HAILEY POV
I just wanna fall asleep right now and forget everything happened. Gusto kong sa pagpikit ng mga mata ko, mawala ang sakit sa dibdib ko at sana paggising ko limot ko na ang lahat. Pwede ba yon? Pwede bang maging manhid muna?
Pagsarado ko nang pintuan, napaupo agad ako sa gilid ng kama hinihigaan ni Zayn. Para akong nawalan ng lakas nang katawan nang umalis si Ranz. Alam kong tama ang aking ginawa pero bakit nalulungkot ako? Feeling ko ang sama kong tao dahil hindi ko inisip noon na baka prinoprotektahan lang niya ako. Hindi niya gustong gawin ang mga bagay na nangyari samin ngayon. Sana kahit sa saglit na panahon naibalik ko ang pagmamahal niya sakin. Gusto ko sana siyang manatili sa tabi ko at maging kaibigan ko pero alam kong kailangan niya munang space para makalimutan yung sakit na binigay ko sakanya.
"Hailey?" Napatigil ako sa pag-iisip nang tawagin ni Zayn ang pangalan ko.
"Zayn. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Hinawakan ko ang buhok niya at hinaplos ito.
"Ayos na ako. Wag kana mag-alala" Nakangiting sabi niya.
"Pinag-alala mo ako. Alam mo ba 'yon? Ang hilig mong magligtas nang ibang tao. Hindi mo man lang isipin ang sarili mo."
"H-hindi ka ibang tao Hailey, asawa ka ng pinsan ko. At Sorry for making you worried." Nanghihina pang sagot niya sa akin.
"It's okay. Sa susunod wag munang gagawin iyon ha?" Tumayo ako mula sa kama para ayusin yung kakainin niya. Nakita ko naman siyang nilibot ang tingin sa paligid na tila may hinahanap.
"Nasaan si Ranz? Tinamaan rin ba siya?" Nag-aalalang tanong niya. Pilit akong ngumiti, at iniwas nalang yung tingin ko sakanya.
"Nagugutom ka ba, Zayn? Anong gusto mong kainin?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Hailey? Alam kong galit ka kay Ranz, pero sana man lang hinintay mo siyang mag-explain sayo. Gusto ko siyang makita, dalhin mo ako sa kanya." Nagsimula itong tanggalin ang mga nakakabit na makina sa kanya.
"Alam ko na ang lahat, Zayn. Nagkausap na rin kami. Hindi mo na rin siya makakausap ngayon dahil umalis na siya. Hindi ko na alam kung nasaan na siya o baka umalis na siya ng bansa." Mahinang sabi ko sakanya. Natigilan naman siya sa pagtanggal ng dextrose niya.
"Okay. So when can I go home?" Diretsyong tanong niya. Kakagising niya lang. Uuwi na agad? Gusto ko rin naman umuwi pero hindi pa nga magaling yung sugat niya e. Sabi sakin kanina nung doctor kailangan niya magpahinga dito. Ako pwede na raw akong madischarge dahil ayos na ang sugat ko pero sinabi kong manatili muna rito para samahan si Zayn. Sa ngayon kasi hindi ko alam kung saan ako tutuloy, nakakahiya naman kasing bumalik ako sa kinuhang room ni Ranz para sa amin. Feeling ko kasi ang kapal na nang mukha ko pagkatapos ko siyang saktan e, sa kanya parin ako lalapit. Siya na nga ang nagbayad dito sa hospital e.
"Kumain ka muna baka nagugutom ka na" Sabi ko sakanya at ipinatong sa side table yung pagkain niya.
"Subuan mo'ko" Sabi niya saka ngumanga. Napasimangot akong tiningnan siya. Aba sinuswerte siya ha.
Tiningnan ko siyang mabuti habang ngiting-ngiti itong ngumunguya ng pagkain na isinubo ko sa kanya.
"Ang alam ko, tagiliran ang tinamaan nang baril sayo at hindi ang mga kamay mo."
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETE
General FictionBook 2 of My Sex Slave is My Wife "Hurt me with the trust but never comfort me with a lie" -Hailey