Chapter 1

10.4K 156 24
                                    

FRANCE POV

"Manang pakihatid naman sa school si pearl, Malalate na kase ako sa trabaho" utos ko kay manang habang inaayos tie ko

Nakita ko naman paglapit sakin ni pearl

"Daddy, hindi mo nanaman ba ako ihahatid? 2 weeks na po kayong busy lagi sa trabaho" Nakayukong sambit sakin ni pearl.

Lumapit ako sa kanya at nagbend para magkasing tanggad lang kami.

"Medyo busy lang sa work si Daddy, okay? Babawi na lang ako sa susunod."

"Sige po daddy, pwedeng si tito axel na lang po maghatid sakin" pakiusap niya sakin, medyo malapit ang loob niya kay axel dahil palaging siya ang nakakasama nito habang busy ako sa trabaho. Napabuntong hininga na lang ako. Saka tinext si Axel para ihatid si pearl sa school. Alam kong hindi yung makakahindi kapag si pearl ang nagsabi.

"Okay baby, wait mo na lang dito si Tito Axel mo ha? Aalis na si Daddy. Take care always" sabi ko sabay hinalikan siya sa noo.

Apat na taon ang nakalipas, hindi ko maipagkakailang naging malungkot at masaya ako sa mga panahon na yun, may pagkakataong nasasaktan ako at nawawalan nang pag-asa pero heto pa rin ako at lumalaban.

Nagiging masaya ako dahil kay pearl at sa mga kaibigan kong palagi nandiyan sa tabi ko. Nakakabakla man pakinggan pero sila ang ginagawa kong happy pills ko, at lakas ko para lumaban.

Pinahanap ko din sa ibang lugar ang tatay ni pearl pero ni isang information niya walang nakita. Tanging nag-ngangalang Lance Park lang nakita nila.

Pinaandar ko na yung kotse at nagdrive papunta sa office ko, Sa akin na pala pinamana ang kompanya ni daddy ginawa na niya akong Ceo, kaya tumigil na ako sa trabaho kong architect, at nagfocus na lang sa kompanya namin ni daddy.

"Good morning sir"

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinapansin ang mga bumabati sa kin.

"Sir, you'll be having a meeting later, 2pm with Mr. Mendez" sabi ng sekretarya ko.

"How long will it take?" umupo na ako sa swivel chair ko nang makarating kami sa opisina ko.

"Sir, 2 to 3 hours, depende po kung saan po matatapos" she answered.


"Cancel it" utos ko.

Nalilito niya ako agad tiningnan. "Sir, these are your major clients. Kapag pinaka-cancel natin, Malaki po ang magigi--"

Tiningnan ko na siya nang diretsyo. "Do i have to say it again?" malamig kong tanong.


"Sorry sir, I'll tell your decision on them"

Habang nagbabasa ako ay nakarinig ako ng katok "Come in" Utos ko na sinunod naman nung kumatok, Nangunot yung noo ko nang pumasok sekretarya ko ulit na hinihingal.

"Sir"

"What is it?" cold na tanong ko sa kanya. Ganito na ako simula nung nawala si hailey sa buhay ko.

"Miss Daniella want to see you now" nauutal na sabi nito, Anong ginagawa niya dito?

"Tell her, I'm busy"

"Nasa labas na po siya nang office niyo"

"Tsk, Let her in" walang gana sabi ko, Lumabas naman agad secretary ko at agad pumasok si Ella sa opisina ko, Napahilot ako ng sentido habang pinagmamasdan siyang naglalakad papalapit sa akin.

Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon