Chapter 11

4.9K 108 9
                                    

HAILEY POV

Kakalabas palang namin sa Pet Store ng makita namin wala si Rain sa pinag-iwanan namin sa kanya kanina. Nakita ko natatarantang tumakbo si Rain sa may fountain at hinahanap sa paligid si Rain. Napahilamos pa siya sa mukha niya. Sumunod agad ako at nilapitan siya.


"Sh*t!" rinig kong mura niya, nilabas niya yung cellphone niya at may tinawagan.


"Lola nasaan po kayo? Kasama niyo ba si Rain?" nag-aalalang tanong ni ranz sa lola niya.


[ Hindi pa. Nasa loob pa kami ng Mall, Nawawala ba si Rain?!]


"Yes La! Paglabas namin sa pet store wala na siya kung saan namin siya iniwan!"


Kanina kase isasama ko na sana siya sa loob, kaso ayaw ni Ranz. Dahil may allergy daw siya sa balahibo ng pusa kaya iniwan muna namin pansamantala siya dito. Naging kampante naman kaming iwan siya dahil sabi ni Lola Rhea ay susunod siya agad samin at siya magbabantay kay Rain.


"La naman! Ang sabi niyo susunod kayo agad samin kaya nga nagkampante kaming iwan siya dito!" inis nitong sabi. Hinakawan ko agad ang kamay niya para huminahon siya.



"Wag mo sigawan si Lola Rhea, hindi naman niya kasalanan kung bakit nawala si Rain. Hanapin na lang natin siya"


"Ang sabi ko sakanya dito lang siya at hintayin dumating si Lola Rhea!" Sabi nito at nag-umpisa na siya maglakad lakad. "Paano kung nakidnap na anak natin? Sh*t!"


"Wag kang mag-isip nang ganyan Ranz, Baka nasa paligid lang si Rain"


Napatingin ako sa bandang gilid ng dinadaanan namin. May nakita akong isang lalaki at hawak hawak si Rain.

Matangkad ito at mukhang kasing edad lang din namin ito. Nakaside view yung lalaki.

Palayo sila sa direksyon dinadaanan namin. Natigilan ako sa paglalakad "Hailey?" tawag sakin ni Ranz.

Tumakbo ako papunta kay Rain pero biglang sumulpot si Lola Rhea sa harapan nung lalaki. Nakita ko yung mukha nung lalaki.

Bigla ako napahawak sa ulo ko ng maramdaman kong kumirot ito.

"Wala na bang chance magkabalikan tayo?"

"Bakit feeling ko, sa kanya ka lang sumasaya?"

"Pero siguro, tama ka nga. Kailangan na kitang I let Go sa buhay ko. Dahil may pamilya ako,  May anak ako. Hindi na kita kailangan pilitin pa. Mahal na mahal kita."


Sunod sunod na nag-flash sa utak ko ang nakangiti at tumatawang mukha nung lalaking nakita ko. Naguguluhan ako. Naging parte ba siya sa nakaraan ko?


Bigla akong inalalayan umupo ni Ranz dito sa may bench at inayos buhok ko.


"Are you okay?" I felt Ranz's hand on mine. Pasimple kong kinuha ang kamay ko at nginitian siya.



"Sumakit lang bigla ang ulo ko" tumango lang ito. Siguro mas mainam, huwag ko munang sabihin sa kanya kung anong nalaman ko ngayon.

Tumingin ako ulit duon sa lalaking nakita ko kanina pero wala na ito.


"Mommy!" Tawag saakin ng anak ko ng makalapit na sila samin.


"Saan kaba nagpunta?!" Tanong sakanya ni Ranz bigla naman akong napatayo saka hinila si Rain at nilagay sa likuran ko, naramdaman kong niyakap niya ako. Niyakap ko din siya ng mahigpit at tumingin kay Ranz.


Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon