FRANCE POV
"Anong ginagawa ng Salcedo na yan dito?"
Nakakunot-noong tanong ni Axel pagkakita kay Ranz. Siya ang kinuha ni Daddy na architect ng bahay nila sa Ilocos. Kahit disappointed ako kay Dad dahil mas pinili pa nitong kumag na'to kesa sakin pero naging pabor sakin dahil kapag nasa ilocos na ito ay pwede ko nang makuha si Hailey at sisiguraduhin ko nang hindi niya ito pa makukuha mula sakin.
"Siya ang kinuha ni Dad na maging architect ng bahay nila sa Ilocos" Napatiim-bagang siya sa sinabi ko.
"What? Mas magaling ka pa nang architect diyan. Tingnan mo nga yung style nang bahay niya. Ang laki sa labas tapos ang liit naman sa loob tapos yung cr nila ang laki pero yung kwarto ang liit ng space." pang-lalait niya sa bahay ni Ranz. Lihim akong napangiti sa sinabi niya. Nakikita ko sa ugali niya si Hailey ganitong ganito siya noong naging architect nila ako para sa hotel nila sa Korea.
Umpisa pinahawak na sakin ni Dad yung kumpanya niya ay tumigil na ako sa pagiging architect mas tinuon ko ang oras ko sa pagbubusiness habang hinahanap noon si Hailey.
Speaking of Hailey...
Mag-iisang buwan na bukas na hindi kami nagkikita. Kahit pag-uusap namin sa cellphone dalawang beses sa isang linggo. Mabuti na lamang si Vince saka yung kinuha kong magmasid kay hailey ay laging nakabantay para tingnan kung nasa mabuting kalagayan ba si Hailey.
Hihintayin ko lang talaga maka-alis itong kumag na'to saka ko isasagawa ang plano ko pagtakas kay Hailey.
"Ano ba yan? Wala na bang matinong kausap dito o kaya naman hindi yung palaging wala sa sarili. Kahit saan yata ako pumunta puro lutang mga nakakasama ko" Naiinis niyan reklamo sa harapan ko. Sinamaan niya pa ako nang tingin.
"Maghanap kana kasi ng dream girl mo. Para siya yung palaging kulitin mo" Seryoso kong sabi
"Hindi ko na siya kailangan hanapin pa. Siya na ang kusang lalapit sa akin. Sa gwapo kong ito. Ha! She can't resist my charm. Nasa tabi tabi lang siya" Nagpa-pogi sign pa siya. Kumunot ang noo ko. Ano na naman ang sumapi sa taong ito.
Magpoprotesta sana ako sa sinabi niya pero itinikom ko na lang ang aking bibig. Baka masira ko pa ang mood niya sa kakapa-cute niya sa mga babaeng dumadating at bumabati sa akin.
Lalakad na sana ako paalis nang marinig ko ang boses ni Ranz "Nice to see you Sanchez" umirap ako at pagkatapos ay saka siya tinapunan ng tingin.
"It's not nice to see you. May sasabihin ka pa ba? Pwede ka nang lumayas sa kumpanya ko?"
"Aww. Is that how you treat your architect?" nagkunwari pa siyang nasaktan. Hindi ko nalang yun pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad paalis.
"Anong pakiramdam na palaging pangalawa? Lahat nang minamahal mo sa akin napupunta. Ako ang pinipili makasama" Nagtagis ang aking ngipin sa galit na nararamdaman ko sakanya.
"Sa tingin mo ba ganun nalang kadaling makuha mo sakin si Hailey kapag umalis ako? Duon ka nagkakamali. Habang nabubuhay ako hinding hindi mo makukuha sakin si Hailey" Matigas na pagkakasabi ni Ranz sa akin. Galit akong tumingin sa kanya. Tinuring ko siya bilang kapatid ko hindi isang bestfriend lamang tapos ganito lang gagawin niya sakin ang trayduhin ako. Hinayaan ko na sila noon ni Daniella sa panlolokong ginawa sa kin pero ang agawin niya sakin si Hailey hindi ako papayag.
"Pwes, Ngayon palang papatayin na kita!" Galit kong sigaw sakanya at sinugod ko siya saka sinuntok ng malakas sa mukha napatumba naman siya sa sahig sa lakas nang suntok ko sakanya. Si Axel naman ay natawa sa ginawa ko pagsugod. May saltik na'to sa utak.
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETE
General FictionBook 2 of My Sex Slave is My Wife "Hurt me with the trust but never comfort me with a lie" -Hailey