pala.



"Tsk, Fine kung ayaw mokong kausapin" sabi niya parang naiirita. Bakit kasi pinapasok pa ito sa office ko? Ipaban ko kaya ito. She's f*cking irritating me. Halos araw araw nalang nandito siya sa office ko. Sinamaan ko lang siya ng titig pero ginantihan niya lang yun ng maaliwalas na ngiti kaya nag iwas na lang ako ng tingin sa ibang direksyon.


"You don't need to burn out yourself and work too hard just to forget your wife france, Look at yourself! Ang laki na ng pinayat mo, and your eyebags? Dinaig mo pa kaming mga babae" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya saka tumikhim. I'm not doing these just to forget my wife. Kailanman hindi ko siya kinalimutan. I smiled bitterly. I really missed her.


Narinig ko siyang bumuntong hininga, mukhang nahalata na niya talaga ayoko siyang kausapin. I always avoiding her na matagal ko na dapat ginawa.

"Hindi na ako umaasang babalik ka pa sakin, pero sa tingin mo ba kung buhay talaga si hailey at nakitang ganyan itsura mo. Babalikan ka pa niya sa itsura mong yan?" Bakit ano bang itsura ko? Mahaba ang buhok, may balbas at malaking eyebags. Hindi na ako yung tulad ng dati importante sakin anong itsura ko, dapat palagi akong gwapo.

Nanatili pa din akong tahimik at tumitig lang ako sa opisina saka pinagmasdan ang overlooking view na mga damo at puno at pinagmasdan ang araw na papalubog. Maya maya at nilingon ko na siya "Sige this time susundin ko ang sinabi mo. Hindi para sayo kundi para kay hailey."


"Well, Bakit pa ako mag-eexpect sayo para sakin ka magpapagwapo hahaha, nevermind. So we're friends na" masayang sabi nito. Napakunot noo ako sa sinabi niya, mukhang nakamove on na siya sa akin, That's Good.


"I'll think abo---" naputol ang sasabihin ko nang pumasok yung mga kumag kong mga kaibigan sa opisina ko.


"Arayyyy! Bakit kaba nanunulak!?" tinulak isa isa ni Kurt ang mga kasamang nasa tabi niya.


"Putek yung kamay ko naipit niyo na!" iretableng sabi ni axel. Napaface palm ako, sabay sabay ba naman silang 5 pagpasok sa pinto ng office akala mo naman ang papayat nila para magkasya siya dun.



Napatigil sila sa pag-iingay ng makita nila kaming dalawa ni daniella. Nakangiting kumaway sa kanila si daniella, tanging si kurt lang yung kumaway pabalik sa kanya. Yung iba masamang nakatingin samin.


"Anong ginagawa niyan dito?" tanong ni vince.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, yung position ni vince ngayon ay parang susugurin na niya si daniella. Si daniella naman naka crossed arms.


"Masama bang bisitahin ang ex boyfriend ko?" nakangising tanong niya na mas lalong kinasama ni vince ng tingin.


"Bisitahin? Are you joking?" sarkastikong tanong niya pabalik.


Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon