HAILEY POV
When I opened my eyes. I saw France worried face.
"Hailey! Thanks God you're awake" He said.
"Anong nangyari?" Tanong ko sabay hawak sa noo kong may benda.
"Kumikirot parin ba?" Nag-aalalang tanong niya. I nodded. Medyo makirot pa.
"Tatawagin ko lang saglit yung doctor" He said then left me inside the hospital suite. Dumating naman si Axel na may dalang pagkain, ngumiti muna siya sakin bago ito nilagay sa side table.
"Mabuti na lang nagising ka Hailey. Tatlong araw kana rin walang malay. Hindi mo lang alam kung gaano nag-alala si France dahil hindi kapa nagigising" sabi ni Axel at marahan itong umupo sa stool na katabi lang nang kama kung saan ako nakahiga.
Napakagat labi na lamang ako nang maalala ko na ang nangyari bago ako mawalan ng malay. Nagkita silang tatlo. Axel, france at ranz. Napalunok ako when i remembered how angry france was. Galit na galit siya. Parang siyang naagawan ng sobrang importante sakanya. Kulang nalang mapatay na niya si Ranz sa pagbubugbog nito.
Speaking of Ranz.. Bakit wala siya dito?
"Axel, Si Ranz? Nasaan siya?" tanong ko sakanya. Tiningnan ako ni Axel sa aking mga mata at pagkatapos nagpakawala siya nang isang malalim na buntong hininga.
"Nasa kabilang kwarto siya. Bugbog sarado siya" sagot nito na siyang ikinagulat ko. Tatayo na sana ako nang bumalik si France na kasama na niya ang doctor. The doctor examined me. Ilang minutong lumipas sa pagexamined sakin ay okay lang naman iyong result ng test na ginawa sa akin. Pwede na nga daw akong umuwi bukas pero dahil may pagkakulit si France, magstay muna daw akong dalawang araw dito para mamonitor ang kalagayan ko.
"Hindi mo siya masisisi kung bakit siya ganyan sayo dahil ayaw niyang maulit ang dati" Mahinang sabi sakin ni Axel nasa tabi ko nagbabalat nang mansanas. Nalilito man ako sa inaasal ni France pero deep inside masaya ako dahil iniisip niya parin ang kalagayan ko kahit nasaktan ko siya.
Pero alam kong mali padin ito.. Dapat magalit ako sakanila dahil binugbog nila ang asawa ko at nasa hospital siya ngayon. At isa pa natatakot ako sa pwedeng mangyari ulit kapag malaman ni Ranz iyong ginawa ko habang magkasama kami ni France. I know he will be mad at me pero wala naman akong magagawa dahil deserve ko iyon.
Nabalik na lamang ako sa realidad nang umupo si France sa tabi ko at tumingin sa akin.
"I'm so sorry hailey, hindi ko sinasadyang maitulak ka. I'm sorry for everything" He held my hand and gently squeeze it. Sa ginawa niya parang gumaan ang pakiramdam ko. "Alam kong galit ka at hindi mo pa ako matandaan pero walang araw na hindi ko pinag-sisihan mga panahong sinasaktan kita at binalewala ka buhay ko" kita ko itong napalunok. Kitang kita ko ang pag galaw nang kanyang adams apple na sanhi mapatitig pa ako sakanya lalo. "Hinayaan kitang umalis ka sa buhay ko noon pero ngayon hinding hindi na ako papayag umalis ka ulit. Kahit itakwil at saktan mo ako nang paulit uliit. Okay lang sa akin"
"Wala akong pakielam kung may asawa ka man. Kahit magmukha man akong kabit mo, gagawa ako ng paraan hanggang sa maalala mo ako. Hayaan lang akong pumasok ulit sa buhay mo" Sa bawat katagang binitiwan niya may naramdaman akong lungkot at kirot sa aking puso. Handa siyang mag-mukhang kabit para lamang maalala ko siya. Ano bang pumapasok sa utak niya? Hindi ko kayang pagtaksilan ang asawa ko. Tama na ang isang beses may nangyari saamin ayokong maulit pa ulit iyon.
"I love you Hailey" He said and hold my both cheeks with his bare hands. Wala akong magawa kundi tingnan lamang siya. Nangungusap nanaman ang mga mata niya at nagmamakaawa.
Litong lito na ako. Help me guys....
**************
FRANCE POV
Dahan- dahan ko siyang kinumutan ng maayos, She's sleeping. She was so beautiful. Napaka amo ng mukha niya. Mukha siyang anghel. Lahat ng ito ay ngayon ko lamang napansin dahil hindi ko siya pinag tuunan noon ng pansin. Ngayon ay pinag-sisisihan ko. Napaka laki kong tanga na pinakawalan ko ang isang tulad niya. Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko sa mga nagawa ko sakanya noon. Napaka g*go ko! Nagsisisi ako sa mga nagawa ko sakanya noon. Kung maiibalik lamang ang dati hinding hindi ko siya papakawalan pa.
Pero hindi na maiibalik pa, Babawi na lang ako sa lahat ng kasalanan ko sakanya, lahat ng hindi ko nagawa noon ay gagawin ko.
Isa pa nababaliw na nga siguro ako dahil sa kondisyon ginawa ko para lamang madikit ako sakanya. Ako ang unang pinakasalan pero ako ang magmumukhang kabit, Hindi ko na alam kung ano ba itong napasukan ko pero wala na akong pakielam, basta handa akong gawin ang lahat para kay hailey. Hinding hindi ko siya bibitawan kahit saan pa umabot ito.
Natigil ako sa pag-iisip nang magsalita si Axel. "Alam mo nang nagpakasal ulit si Hailey?" Habang nasa hospital si Hailey pinaimbestigahan ko siya kay Grey. May nakuha siyang copy ng marriage contract na ikinasal sila Hailey and Ranz sa italy. Kaya dala-dala niya ang apelyido ni Ranz.
"Yes. Pero walang bisa ito dito sa pilipinas. Kung sinong unang pinakasalan siya ang legal na asawa" I said while smirking.
"Pinakadehado dito si Hailey dahil bawal ito sa batas, ang mag pakasal sa iba habang kasal pa ito sa una" Pinagmasdan ko lang ang tutulog na hailey sa harapan ko. Hindi ko hahayaang aabot sa punong mapahamak si Hailey sa ginawa ni Ranz. Ginamit nito ang pagkawala ng alaala niya para pakasalan siya nito. How pathetic Ranz.
"Aalis muna ako. Batayan mo siyang mabuti wag mong hahayaan makapasok si Ranz dito" Bigla kong naalala na may kailangan pa nga pala akong ayusin sa kompanya. Napaka daming natambak na problema nung nawala ako ng apat na araw.
"Hindi mo na kailangan sabihin pa yan. Ako nang bahala sakanya." He said. Hinalikan ko muna sa ulo si Hailey bago ako umalis.
***********
MAGULO BA? NAGUGULUHAN BA KAYO?😅 NAWALA KASI YUNG UNANG KONG NAGAWA KAYA INULIT KO. MESSAGE NIYO LANG AKO KUNG NAGULUHAN KAYO. 💕
KAPAG MAY NAGULUHAN AAYUSIN KO ITO KAAGAD. MEDYO NAGUGULUHAN KASI AKO SA GINAWA KO. PERO IT'S UP TO YOU KUNG NAGETS MO. 😅
SORRY SA WRONG TYPOS AND GRAMMAR.
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND ADD RL. 💕
-Mhine_195
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETE
Narrativa generaleBook 2 of My Sex Slave is My Wife "Hurt me with the trust but never comfort me with a lie" -Hailey