FRANCE POV
Maaga akong nagising. Tulog pa si Hailey. She's really an angel, at hindi ako makakapayag na maghiwalay kami all because of Ranz and Maine. Kahit anong gawin nila, hindi sila magtatagumpay.
Lalo na't alam na niya kung nasaan ang anak namin, hindi na ako makapaghintay na mayakap siya. Kahit mabigat sa loob ko ang paglihim sakin ni Hailey na buhay ang anak namin ay isinantabi ko nalang dahil kasalanan ko din kung ba't niya iyon nilihim. Ginawa niya 'yon para maprotekhan ang anak namin.
"Good morning!" She smiled, ang ngiting nagpapasama sa araw ko. I hugged her tight.
"Baka naman gusto mong luwag-luwagan 'yang yakap mo. Hindi ako makahinga naman" Biro niya sakin.
"Good morning Mommy and Daddy!" Nagulat kaming parehas nang tumalon sa gitna namin si Pearl na bagong gising din. Parehas kaming natawa.
"Daddy, Ngayon na natin pupuntahan yung kapatid ko diba?" Nakangiting tanong niya samin. Dahan-dahan naman sinuklay ni Hailey yung buhok ni Pearl gamit mga daliri niya. "Yes, Baby!"
"Yes! Sige po Mommy. Maliligo napo ako para makapaghanda na tayo. Excited napo akong makita siya" Sabi nito at pumasok na sa loob ng banyo. Halatang excited nga siya. Inexplain ko na din sakanya na may anak kami ni Hailey, Tanggap naman niya ito. Wala naman daw kaso sakanya kung may kapatid man siya kahit hindi sila parehas nang nanay, basta magkadugo sila. Ayokong sabihin sakanya na hindi ko siya tunay na anak. Masyado pa siyang bata, kapag lumaki na siya duon ko nalang sasabihin.
"Matagal maligo si Pearl, baka naman love" Sabi ko sakanya. Tapos I kissed her and we made love again.
*************
Tanghali na nang makaalis kami sa hotel, hindi naman medyo kalayuan yung pupuntahan namin. Habang nasa sasakyan at tinatahak namin ang daan papunta sa bahay kung nasaan ang anak namin ay panay ang silip at sulyap ko sakanya. Tahimik lang siya nakamasid duon sa labas nang bintana. Si Pearl naman ay busying naglalaro sa ipad niya.
Nag'play ako nang song para hindi ganoon katahimik dito sa loob ng sasakyan. Para kahit paano ay maalis kabang nararamdaman namin.
"Akala ko ba ayaw mo sa malakas na tugtog?" tanong ni Hailey. Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Ito kase ginagawa ko pang-paalis nang stress o kaya naman pampalipas nang oras.
"Pampalipas lang ng o----" napatapak ako nang mabuti sa preno nang may batang tumawid sa kalsada. Tiningnan ko muna sila Hailey at Pearl, Halatang nagulat sila, Mahigpit ang kapit nila sa upuan, mabuti na lang nakaseatbelt sila.
"Ano ba France!? Mag-ingat ka naman" Hindi ko nalang iyon pinansin. Lumabas ako para tiningnan yung bata, lumapit ako at tinulungan siyang tumayo. Nakahinga ako nang maluwag nang wala siyang galos.
Pinunasan ko yung luha niya pero patuloy padin siya sa pag-iyak.
"OH MY GOD!" Sigaw ni Hailey pagkababa niya sa kotse at lumapit sa bata.
"MOMMY! MOMMY!" Wala sa sariling natuod ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko yung boses nung bata. Ganun din si Hailey napatigil din siya dahil sa gulat.
"Are you okay? Dadalhin ka namin sa hospital, para mapacheck kita" sabi ko nang makabawi ako sa pagkagulat, pero hindi ako sinagot ng bata sa halip ay umiyak lang siya ng umiyak at lumapit kay Hailey nakatulala padin.
Napatitig ako sakanilang dalawa. Parang may mainit na humaplos sa puso ko nang makita ko silang dalawa magkaharap. Nakita kong niyakap nang mahigpit yung batang lalaki.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETE
General FictionBook 2 of My Sex Slave is My Wife "Hurt me with the trust but never comfort me with a lie" -Hailey