Chapter 15

4.4K 99 3
                                    

HAILEY POV

Nagising ako sa lamig na nararamdaman ko. I slowly open my eyes and my vision was not clear and i could see just the light. I blinked my eyes twice and roamed my eyes everywhere.




Nasaan ako? Ang huli ko lang naalala may yumakap saaking lalaki after that wala na akong maalala.





"Good morning" Masayang bati nung lalaki, He is smiling widely, yung ngiti na nakakahawa pero hindi ako napangiti.




Nilibot ko paningin ko sa buong paligid hindi pamilyar sakin yung lugar. Umupo ako.




"Nasaan tayo?" Tanong ko.




"Nasa batangas. Hindi mo naba matandaan ang interior? Mansyon mo ito" sabi niya





Mansyon ko? Kelan pa ako nagkamansyon? Tsaka mayaman pala ako? Dito ko ba pinunta ang pera ni Ranz? Kaya tinatawag akong gold digger ng lola niya. Dahil ang kwento sakin ni Ranz lumaki ako sa bahay ampunan.





"Kumain ka muna. Kagabi kapa kase hindi kumakain" sabi niya ulit at nilapag nito ang hawak-hawak nitong tray sa ibabaw nang kama.




"Salamat. Ano pala ginagawa ko dito?" nahihiyang kong tanong. Wala talaga akong matandaan anong nangyari kagabi.





"Dinala kita dito nung nahimatay ka" sagot nito at marahan itong umupo sa gilid ng kama kung saan ako nakaupo.





"Ikaw si Freen diba? Yung nakilala ng anak kong si Rain" Sabi ko. Kumunot naman ang kanyang noo.






"Who's Freen? France Sanchez ang pangalan ko" Tiningnan niya ako sa aking mga mata at pagkatapos nagpakawala siya nang isang malalim na buntong hininga.






Ibig sabihin nagsinungaling sakin si Lola Rhea, pero bakit kailangan niya pa palitan niya ang pangalan ni France saakin?






"Bakit moko dinala dito? Kailangan ko nang umuwi baka hinahanap na ako ni Ranz" natataranta kong sabi sakanya at tumayo sa kama.






"Hindi tayo makakaalis kaagad" kumunot ang noo ko sa sinabi niya "Bakit?"





"Malakas ang ulan sa labas, Haba na din sa paligid. May malakas na bagyo kasing parating" Tumingin ako labas ng bintana. Malakas nga ang ulan sa labas. Paano ako makakauwi nito bakit kase dinala niya ako dito.





Ayokong magalit sakanya baka kung anong gawin niya sakin lalo na hindi ko siya kilala kapag nagalit ako. Papalipasan ko nalang siguro itong bagyo wala na din naman akong magagawa kundi magstay dito dahil hindi din kami makakaalis.






"May cellphone ka bang dala?" Tanong ko sakanya





"Wala. Naiwan ko sa bahay ko" maikling sagot niya.





I sighed. Baka nag-alala na sila sakin, Bakit kase may pahimatay effect pa ako edi ayan tuloy nakidnap ka. Pero Infairness gwapo naman ng kidnapper ko hahaha. Napailing na lang ako sa sarili ko dahil sa kung ano ano pumapasok sa utak ko.





Mabait naman siya tsaka mukhang hindi naman siya gagawa ng masama. Tahimik lang siyang nakatingin sakin. Umupo na ako ng maayos at nagsimula ng kainin yung hinanda niya para sakin, nakaramdam na din kase ako ng gutom, wala naman sigurong lason ito. Hanggang sa matapos akong kumain ay tahimik pa din siya nakaupo sa tapat ko medyo naiilang na ako.





Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon