Chapter 6

5.5K 115 10
                                    

HAILEY POV

"Here your order ma'am. Two Cappuccino and Chocolate cake" Magalang na binaba ng waiter yung order namin saka umalis.

Tinitingnan ko lang ang pagkain na nasa harapan ko.

Hindi padin ako nakakaramdam ng gutom kahit na anong sarap ng pagkain ang ihain sa harapan ko.



I always feel that something is missing. I don't know where to find it.



"Kaloka ka bessy, Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang yang pagkain" Xiantal said.


Si Xiantal ang naging bestfriend ko sa italy, Nagkakilala kami sa Hotel na pagmamay-ari ni Ranz. Pauwi na daw sana siya galing sa business meeting niya ng masiraan siya ng sasakyan. Yung hotel lang ni Ranz ang nakita niyang malapit sa lugar kung saan siya nasiraan kaya dun siya napunta. Kaklase pala ni Xiantal si Ranz sa kursong Architecture. Hanggang sa naging mag-close na kami at sumabay din ito paguwi namin dito sa Pilipinas. Alam din ni Xiantal anong nangyari sakin.


"Shopping tayo bessy" Excited nitong sabi sakin. Hindi yata maaalis sakanya ang pagiging shoppaholic, halos mapuno na ang buong walk in closet niya ng mga bagong damit, dito niya halos pinupunta ang pera niya sa pagshoshopping dahil wala naman daw itong asawa't anak. Mas masarap daw mamuhay ng single. Well, minsan may pagkalandi siya. Pero ayaw niya ng commitment.

" I'll pick up rain later at her school kaya baka mabitin lang tayo sa pagshoshopping" sabi ko sa kanya.



"Oh, c'mon! Ngayon ka na nga lang pinayagan ng asawa mong lumabas kasama ako tapos hindi ka pa papayag? Tawagan mo na lang driver ni Rain para siya na sumundo sa kanya"


Napabuntong hininga ako, Alam naman niya talagang hindi ko siya matitiis. Kinuha ko yung cellphone sa bag ko at tinext yung driver ni rain na siya ang susundo sa kanya ngayon. Nakita ko ngumiti si Xiantal sa ginawa ko.

Tumingin ako sa labas at tiningnan ang kalangitan. Masaya ako sa buhay ko ngayon, dahil meron akong asawang mapagmahal at anak. Nakukuha ko din ang gusto ko, nabibigay din lahat nang nais ko pero bakit ganito ang pakiramdam ko. Bakit pakiramdam ko may kulang? Saka parang may mali sa pagkatao ko?


I'm always asking myself.  Who real i am? What behavior do I have? How did I get married to ranz?

"Sayang naman yung cake bessy, Akin na nga lang" Sabi nito at kinuha yung cake na inorder ko. Sa tuwing tinatawag niya akong bessy, parang pamilyar sakin ang tawag niya. May nagpapakita sa panaginip ko tinatawag nila akong bessy, Isang babae at isang lalaki. Malabo ang kanilang mga mukha.


"Let's Go" sabi nito saka ako hinatak palabas ng coffee shop at nasa kotse niya kami. Ilang minuto lang pinark niya yung kotse sa parking lot. Saka nanaman niya ako hinatak papunta sa loob ng mall at una naming pinasok ang Forever 21, Halos maubos yung nakadisplay nila dahil pinagkukuha ni xiantal lahat. As in lahat.


"Bessy, Try this! And this oh! and this one too. I know it will suit you" saka niya ako tinulak sa fitting room. Napatingin na lang ako sa mga hawak kong damit. Masyado naman ang sesexy ng damit na binigay niya.

Nung tapos ko ng sukatin lahat lumabas na ako ng fitting room at sumalubong agad sakin si Xiantal.


"Bagay ba lahat sayo?" excited niyang tanong

Tumango naman ako bilang tugon.

"Great! Bayaran na natin" sabi nito at kinuha ang mga damit na nasa kamay ko at sinali sa push cart niyang dala saka pumunta sa cashier.

Forgotten Memories [MSSIMW BOOK 2]#COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon