Chapter 46

3.4K 66 3
                                    

ZAYN POV

Kasalukuyan kaming nagtititigan ngayon ni France. Pumunta lang ba siya dito para tititigan ang kagwapuhan ko? Tskk. Sabi ko na nga ba may gusto itong pinsan ko sakin e. Hahaha.



"Uy! France wag mo naman tunawin mukha ko" pang-aasar ko kay France.



Kumuha ako ng tubig sa ref saka nagsalin sa baso. Sh*t ang sakit ng ulo ko. Ba't kasi ang dami kong ininom kagabi. Mabilis kong ininom yung tubig nasa baso at humarap kay France.



Napakamot naman siya sa ulo niya. Kunot noong tiningnan ko siya. May sasabihin ba ito?




"May sasabihin kaba?" Napakamot ng ulo ulit si France bago sumagot.



"Aalis tayo, mamayang 4pm. Pinakuha ko na si Zaynier ng flight papuntang korea. 6pm ang flight natin." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Tiningnan ko yung wrist watch ko. Sh*t 1pm na. Tapos ngayon niya lang sasabihin sakin? Wtf!! May hang-over pa ako tas hindi pa ako nakahanda ni isang gamit ko!!.




"Seryoso kaba? Sh*t wala ka man lang hang-over? Ipabukas mo nalang!" reklamo ko sakanya.




"Nagsabi na akong tatlong araw lang kami mags'stay ni Hailey dito. Kung gusto mo maiwan k---" Hindi ko siya pinatapos yung sasabihin niya nang takpan ko bunganga niya. Hindi ako magpapa-iwan dito!!





"Ughh! Hindi ako magpapa-iwan dito. Maswerte ka wala kang hang-over!"





"Hehe. Sorry na kung ngayon ko lang nasabi sayo. Maghanda kana" Sabi niya habang tinatapik tapik ang likod ko.




Bumuga ako ng malakas na hangin habang nakapamewang na nakatingin sa taong naglalakad palayo sakin. Ang sarap itapon talaga 'to sa dagat e gawin kong pagkain nang mga pating.




Dumiretsyo na ako kaagad sa kwarto ko at naghanda na mabuti na lang medyo may naimpake nako dahil lagi ako out of town noong artista pa ako. Nagquit nako dahil hindi naman 'iyon ang gusto ko. Ang gusto ko kasi maging isang doktor kaso hindi ako pinalad kaya sa pagiging artist ang bagsak ko. 4 years din ako sa pagaartist. Mabuti na lang france save my life hahahaha. Kung hindi sila dumating dito hindi ako makakaalis sa pag-aartista.




Stop na nga pagkwento ko. Okay na siguro itong inimpake ko. Tatlong maleta tapos 2 sports bag. Bibili nalang ako kapag nagkulang. Tumingin ako sa wristwatch ko may 2 hours pa ako. Mag-aaral nalang muna ako nang salita ng mga Korea pagkatapos kong maligo.

********

HAILEY POV

Nakita ko si France pinapasok ang mga damit namin sa bag na binili niya kahapon, pagkatapos ko maligo. Ang sabi niya kasi mamamasyal kami pero ba't siya nag-iimpake?





"Aalis na tayo?" Tanong ko sakanya




"Ah! Hindi wifey. Diba mamamasyal pa tayo"




"Oo. pero bakit ka nag-iimpake ng gamit natin?"





"Hmmm. Secret wifey ko. Basta mamaya malalaman mo din" Sabi niya sakin sabay pumunta sa likod ko at niyakap ako. Naramdaman ko hinahalikan ni France ang batok ko.





"Hmmm" Ungol ko. Binuhat niya ako papuntang kama. Inilapag niya ako sa kama at ibinuka ang aking mga hita.





Pumunta siya sa harap ko. We were kissing passionately until we are out of air.




Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon