STEVEN POV
My head hurts and I can't feel my arm. Iyon ang mga bagay na rumehistro sa utak ko ng unti-unit akong nagkaroon ng malay. Iminulat ko ang mga mata ko at ikinurap ko ng wala pa akong masyadong makita.
Where Am I?
Igagalaw ko sana ang katawan ko pero nakatali ang mga kamay ko mula sa likod ng inuupuan ko. Pakiramdam ko nagkasugat-sugat na'ko sa higpit ng pagkakatali nila sakin. Muli kong pinagmasdan nasa paligid ko. Madilim at parang bodega ang lugar na kinaroroonan ko ngayon.
Ang huli kong natatandaan pababa na sana ako ng kotse ko nun at papasok na sa loob ng bahay ko nang may matigas na bagay na pinukpok sa batok ko kaya nawalan ako nang malay.
Napatingin ako bigla sa may kanan ko nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking mabilis kong nakilala.
"Ranz" agad na banggit ko sa pangalan niya.
"Long time no see" walang emosyon sabi niya at inilapag sa tabi ko ang isang platong may pagkain. Kung para sakin yang pagkain mas nanaisin ko pang magutom kesa kainin ibibigay niya. Baka may lason pa yan.
"Alam kong nagugutom kana. Dalawang araw kanang nakakulong dito. Hindi naman ako ganon kasamang tao para patayin ka sa gutom" sabi niya at saka naupo sa upuan sa harapan ko. May lumapit saking isang lalaki at kinuha yung pagkain nasa tabi ko. Susubuan na sana niya ako nang iginilid ko yung mukha ko.
"Wala akong balak na lasunin ka kung yan ang iniisip mo"
Hindi ako sumagot, bagkus ay pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mapansin niyang nakatitig ako sakanya. Ngumiti siya habang nagsasalin ng tubig mula sa pitsel patungo sa baso saka niya ininom tapos ay tumingin siya duon sa lalaki at nagsenyas na lumayo muna sakin.
"Kung gusto mong makawala dito, sabihin mo lang sakin kung nasaan ngayon sina Hailey?" Sumisipol-sipol pa siya habang pinaglalaruan yung hawak niyang baso.
"Kahit patayin mo ako, hinding-hindi ko sasabihin kung nasaan sila Hailey!" Galit kong sabi sakanya. Lumingon siyang nang may nakakalokong ngisi.
"Madali naman akong kausap" Sabi nito.
Nagulat ako nang may sumuntok sakin sa gilid ng mukha ko halos umikot ang paningin ko sa sobrang lakas nang ginawa niya at may sumipa sa tiyan ko, sumuka ako ng dugo sa lakas ng sipa niya.
Nakita kong kumuha yung dalawang lalaki ng baseball bats at pocket knife handa na silang sugurin ako ulit.
Sh*t. Mamamatay na nga ako.
Ngumisi siya "Ano? Handa ka na bang mamatay? O sasabihin muna sakin kung saan ko matatagpuan sina Hailey."
Pumikit ako.
Ayokong mamatay pero ayoko ding mapahamak sina France. Ibang iba na si Ranz sa dati naming pagkakilala sakanya. Para siyang nanakawan ng mamahaling bagay na ikakabaliw niya kapag hindi niya ito nahanap at nakuha.
"Hinding-hindi ko sasabihin sayo kung nasaan sila! Kahit ikamatay ko pa!" pagkasabi ko nun, bigla na lang umatake yung dalawang lalaki. Pinalo ng malakas sa hita ko gamit ang baseball bats na hawak nung isa. Halos mapasigaw ako sa sobrang sakit Susunod na sana yung isa na may hawak na pocket knife nang may pumigil sa kamay niya.
"RANZ PLEASE! ITIGIL MO ITO! WALA SA PLANONG SAKTAN SIYA!" Nanlaki ang aking mata sa taong pumigil duon. Bakit nandito siya? Anong ginagawa niya dito? Kasabwat ba siya?
BINABASA MO ANG
Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETE
General FictionBook 2 of My Sex Slave is My Wife "Hurt me with the trust but never comfort me with a lie" -Hailey