HAILEY POV
"Sweetie wake up" Napatakip ako ng unan nung naramdaman ko ang pagyugyog sakin ni France. Dinilat ko isa kong mata at sinulyapan siya.
Grabe! Hindi ba uso sakanya magdamit? Umagang umaga e.
Napapikit ako bigla nung tumingin siya sa mukha ko.
"Wag kana magtulog-tulugan. Alam kong pinagnanasahan moko diyan" napaupo ako bigla sa sinabi niya.
"Wag kang mapiling diyan. Wala ka nga abs para pagnasahan ko."
Hinawakan niya kamay ko at nilagay sa abs niya.
"Ano yan hinahawakan mo? Diba abs yan?" Sabi niya sabay hinalikan ako sa labi.
"Ang yabang talaga ng asawa ko" sabi ko at pinanggigilan ang pisngi niya.
"Atleast gwapo ako" Sabay tumawa siya nang malakas. Napasimangot naman ako kaya kiniliti ko siya sa tagiliran niya. Pareho kaming humahalaklak dahil sa pangingiliti naming dalawa ng biglang may kumantok sa pinto. Napatigil kaming dalawa sa pagkikiliti.
"Hailey? France? It's breakfast time!" Tawag samin ni Zaynier. Mabilis kaming napatayo at nag-unahan sa paglabas ng pinto.
Pero dahil may pagkalampa si France ayun bumagsak siya sa harap ni Zaynier pagkabukas niya ng pinto.
"Huh? Good morning" Bati samin ni Zaynier at nagkamot sa batok niya. Tiningnan niya si France na nakadapa parin sa harapan niya.
"Hehehe. Ang ganda pala ng tiles dito kulay black n' white" Sarcastic na tawa ni France habang hinahaplos yung tiles na pinagdapahan niya.
"Ano ba kaseng ginagawa mo diyan?" Tanong nito. Tumayo si France hinila sa kamay ko yung towel na hinila ko kanina sa sabitan.
"Wala naman. Maliligo na sana ako kaso nakita ko yung semento, ang ganda kasi ng kulay kaya niyakap ko" Palusot nito.
As if naman maniniwala sakanya si Zaynier. Naku France magpapalusot ka na nga lang yung hindi pa kapani-paniwala.
Natatawamg umiiling si Zaynier "Okay sabi mo e. Sige maligo kana, ako nalang bahala muna sa asawa mo" sabi nito nagsign naman siya sa akin na maglakad na.
"Hindi na pala ako maliligo mamaya nalang pala. Kakain muna ako" Sabi nitong katabi ko at hinawakan ako sa bewang.
"Seloso" natatawang bulong ni Zaynier pero narinig ko yung dahil nasa kabilang gilid ko lang siya.
Sabay na kaming tatlo pumunta ng kusina.
"Hey Zayn! Bakit may takip yang mukha mo?" Tanong ni France. Napatingin ako kay Zayn may takip itong panyo sa mukha niya bali nakikita lang buhok at mata nito.
"Baka daw kasi sapakin mo nanaman. Sayang daw mampaayos niya ng mukha" sabi ni Xiyeon paupo palang sa tabi ni kuya Zae
"Sorry hahaha. Ikaw kasi"
"Apology declined" Napasimangot naman itong katabi ko. Pinanghila niya ako ng upuan sa tapat ni Zaynier saka siya na din naglagay ng pagkain sa pinggan ko.
"Nabanggit sakin kahapon ni Zaynier na 3days lang kayo dito? Saan naman kayo pupunta? Natunton ba kayo nung gustong kumuha kay Hailey?" Tanong samin ni Ate Xiyeon habang kumakain.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETE
General FictionBook 2 of My Sex Slave is My Wife "Hurt me with the trust but never comfort me with a lie" -Hailey