Chapter 5

5.9K 125 22
                                    

FRANCE POV

Nagising ako sa mumunting sinag ng araw na galing sa labas ng bintana ko. Napangiti ako sa nangyari kagabi. Finally! makakasama ko na si Hailey.

Napatingin ako sa aking tabi. Wala na siya dito sa tabi ko. Binuhat ko ang aking sarili at bumangon.


Pinakinggan ko ang buong kwarto at wala man lang akong naririnig na kahit na anong ragasa ng tubig.


"Hailey?" banggit ko sa pangalan niya, nagbabasakaling nasa walk in closet ko siya. Luminga-linga pa ako sa paligid pero wala rin siya roon. Napamura ako nang malutong sa isip ko. Panaginip lang ba yung kagabi? Wala talaga si Hailey?


Patakbo akong bumaba sa salas. Nararamdaman ko ang pagkalungkot sa buong sistema ko. Hindi talaga bumalik si hailey samin? Umasa lang ba ako? Hindi totoo yung nangyari kagabi? Sh*t! Sana hindi muna ako gumising para makasama ko pa siya ng matagal.


Panay ang paglinga ko sa buong bahay. Wala talagang bakas ni hailey nandito siya.



"Daddy?" tawag sakin ni pearl habang nakatayo sa harapan ko. Wala sa sarili akong napaupo sa coach. Nawalan ulit ako ng pag-asa akala ko ay sasaya na ako.



"What happened daddy?" Tanong sakin ni pearl habang nakacrossed arm.


"Akala ko totoo na. Panaginip lang pala" napakunot ang noo niya sa sinabi ko. Napapikit ako at mahinang umiyak. Hanggang sa panaginip ko na lang talaga makikita si hailey.


"Daddy?" You can do it, France. Wag mong ipakita sa anak mo na mahina ka na iyakin kang tao. Pinunasan ko muna ang luha ko at lumunok bago magsalita pero pag-angat ko ng tingin ay wala na duon sa harapan ko si pearl. Nananaginip nanaman ba ako? Sh*t! Hindi na ako natutuwa.


"Gusto ko nang gumising!" sigaw ko at pinagsasampal ang sarili ko, napatigil ako ng maramdaman kong may pumigil sa kaliwa kong kamay.


"What happened to you france? Are you f*cking crazy?" Natulala ako ng marinig ko ulit ang boses na yun, Hindi ako nagsayang ng oras at agad na nilingon ang pinagmulan ng tinig.



Naramdaman ako ng muling pagkabuhay ng buong pagkatao nang dumapo ang kamay niya sa mukha ko  hinahaplos niya at nakatitig sakin.


"You're really alive"


"Ano bang nangyayari sayo? Malamang buhay ako at nakikita mo ako ngayon. Tsaka kagabi pa tayo magkasama"



So, Hindi talaga panaginip yung nangyari kagabi? Totoo talagang bumalik siya. Agaran ko siyang niyakap ng sobrang higpit kahit medyo nagbago ang itsura ni hailey, alam kong siya ang babaeng mahal na mahal ko.



"Akala ko panaginip lang yung kagabi, Wala ka kase sa tabi ko pagkagising ko" pag-amin ko.



"Sorry kung hindi na kita ginising. Mukha kaseng pagod kaya hinayaan muna kitang matulog" Napangiti ako sa sinabi niya, wala parin pinagbago ang mahal ko.



"France, nagugutom na kami ni Pearl. Tara na may inuluto na akong pagkain" sabi niya sakin nang maghiwalay kami sa pagkayakap. Hindi ko pinalampas ang unang pagsasabay naming tatlo sa pagkain ng breakfast.




"Daddy, can we go out later? Sabi ni tita maganda daw mamasyal ngayon sa park"


Napatingin ako kay Hailey na agad nag-iwas ng tingin habang nagngunguya ng pagkain niya. Napangiti ako dahil mukhang magkakasundo sila agad ni pearl.


Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon