Chapter 41

3.1K 77 8
                                    

HAILEY POV

Gumising ako ng maaga para makapaghanda na. Naghanda na din ako makakain at binigyan din ako ni Xiyeon nang damit ng asawa niya para makapagpalit daw ito.


Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng pinto. Nagulat ako nang may isang bulto ng lalaki sa may pader. Napahawak ako bigla sa puso ko sa sobrang gulat. Napansin niya naman ako at ngumiti. Si Zayn lang pala akala ko naman kung sino.



"Oh ganyan ba ang epekto ko sayo kapag nakikita mo ako?" Nilapitan ko naman siya at kinurot sa tagiliran. Kahit kahapon lang kami nagkasama pero feeling close na kami sa isat-isa. Magaan kasi ang pakiramdam ko sakanya marahil siguro nakikita ko sakanya yung ugali ni Axel.


"Aray naman Hailey! Kung kinikilig ka sabihin mo lang. Hindi mo na kailangan saktan" Natatawang sabi niya.


"Hay Ewan ko sayo Zayn. Ang aga-aga nang binibwisit kana" sabi ko sakanya at nauna ng maglakad. Hinabol naman niya ako at humarang sa harapan ko. Nagtaka naman akong tumingin sakanya "Bakit?"



"Saan ka pupunta?"  Maang-maangan niyang tanong sakin. Napairap ako sa tanong niya "Sa hospital. Baka gising na si France" saka naglakad ulit pero humarang siya ulit.


"Sure kang lalakarin mo hanggang sa hospital? You might get lost here. There are a lot of bad people here."


"Kung aalukin mo akong sumabay sayo. Halika kana ang dami mo pang paligoy-ligoy. Sa bandang huli papasakayin mo lang din ako"



Humahalaklak naman siya sa tuwa sa sinabi ko. Tiningnan ko naman siya ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin paniguradong patay na'to. Umalis naman siya sa harapan ko at sumakay sa kotseng nakaparada sa kalsada saka umikot papunta sakin.



"Sakay na" He winked at me. Feeling pogi si kuya hahahaha. Hindi niya ako madadaan sa charm niya. May gwapo padin sakin ang asawa ko. Nagkibit balikat nalang ako at sumakay na sa kotse niya.



"Ang gwapo ko naman para maging driver mo miss"


"Tsk. Ang yabang" Bumaba nalang ako at lumipat sa harapan. Baka magreklamo pa ulit.


Isinuot niya sa akin ang seatbelt at nung masiguro niya na okay na ang lahat, biglang niya nalang pinaharurot ang kotse. At the exact moment. It felt like my heart would burst into a million pieces, ang bilis niya kasing magpatakbo. Akala mo may humahabol samin o kaya kasali siya sa car race.



Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Wala akong tiwala kay Zayn pero hindi niya naman siguro kami hahayaang mamatay. Kung mamatay man ako kawawa naman si Bebe France ko pati ang anak ko. Huhuhu.


It felt like hours but in reality it only took us a few minutes to get to our destination. Iminulat ko ang aking mga mata at nasa parking lot na kami nang hospital. Huminga ako nang malalim.


"Ayos ba?" Nakangiting tanong niya sakin. Inirapan ko nalang siya at pumasok na kami sa loob and as usual pinagtitinginan siya ng mga tao lalong lalo na ng mga kababaihan kahit yata mga babaeng doctor dito napapatingin sakanya. Nagtaka pa ako nang bigla na lang siyang huminto at may kinuha mula sa bulsa niya.



Napa-wow nalang ako. Wala naman araw dito sa loob nang hospital para magshades siya. Mas lalo tuloy kaming pinagtitinginan ng mga tao.


"Nakalimutan kong mag-disguise" Bulong niyang sabi.



"Disguise para saan?" tipid kong tanong.



"Hay nako! Are you watching the news or even surfing the internet?"


Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon