HAILEY POV
"Hailey, Ayos lang ba kayo? May nangyari bang masama bago kayo nakapunta dito?" Tanong ni Steven sakin at umupo sa upuan ni France.
Tumango ako at pinilit na inayos ang sarili. Kanina pa nasa comfort room si France umpisa nakalipad na kami. Hindi ko alam anong ginagawa niya duon pero sa tingin ko gusto niya munang mapag-isa.
Lutang na lutang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam saan kami pupunta pero ang sabi ni France mags'stay muna daw kami sa mga pinsan niya. Madaming security sa bahay daw nila at madami rin silang connections sa mga matataas na position sa bansa nila kaya maaari nila kaming tulungan kalaban si Ranz.
"Nandito na tayo" Napatingin ako sa wristwatch. 6pm na ng gabi ng nakarating na kami hindi ko lang alam anong oras dito. Tumingin ako sa labas mukhang maaraw siguro 12pm palang.
Nakababa na kami. Pinauna ko si France para makakuha ng sasakyan. Malayo pa raw ang bahay ng pinsan niya dito sa airport kaya kailangan naming ng sasakyan. Ako naman nagpaiwan saglit para makausap si Steven. Nag-suot na din ng coat dahil malamig sa lugar na'to.
"Sigurado bang ayos lang kayo? Nakakapanibago kasi si France ang tahimik niya at ang lalim din ng iniisip" Sabi nito pagkatapos maibaba ang mga maletang dala namin.
"Hindi lang siguro siya sanay mahiwalay kay Pearl kaya ganon siya. Oo nga pala salamat sa tulong mo kung hindi dahil sayo baka nasaktan na kami ni France" Nakangiting pagsasalamat ko sakanya. Hinaplos niya ang balikat ko at ngumiti.
"Maliit na bagay lang 'tong natulong ko kung tutuusin wala pa 'tong natulong ko sa mga naitulong sakin ni France noon. At isa pa hindi ko hahayaang saktan kayo ni Ranz kaya nung nalaman kong alam na niya kung saan kayo makikita ay agad akong humingi ng tulong sa iba para puntahan kayo. Yung pilot ko kasi nagkaroon ng emergency kaya nahuli ako ng dating dito. Mabuti nalang naunahan natin sila bago magsagawa ng plano" Nanigas ang buo kong katawan nang yakapin niya ako ng sobrang higpit. Humiwalay na siya nang makarinig kami ng tumikhim sa likod namin.
"Let's Go" Sabi ni France sabay kinuha yung mga maleta namin at nilagay sa compartment ng sasakyan. Pumasok na ako sa loob ng kotse. Mga ilang minuto pumasok na din siya at pinaandar yung sasakyan.
"France? Umpisa umalis tayo sa palawan hindi ka namin makausap ng maayos"
"Hailey, kailangan nating mag-ingat sa mga taong pagkakatiwalaan natin. We need to trust each other and no one else" Nagtaka akong tumingin sakanya, siya naman nakafocus lang yung tingin niya sa daan. Bakit ganyan sinasabi niya? Pati si Axel. May traydor ba siyang kaibigan? Sino?
Bumuntong hininga si France na para bang nahihirapang magsalita. Ilang minuto ang lumipas nang tuluyan na niyang ibinuka ang bibig " I saw him Hailey! He is the man you saw last night! I don't understand why he sided with Ranz then. What have I done wrong with my friends so they can betray me!!" Nagulat ako nang paghahampasin niya yung manibela, halos mag-gewang-gewang yung sasakyan namin.
"France!! Mabubunggo tayo!" Parang nagising si France sa sinabi ko kaya mabilis niyang hinawakan yung manibela pero huli na dahil napunta kami sa kabilang line. Madiin niyang inapakan yung preno para tumigil ang kotse. Mariin akong napapikit at nanginginig ang aking labi habang pinapakinggan yung pagsadsad ng kotse at malakas na impact.
"Sh*t! Are you okay Love? Nasaktan kaba?" Dahan dahan kong binuksan ang mata ko nang hawakan ako ni France sa balikat. Tumingin ako sa harapan ng kotse sira ito dahil pinatama ni France sa gilid ng kalsada dahil kung hindi niya ginawa iyon mababangga yung kotse nasa kabilang line. Bumaba yung matandang lalaki sa kotse niya at pinuntahan niya kami.
"Êtes-vous d'accord les gars? Es-tu blessé? (Are you okay guys? Are you hurt)" Rinig kong sabi niya. Hindi ko maintindihan yung sinasabi niya pero base sa tunog ng pagkasabi niya ay tinatanong niya kami. Binaba ni France yung bintana at siya yung kumausap duon sa lalaki.
"Love, Ayos lang? May masakit ba sayo? Sh*t! Sorry Hailey Hindi ako nag-iingat nawala ang focus ko sa pagdadrive. Sorry Hailey" Humagulgol siya habang paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sakin. Mabilis ko siyang niyakap at hinaplos yung ulo niya pero natigilan ako nang may naramdaman akong basa sa kamay ko. Humiwalay ako sakanya at tiningnan yung kamay ko at nanginig iyon ng makita kong maraming dugo.
"France! Kailangan natin madala ka sa hospital! Bakit hindi mo sinabing tumama ang u----- FRANCE!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bumagsak siya sa harapan ko. Inayos ko muna yung upo ni France bago ako lumabas para humingi ng tulong.
Pagbaba ko ay agad akong tumingin sa kalsada pero walang dumadaan. Wala nadin yung lalaking muntikan namin mabangga. Mga ilang minuto lumipas may nakita akong paparating na sasakyan. Mabilis akong pumagitna sa daan para tumigil yung sasakyan. Hindi ko alam kung tutulungan niya kami o hindi basta gagawin ko ang lahat.
Tumigil naman yung kotse at bumaba yung lalaki. Tumingin siya sa likod ko kung saan nakaparada kung kotse namin. Mukha naman siyang mabait tas medyo may makahawig siya. Hindi ko masabi kung sino.
Lumapit ako sakanya at hinawakan ang kamay niya "Help me please. I need to take my husband to the hospital" Hindi ko alam kung maiintindihan niya ba ako o hindi. Mabilis naman siyang pumunta duon sa kotse mukhang naintindihan niya sinabi ko.
Nanlaki ang mga mata niya nang malabas niya ang asawa ko "France" Banggit niya sa pangalan ng asawa ko.
Tumulo na ang dugo niya sa noo ng mailabas siya nung lalaki. Binuhat niya ito at agad sinakay sa kotse niya. Nakasunod lang ako sakanya, pinaupo niya ako sa likod para alalayan si France. Bakas sa mukha nung lalaki habang nakatingin sa salamin na pag-aalala at takot, na ngayon ilamg beses ko siyang narinig na napabuntong hininga na tila ba pinapakalma nitk ang kanyang sarili. Parang kilala nito si France kung mag-alala siya. Narinig ko din kanina binanggit niya pangalan ni France. Tatanungin ko na sana siya kaso biglang huminto yung kotse senyales nasa hospital na kami.
Medics came and they get him unconscious body out of the car and we hurriedly went to the emergency room.
Nakatulala lang ako sa labas ng emergency room. Kakadating lang namin dito tapos may nangyari ng ganito? Hindi ko naman pwedeng sisihin si France dahil nadala lang siya ng galit sa kaibigan niya. Napaangat ako ng tingin sa basong nakatapat sa harapan ko, tiningnan ko kung sino yung may hawak. Yung lalaking tumulong samin kanina. Hindi ko pa pala siya napapasalamatan sa dami ng inisip ko hindi ko na siya naalala.
"Kakarating niyo lang ba dito?" Tanong niya sakin habang umiinom ng kape. Nagulat ako dahil nakakapagsalita pala siya ng filipino. "He's my cousin. I did not expect this to be our meeting" Siya pala yung sinasabi ni France kaya pala may kahawig siya dahil medyo magkahawig sila ni France.
"Oo kakarating lang namin...ummm dapat papunta kami sainyo para... duon muna sana tumira pansamantala"
Napakunot noo ako nang hindi siya nagsalita sa sinabi ko. Ayaw niya ba kaming tumuloy duon? Tumayo siya at may tinawagan sa cellphone niya. Hindi ko naman maintindihan sinasabi nito sa kausap niya. Hindi ko na lamang pinansin iyon at naghahantay nalang sa paglabas ng doctor.
Napatayo ako nang lumabas na yung doktor at lumapit sakanya.
"He's safe" Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng doctor. He's Safe! He's Safe! "We sewed the wound on his head but he's in coma. Don't worry, anytime he'll wake up if he wanted to. Excuse me.."
"I already got your things from my brother. I will take you home first so you can exchange and eat as well." Tumango nalang ako, nakaramdam nadin ako nang gutom at pagod kaya hindi nako umangal. Binisita ko muna saglit si France sa kwarto niya bago kami umalis.
************
SINO NGA BA KASI ANG TRAYDOR SA MGA KAIBIGAN NIYA?
SORRY SA WRONG TYPOS AND GRAMMAR.
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND ADD RL. 💕
-Mhine_195
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETE
General FictionBook 2 of My Sex Slave is My Wife "Hurt me with the trust but never comfort me with a lie" -Hailey